“MABUTI PA ang mga matatanda, nagawa pa ring makahanap ng happy ending. Tayo kaya, Selena, mahanap din kaya natin iyon para sa ating dalawa?”
Ang mga salitang iyon ni Dean ang kaagad na sumalubong kay Selena pagkalabas niya ng banyo sa loob mismo ng master’s bed room ng itinayong bahay nila. Nakapagpalit na siya at pati ang asawa ay ganoon rin. Kasalukuyan na itong nakaupo sa malaking kama habang titig na titig sa kanya.
Hindi lubos akalain ni Selena na may madaratnan siyang kumpletong mga gamit niya sa master’s bed room. Naroroon rin ang mga sketch pads niya, mga lapis, pangkulay at iba pa. Sa gitna ng kwarto ay naroroon ang painting na siya mismo ang subject. Nasisiguro niyang bago iyon dahil ngayon niya lang iyon nakita.
Sa sala naman nang pumasok siya kanina ay bumungad sa kanya ang family portrait nila pati na ang ilang mga larawan nila na siyang ikinasaya ng mga magulang niya dahil doon na rin pinatuloy ni Dean ang mga ito lalo pa at dis-oras na ng gabi. Sa ngayon ay magkasama nang nagpapahinga ang mga ito sa guest room.
“I… I saw the annulment papers.”
“Naaalala mo pa ba nang tanungin kita kung mahal mo si Adam? Nang sabihin mong oo, ang sabi ko, palalayain ko na ang prinsesa ko gaano man iyon kahirap, gaano man iyon kasakit.” Sa halip ay sagot ni Dean. “Dahil ano pang saysay ng pakikipaglaban ko para sa ‘yo kung may mahal ka nang iba? I would have fight for you until my last breath had I felt that there’s still hope somewhere between us, Selena. Pero wala na akong maramdamang pag-asa noon, especially I caught you kissing Adam a few days ago and my world broke once again.”
Mariing naipikit ni Selena ang mga mata nang mabasa ang sakit na malinaw na nakarehistro sa mga mata ng asawa na siya mismo ang may kagagawan. Ngayon ay malinaw na rin sa kanya ang lahat. Hindi ito ang naunang bumitaw. “I’m so sorry, Dean.”
“Hindi na iyon mahalaga ngayon. Selena…” Bumakas ang insecurity sa boses ng asawa. “Selena, mahal mo pa ba ako?”
“Bakit hindi ka nagpakilala nang mas maaga sa akin, Dean?” Puno ng paghihirap na wika ni Selena nang dumilat siya. “You could have saved us both from more pain. You could have saved me from confusion, from guilt and from uncertainties. Sana ay noon pa natin naayos ito. Sana ay hindi ako nagi-guilty sa tuwing kasama ko si Adam at puro ikaw lang ang naiisip ko. Sana ay hindi ako nalilito dahil sa tuwing nakikita kita, bumibilis ang tibok ng puso ko hindi gaya ng nararamdaman ko kapag kasama ko si Adam.”
Napatayo si Dean. Bumakas ang pag-asa sa anyo nito. “I’m sorry. I just didn’t know how to tell you without breaking you by the truth. Isa pa ay iyon ang ipinayo ng doktor sa amin dahil maselan pa ang kalagayan mo. But you, telling me this, God… Selena, does this mean that-“
“Ang puso, may sariling talino. Hindi mo siya maloloko. Hindi mo siya magugulangan. Kaya nga puso. Kasi mabilis makaramdam. That’s why you should never underestimate the heart’s capacity to remember the things that the mind had forgotten, mahal.” Masuyong ngumiti si Selena. “The first time I saw you again back at the hospital; I knew… that something was wrong. Lalo na rito.” Itinuro niya ang kaliwang dibdib. “Dahil siya ang higit na nakaramdam na may mali. Na may foul play.” Kinindatan niya ang nabiglang asawa. “I’ve missed you so, mahal. And I love you so. May amnesia man o wala, ikaw lang. Ikaw lang parati.”
Inilang-hakbang lang ni Dean ang distansya sa pagitan nila. Mahigpit na niyakap siya nito. Mayamaya ay puno ng pananabik na siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Nag-iinit na naman ang mga matang tinugon ni Selena ang mga halik ng asawa. Nang buong puso. Nang buong kaluluwa. Ipinikit niya ang mga mata at ipinaikot ang mga braso sa batok nito. Hinayaan niyang gaya ng dati ay ibalik siya sa magandang panaginip ng halik na iyon.
Nang maghiwalay sila ay ikinulong ni Selena ang mukha ng asawa sa kanyang mga palad. “I’m so sorry for what you had to go through alone. Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo nang ilibing ang anak natin.” Naglandas ang mga luha ni Selena sa naisip. “Patawarin mo ako kung hindi kita kaagad naalala. Patawarin mo ako kung iba ang kasama ko sa mga oras na kailangan mo ako, sa mga oras na dapat nasa tabi mo ako. Patawarin mo ako kung kinailangan mong solohin ang pagpapalaki kay Elijah. Patawarin mo ako sa nangyari sa anak natin, Dean. Patawarin mo ako sa lahat ng mga naging pagkukulang ko-“
“Ssh. Babangon tayo, mahal.” Puno ng pag-asang bulong ni Dean. “Alam mo namang duo tayo. Things are always possible when we are together. Basta magkasama tayo, makakabangon tayo. Malalampasan din natin ito.” Magiliw na idinikit ng asawa ang noo sa kanya. “Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Elijah. Thank you for coming back to me.”
Muling ngumiti si Selena. “I will always come back to you, Dean.”
Nang huli silang magkita ni Dean at magpaalam ito sa kanya ay tinangay nito ang lahat ng liwanag sa paligid niya. Pero sa pagbabalik ng asawa, sa pagbabalik nila sa isa’t isa, natatanaw na ni Selena ang bahaghari. Sumisilip iyon sa kanila. Ngumingiti. Kumakaway. Nagpapahiwatig na natapos na ang unos.
At parating na ang mas maganda at mas payapang araw.
Epilogue
GUMUHIT ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Dean habang pinagmamasdan si Selena na naglalakad palapit sa altar… palapit sa kanya. Hindi siya pumayag na hindi maibigay sa asawa ang kasal na alam niyang pinapangarap nito. Bukod pa roon ay gusto niya ring iparating sa lahat na kanya na si Selena kung paanong pag-aari na siya nito. Kaya heto, eksaktong tatlong buwan matapos nitong muling bumalik sa piling niya ay ikakasal sila uli.
At sa pagkakataong iyon ay hindi lang piling mga tao ang makakasaksi ng pagmamahalan nila. Dahil mayroon na silang basbas mula sa kani-kanilang mga pamilya. Wala nang hahadlang. Hindi na nila kailangang magpakalayo-layo. Hindi na nila kailangang mag-alala para sa darating na bukas. Hindi na nila kailangang magtago. Dahil sa wakas, tanggap na sila ng lahat, maliban na nga lang kay Leonna na ilang araw bago ang kasal nila ni Selena ay nabalitaan niyang nangibang-bansa. Pero umaasa siya na isang araw ay mahahanap rin nito ang uri ng kapayapaan na natagpuan niya na.
Matagal na silang nakapagsimula ng panibagong buhay ni Selena. Pero naiiba ang araw na iyon. Naiibang simula iyon. Noon sa isla ay bumuo sila ng mga pangarap. At sa araw na iyon ay ang katuparan ng mga pangarap na iyon. Wala nang hari na mag-aalala na bumaba sa pedestal ang anak nito. Dahil sisiguruhin ni Dean na mananatili sa kanyang prinsesa ang korona nito. Gagawin niya ang lahat para siguruhin na mananatili si Selena, ang kanilang anak at mga magiging anak pa sa buhay na nararapat sa mga ito.
Binabawi niya na ang naisip noon. Hindi totoo ang sumpa sa San Diego Compound. Dahil mananatiling walang epekto ang anumang sumpa pagdating sa tunay na pag-ibig. Ilang araw matapos nilang magkabalikan ni Selena ay hiningi nila sa nabiglang landlady nila ang address ng sementeryo kung saan nakalibing si Pepe.
Comments
The readers' comments on the novel: Once Upon A Time