Login via

Respectfully Yours novel Chapter 10

Anikka

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa pag-tunog ng aking Alarm clock. Walang kwenta! Nauna pa ko sa kanya na nagising kaysa dito.

Walang kwentang alarm clock! Ang sarap itapon. Napahilot ako sa sentido ko ang sakit sakit ng ulo ko, dahil sa puyat, I didn't sleep well. I can't sleep because I'm thinking of Lukas all night! Para na akong bababaliw.

Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay ang nakangiting si Lukas ang nakikita ko. Gusto ko tigilan ang kakaisip ko sa kanya ngunit hindi ko mapigilan, dahil kusang nagpa-popup ang mukha niya sa isip ko. Having me think kung anong nangyari.. His good side.. kung paano siya kumain ng isaw at adidas... his expression. Everything about him.

Hindi kapanipaniwala na magagawa niya pero, nagawa niya.

I am too overwhelmed by his actions, para akong nananaginip. Hay nako, ano ba tong nangyayari sa akin. Bakit ko ba nararanasan ito sa kanya

I really really really don't know. It’s too early for me to like him. Besides hindi naman ako sigurado kung totoo ang nakikita ko sa kanya.

Agad akong bumangon para makapagsimula na akong mag-ayos.

Wearing again my long long skirt and long sleeved blouse at siyempre my thick glasses. Dali dali akong lumabas ng kwarto, baka kasi maabutan ako ni mama,sitahin pa ako nun.

Pero saktong pagbukas ko ng pinto, nandoon na si Mama sa tapat ko, na nakatingin pa sa akin ng masama si Mama. Napabuntong hininga ako. Ok fine, hindi na talaga mawawala to.

"Pumasok ka na anak, baka malate ka."

I blinked, Para ko nang gustong sampalin ang sarili. Pakiramdam ko nanaginip pa rin ako. For the first time and forever,

Everything is so unusual, Nasaan yung..

"What are you wearing?"

"Magpalit ka ng damit."

Bakit ganito ang sinsabi niya.

"Pumasok ka na anak, baka malate ka."

Pakiramdam ko nanaginip pa rin ako, saka baka hindi si mama ito?

"Anikka, bumaba ka na at hinihintay ka na ni Lukas sa baba"

Nakahinga ako nang maluwag. Ok, hindi niya ako sinisita. I should be happy for this day. Mabuti at nanawa na rin si Mama sa kakasita. Pero teka, did I heard Lukas’ name. Anong ginagawa niya dito? Kasama si Mama, nakita ko si Lukas sa dining area namin, kausap si Lolo. I tried to compose myself, kalma Anikka, si Lukas lang yan.

"Good morning Lolo." Tapos hinalikan ko yung cheek ni Lolo.

"Hey honey, Good morning. Where's my kiss?"

Agad akong humarap kay Lukas. May pakisskiss pa siyang nalaman. Gusto ba niya nang kiss? Mas gusto ko pang ikiskis ang mukha niya sa pader!

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours