Anikka
Hanggang pagdating sa Law school kasama ko pa rin siya at sobrang himala dahil napakagentleman niya,siya pa ang may bitbit ng bag ko, pati book. Just like those ideal boyfriends you can read in a book.
Sana nga, ideal talaga siya.
Hindi ko alam kung saan ako titingin, kay Lukas, o sa mga matang nagmamasid sa aming dalawa, hindi ko maiwasan na mahiya atpinagtitinginan kami ng mga tao. Gusto ko na nga na magtago sa likuran niya.
"Hay nako kasama na naman ni Froggy si Fafa Lukas."
"Oo nga! Siguro ginayuma ni Froggy si Fafa Lukas natin."
Napangiwi ako, galing iyon sa sa yung mga grupo nila sa madalas na nakamasid sa amin, ang tatalim ng mga tingin nila sa akin.Parang handa na nila ako hatakin palayo kay Lukas.
Kakainis!Akala niyo ba gusto ko lagi kasamang naglalakad itong lalaking ito! No way! Kahit inyo na itong lalaking ito. Tapos super nakakainis pa itong mga baklitang ito, dahil sa mga pinagsasasabi ng mga baklitang ito. Kung makapagsalita sila ng froggy akala mo sinong magaganda, hindi naman. Kasing kakapal ng mga make-up nila ang kanilang mga pagmumukha. Mas masahol pa sila sa palaka. Tsk!
Patuloy pa rin kami sa paglalakad, hanggang sa malapit lapit na kami sa room naming.
"Good luck honey, pagbutihan mo ha." Nanlaki ang mata ko hinalikan niya ako sa cheeks! Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi makapaniwalang dumampi ang labi ko doon.
He just stole a kiss from me! I was about to slap him nang masalo niya ang kamay ko.
“You don’t want to give me some kiss Anikka, so ako na lang ang magbibigay sayo.” He winked. Pwede ba tumigil siya sa mga galawan niyang iyan. Hindi niya ba talaga alam o nararamdaman na lagi na akong pinag-iinitan ng mga nagkakandarapa sa kanya rito.
“Kiskis sa simento gusto mo.” Sambit ko at mabilis na hinablot ang gamit ko mula sa kanyang pagkakahawak.
“Huwag na huwag mo na akong sunduin dito. I’ll just call manong.” He just gave me a smile, just a simple one. Malayo sa nakakairita niyang ngisi.
“I’ll be waiting here honey.” Umirap na lang ako sa kanya. Dami niyang alam.
“Goodluck honey!” Sigaw pa niya with matching flying kiss. Napayuko ako, ako talaga ang nahihiya. Please lang. Kung pwede nga lang magpalamon na lang sa lupa.
Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis siya.
"Yieeee nikikilig kami para sayo girl!" Sabi ni Nicole.
"Oo nga! Yiiiee. Anong ginawa mo girl!.
Hay nako idagdag mo pa itong mga ito, walang ginawa kundi asarin ako kay Lukas. Rinding-rindi na ang tainga ko sa pangalan ng hinayupak na iyon.
Isang linggo...
Yes, one week na ko nagdudusa sa ganito. Nakakainis kasi si Lukas, ayaw kasi niyang ibigay yung kotse ko. Diba flat lang ang gulong nun, paano naman aabutin ng one week yun. Kahit gustuhin ko man kunin, hindi ko naman alam kung saan na napadpad kotse ko. Tapos sa tuwing tatawagan ko naman si Manong maning para sunduin ako, siya ang pupunta. Hay nako, nakakainis talaga.
“Hi Baby!” Masigla niyang bati.
“Di mo ako anak, shoo!” Pagtaboy ko sa kanya. Hindi ako pumayag na basta niya kunin ang mga gamit ko. Kainis talagang kinakareer niya to?
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours