Tuwang-tuwa ang matalik na mag-kaibigan na sina Juan at Hernan. Hindi maikakaila ang saya sa kanilang mga mata. Ang pagkasabik ng kanilang puso. Ang kaba na tumitindig sa kanilang mga katawan. Ang pagkamangha sa dahilang makikita na nila ang kanilang mga apo.
Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay kanilang hinihiling nang sabay ang magkaroon ng apo. Ngunit lumipas ang araw na naging buwan hanggang sa maging taon ay hindi na ito natupad. Nanghihinayang man ay wala silang magagawa lalo na't kagustuhan ng kanilang mga anak na makasama muna ang isa't isa nang masaya bago sila magsimula ng kanilang pamilya nang mapayapa.
Isang gabi ay napag-desisyonan nila Juan at Hernan na magkaroon ng kaunting salo-salo upang magkaroon ng kaunting kamustahan ang dalawang pamilya. After all the company stuffs that making them busy. Hindi hadlang ang kanilang edad to manage their own companies.
Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng mga matatanda nang biglang sabay na napatayo ang dalawang kababaihan at tumakbo papunta sa banyo. Sinundan naman ito ng kani-kanilang asawa na hindi magkamayaw ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
Nagka-tinginan ang matatanda nang kanilang mapagtanto ang posibleng mangyari. Magkakaroon na ba kami ng mga apo?
Doon rin ay nalaman nilang buntis ang dalawa kung kaya't sabik na sabik ang pamilyang Fuentes at Aragon sa kanilang magiging bagong miyembro ng pamilya.
At ito na nga ang araw na kanilang hinihintay.
Nasa emergency room ang kanilang mga manugang at kasalukuyang ipinapanganak ang kanilang matagal na hinihintay. Hindi na maitago ang kasabikan ng dalawa. Sa pamamagitan ng paglalakad at pa-tingin-tingin sa kisame ay nahahalata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Napagpasiyahan na lamang ng dalawang matanda na mag-usap upang mailabas ang kanilang pagkasabik na makita ang kanilang mga apo.
"Hernan, nasasabik na ako mayakap at mahalikan ang aking apo," nakangiting saad ni Juan habang nakatingin sa pinto ng emergency room.
"Kahit ako nga rin Juan, sana ay maisilang sila ng maayos." Hindi maitago ang kaba ni Hernan lalo na't ito ang kanilang unang beses na masisilayan ang kanilang mga apo.
"Siyempre naman. Mga magagaling na doktor ang magpapaanak sa ating mga apo." Ngumiti na lamang rin si Hernan sa narinig. Nagpatuloy lang ang kwentuhan ng dalawang matanda. Mula sa pagkasabik na makita ang kanilang unang apo hanggang sa kanilang naramdaman noong pinapanganak ang kanilang mga asawa. Hindi maiitatago na matalik na matalik ngang magkaibigan ang dalawa lalo na't halos hindi na nila namamalayan ang oras sa dami ng kanilang pinag-kwentuhan.
"Papa!" Masayang lumapit si Eduard sa kaniyang ama at niyakap ito. Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata dahil sa kasiyahang nararamdaman. "Tatay na ako."
Ganoon din si Marcel, ang anak ni Hernan. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang sobrang saya. Hindi magkamayaw sa pag-iyak at pagyakap ang dalawa sa kanilang ama dahil sa wakas ay dumating na ang kanilang mga mumunting anghel sa buhay.
***
Tuwang tuwa si Miranda habang pinagmamasdan niya ang mala-anghel na mukha ng kaniyang supling na kalong-kalong niya sa kaniyang mga braso. Ang maliliit na mata na parang mga jolen. Ang mga mahahabang pilik-mata na nagpa-ganda rito. Ang ilong na parang hinugisan ng isang iskulptor. Ang maliit na mga labi na parang binigay ng isang diwata. Ang mga kilay na parang idinikit lang. Hindi niya aakalain ganito lang mapapawi ang lahat ng pagod at sakit na kaniyang tiniis para sa munting anghel na ito.
It was an achievement for her to bear this little angel for nine months and gave birth to the baby in a very healthy way. She was very proud of the fact that she is now finally a mother.
Tuwang-tuwa rin ang mag-amang si Juan at Eduard. Hindi dahil sa natapos ang kanilang paghihirap habang pinagbubuntis ni Miranda ang kanilang munting bituin ngunit ay dahil sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng anghel na magbibigay saya sa kanilang tahanan.
"Napakaganda talaga ng aking apo," Tuwang tuwa na sabi ni Juan.
"Kanino pa ba magmamana? E 'di sa maganda niyang ina." Biglang tumingin si Eduard sa kaniyang mahal na asawa na si Miranda. Malambing naman na pinalo ni Miranda ang braso ni Eduard para itago ang kaniyang namumulang mukha.
"Kahit kailan talaga, bolero ka talaga," Nanggigigil na saad ni Miranda habang matalim na nakatingin kay Eduard.
"Bola ba 'yon? Totoo naman ah. Totoo naman na biniyayaan ako ng isang magandang asawa at mala-anghel na anak." Niyakap niya ang kaniyang mag-ina. Bilang isang ama ay hindi rin niya maitatago ang galak dahil nakabuo na rin siya ng pamilya na maaari niyang maipagmalaki sa lahat. At sa pamamagitan ng yakap na iyon ay kaniyang maipapangako na hinding-hindi niya pababayaan ang kaniyang mag-ina.
"Nakaka-inggit naman kayo." Tumawa nang mapakla si Juan. "Naalala ko tuloy yung mama niyo." Mangiyak- ngiyak na sabi ni Juan habang inaalala ang kaniyang asawa na si Conchita noong isinilang ang kanilang anak na si Eduard. Agad niyang pinunasan ang luha dahil sa naging emosyonal siya at muling binalik ang ngiti sa kaniyang labi.
"O siya! Baka saan pa mapunta ang usapan natin. Ano ang ipapangalan natin sa apo ko?" Nakangiting tanong ni Juan sa mag-asawang nakatingin ngayon sa kanilang munting anghel.
"Anikka Celyne." Magkasabay na bigkas ng mag-asawa. Guni-guni man ngunit nakita nila na habang binabanggit nila ang pangalan ng kanilang anghel ay unti-unti itong ngumiti sa kanila.
***
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours