Bago pa man sila ikasal ay malinaw na ayaw sa kanya ni Xavier at madalas na ito’y ginagabi sa pag–uwi. Gayunpaman, iginiit ni Estrella na kulitin niya ang kanyang asawa at gumawa siya ng paraan para magkalapit silang mag–asawa.
Alam niyang kapag kinukulit niya si Xavier ay lalo lamang itong mapapalayo ang loob sa kanya. Pero wala siyang magawa kundi sundin ang kanyang biyenan bilang paggalang. Siya tuloy ang napagbuntunan ng galit ng kanyang
asawa.
“Mayumi, wala akong pakialam kung ano ang estado mo noon, o kung anong mga paraan ang ginamit mo para makapasok sa pamilyang Valerio. Ngayong kasal ka na sa anak ko, kailangan mong maintindihan ang lugar mo!” galit na sabi ni Estrella sa kabilang linya.
“Pinabayaan mong tatlong araw na hindi umuwi ang asawa mo, at ikaw naman ay matagal ding wala. Nakalimutan mo na ba na asawa ka ni Xavier?”
Walang tigil sa panenermon si Mrs. Valerio. Ngunit ngayong malapit na silang magdiborsiyo, hindi na siya mananahimik tulad ng dati. Sa unang pagkakataon, sinagot niya ito.
“Mom, you just said it yourself…. I’m his wife, not his mother. That is your son, not mine. Hindi ko obligasyong patuloy siyang disiplinahin.” mahinahong sagot niya.
“Ano’ng sinabi mo?” sigaw ni Estrella. “Nabaliw ka na ba? Paano mo nagawang sagutin ako nang ganyan ngayon?”
“Nagsasabi lang po ako ng totoo.”
Tumahimik ito ng ilang sandali bago muling nagsalita. “Hmmm, mukhang nabulag ka na ng selos? Bumalik ba si Ysabel? Kasama ba ni Xavier ang babaeng iyon nitong mga nakaraang araw?”
Nanatili siyang tahimik. Alam ni Estrella ang pagbabalik ni Ysabel, kaya’t hindi siya nagulat.
Nang mahalata ni Estrella ang pananahimik niya, inakala nitong totoo ang duda at muling tumawa.
“Alam ko na… nag–iinarte ka dahil kay Ysabel? Pero huwag mong kalimutan, ako ang nanay ni Xavier… Kung ano ang gusto ko ay siyang masusunod! Kung sino ang gusto kong babae para sa anak ko ay iyon ang pakikisamahan niya. At kapag sinabi kong makikipagdiborsiyo na si Xavier sa’yo, bukas na bukas din ay nasa labas ka na ng mansyon ng mga Valerio! Kaya alamin mo ang lugar mo bago mo ako kausapin nang ganyan!”
Nanatili siyang tahimik. Inakala ni Estrella na uubra pa ang pananakot nito sa kanya. Hindi ba nito napansin na ibang Mayumi na siya ngayon?
Kumpara sa kanya, mas ayaw ni Estrella kay Ysabel. Kahit pa sabihing hindi siya nagmula sa marangyang pamilya at hindi tugma sa ideal na manugang sa paningin ni Estrella, ay maamo naman siya, simple, at madaling pakikitunguhan.
Di katulad ni Ysabel na bagama’t matalino, nag–aral sa ibang bansa, at kahit paano ay mayaman, hindi nito mahahawakan sa leeg si Ysabel. Naramdaman ni Estrella na magiging banta si Ysabel kung mapapangasawa ito ni Xavier. Noon pa man, mariin nitong tinutulan ang relasyon nina Xavier at Ysabel.
Naalala nya noong pagkatapos ng kasal nila ni Xavier, sinubukan pa rin nitong tutulan at ipinapakita na si Ysabel ang mahal nito at hindi siya. Sa gabi ng kanilang honeymoon, dalawang magkasunod na araw itong nagpalipas ng
oras sa club.
Sa paglipas ng mga taon, bihira na itong umuwi at halos hindi na ngumiti, lubusan siyang iniiwasan. At nalaman
iyon ni Estrella kaya ito nagalit sa anak.
+30 Bonus
Lalo pa itong nagalit nang malamang umuwi si Ysabel sa Pilipinas at tatlong araw na kasama si Xavier. Gayunpaman, hindi rin kayang paghiwalayin ni Estrella si Xavier at Ysabel nang direkta kaya siya ang kinasangkapan nito.
“Mayumi, bilang biyenan mo, tutulungan kita sa huling pagkakataon. Pero pinapayuhan pa rin kitang maging alerto. Kung hindi mo hihigpitan ang asawa mo at hahayaang mapunta kay Ysabel, ay baka mawala sa’yo ang estado bilang Mrs. Valerio, kaya ayusin mo ang trabaho mo!”
Pagkatapos ng huling sermon na iyon, ibinaba nito ang telepono nang hindi na siya binigyan ng pagkakataong sumagot.
Noon, ang marinig ang mga salitang “mawawala ang estado mo bilang asawa ni Xavier” ay parang guguho na ang kanyang mundo. Ngunit ngayon, marahil dahil handa na ang kanyang loob, tatawanan niya na lang ito nang maluwag sa kanyang dibdib.
If she lost it, then so be it. She didn’t want it anymore anyway!
Pagkatapos sa sementeryo ay muli siyang pumunta sa law firm upang ipagawa ang kontrata ng dovirce papers. Sa totoo lang, halos tapos na niya itong ihanda noong nasa ospital pa siya. Ang tanging hindi pa napag–uusapan ay ang hatian ng ari–arian. Hindi pa kasi nakikipag–usap si Xavier sa kanya.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME