Login via

Respectfully Yours novel Chapter 19

Anikka

Kasalukuyan kong tinatanggal yung mga bandage sa paa ko. Buti naman at kahit papaano magaling na ng mga sugat na ito. Kagagawan ito ng hinayupak na yun.

Flashback

"Ayoko!" Tapos tinalikuran niya ako.

"Ayaw mo ah!" Tapos umalis siya. Di magwalkout siya wala akong paki! as in wala!

(engine starts)

humarap ako. Pusha iiwan ko?! Hay nako hindi niloloko lang ako nito. Tapos tinalikuran ko siya.

"Hoy wait lang huwag mo kong iwan." Sigaw ko sabay habol sa kotse niya. Pusha! Akala ko nagbibiro siya. Hinayupak talaga siya! Hinayupak! Iwan ako dito? I don't have anything just my self and my clothes. Pusha! Paano ako nito!

Di rin naman niya ako matitiis! Maghihintay na lang ako dito. Alam kong di niya ako pwedeng iwan. Lagot siya kay Lolo.

after 1 hour.....

mukhang tanga pa rin akong nakaupo dito at nakatingin sa daan palabas ng lugar na ito at nagbabakasakaling may ferrari na bumalik dito.Halos mamuti na ang mga mata ko sa kakahintay, pero wala pa rin ni anino niya.

end of flashback

Hinding hindi ko makakalimutan yung pag-iwan niya sa akin dahil doom milya na yata yung nilakad ko palabas nun, para makahanap ng sakayan kaya sugat sugat ang paa ko nun. Nakakainis siya. He gave me a reason para di siya pakasalan.

Hinding hindi ko siya pakakasalan!

Pero mawawala pala yung ari-arian .namin. Mama will be frustrated im case.

Hmmm. sabi sa contract if they both dont agree, so dapat..

"Senyorita, kakain na po kayo." Hay naku si Manang Biday, iniistorbo ang pagmomoment ko dito. Pero kahit gusto ko pang mag isip ng plano tungkol sa pagpigil sa kasal namin ng hinayupak na iyon. Mas mabuti sumabay na lang ako sa kanila. Ayaw kasi ni Lolo na hindi sabay sabay,magtatampo yun sa kin. Pero maganda na rin na kumain ako para may energy akong mag-isip!

Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba papunta sa dining area.

"Labis na kong nasasabik.Malapit ng ikasal ang apo ko!"

Pusha naman oh! Pinag uusapan nila ang kasal naman. Tsk! nakakawalang ganang kumain.

Hay nako Anikka, kailangan mong kumain para magkaroon ka ng lakas para mag isip kung paano pigilan ang kasal niyo ng hinayupak na yun.

Mag isip ka Anikka! Isip!

Isip......

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours