Login via

Once Upon A Time novel Chapter 19

“IS SOMETHING bothering you, sweetheart?”

Mula sa kalangitan ay nagbaba ng tingin si Selena. Bumaling siya kay Adam. Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang makitang mayroon itong dalang life-size teddy bear. Tinotoo ng binata ang sinabi nito pagkagising niya mula sa comatose na babawi ito sa kanya.

Adam had become everything she had dreamed for him to be. Naging napakamaalaga nito, maalalahanin at mapagmahal. Ni hindi lubos akalain ni Selena na may romantic bone pala ang binata sa katawan. Parati itong nasa tabi niya. Siguro ay dapat niya ring ipagpasalamat kahit paano ang pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa naging pagbabago ni Adam.

Kahit ang kanyang ama ay napaka-attentive na rin sa kanya ngayon sa pagkagulat niya. Mula nang lumabas siya ng ospital ay para na siyang babasaging kristal kung ituring nito. Naglalaan na ito ngayon ng oras para sa kanila ng ina. May mga pagkakataon pang ipinasusundo sila nito ng ina sa mga tauhan nito papunta sa yate kung saan ito nag-arranged ng dinner para sa kanilang tatlo.

Araw-araw rin ay nakatatanggap ng mga bulaklak ang ina mula sa ama at stuff toys naman para kay Selena o ‘di kaya ay mga mamahaling damit o alahas. At natutuwa siya sa hindi inaasahang pagbabago ng ama pero ipinagtataka niya ang napapansing kalamigan ng ina rito.

Masaya siya sa mga pagbabago na nangyayari sa buhay niya. Nasa kanya na ang lahat. Ano pa ba ang mahihiling niya? Pero sa kabila niyon ay hindi niya maunawaan ang kung anong kahungkagan sa kanyang dibdib. Parang may kulang pa rin na hindi niya matukoy kung ano. Para siyang may hinahanap. At hindi siya mapakali dahil doon.

Ayon sa ina ni Selena ay halos dalawang taon na raw ang lumipas simula nang naaalala niyang twenty-fifth birthday niya. Ibig sabihin ay marami nang nagbago. Pero ano? Sa tuwing tinatanong niya naman ang mga magulang o si Adam ay wala naman raw gaanong nagbago. Ganoon pa rin daw ang lahat.

Ayon rin sa mga magulang niya ay nabangga ang kotse na kinalululanan niya kaya siya naaksidente. Pero siniguro ng mga ito sa kanya na bago iyon ay maayos naman daw ang lahat sa buhay niya. Na-postponed nga lang ang kanilang kasal ni Adam.

Kasal… For some reason, thinking about it brought some tension into her nerves. Ano bang nangyayari sa kanya? Siguro ay dala lang iyon ng kakulangan niya ng alaala kaya pakiramdam niya ay mayroong napakalaking nawawala sa kanya. Iyon lang naman ang posibleng maging rason.

Nang ulitin ni Adam ang tanong nito ay saka lang nahinto sa pag-iisip si Selena. Sinikap niyang ngumiti rito. “Wala ‘to. Wala namang problema. It’s just that… there are times that I feel like I’m in a place where I’m not supposed to be.” Mayamaya ay kinindatan niya ito. “Pero ‘wag mong sasabihin ‘yon kina mommy at daddy, ha? Baka sumama ang loob nila. Secret lang natin ‘to.”

Ilang sandaling pinagmasdan lang siya ni Adam bago siya nito bigla na lang niyakap. “I’ve missed that side of you so much, Selena.”

“Bakit naman?” Napapangiti pa ring tanong niya. “Nagbago ba ako?”

“Yes. A lot.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Selena. “Anong ibig mong sabihin?”

Muli ay natahimik si Adam. Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita. “Wala naman. You just… became the woman that I thought I was going to lose forever. Tinakot mo ako ng husto. Lalo na nang maaksidente ka. Na-missed kita ng sobra-sobra, Selena. At mahal kita. Ang dami nang nangyari but I still feel the need to tell you that.” Emosyonal na dagdag ng binata. “I love you. I love you so much, sweetheart.”

Simula nang magising si Selena ay parati niya nang naririnig ang mga salita ng pagmamahal mula kay Adam pero hindi pa rin siya sanay. Ganoon pa man ay nagpapasalamat siya sa bagay na iyon. Gumanti siya ng yakap sa binata.

“Will you tell me that you love me, Selena? Dahil kailangan kong malaman. Kailangan kong marinig mula sa mga labi mo kahit ngayon lang na mahal mo pa rin ako… na ako pa rin dyan sa puso mo.”

Ngayon lang napansin ni Selena na puro pala siya ngiti at pasasalamat sa tuwing nag-I love you sa kanya ang nobyo samantalang datirati ay natatandaan niyang siya ang kusang nagsasabi niyon sa binata.

“Silly.” Mayamaya ay wika na lang niya. “Ano bang sinasabi mo? Of course, it’s still you, Adam. Ikaw lang naman parati. I love you, too.”

Mayamaya ay natigilan si Selena. Bakit ganoon? Nang sabihin niya ang mga salitang iyon pakiramdam niya ay… iba ang sinasabi ng puso niya? Pero ano nga ba ang sinasabi nito? Bakit simula nang magising siya, pakiramdam niya ay hindi niya na gaanong kilala ang sarili? Lalo na ang puso niya?

Chapter 19 1

Chapter 19 2

Chapter 19 3

Comments

The readers' comments on the novel: Once Upon A Time