Login via

Respectfully Yours novel Chapter 20

Anikka

"Lukas can we go somewhere? Just you and me" Tapos tumitig siya sa akin ng parang mangagain ng tao. Sa mga titig na iyon nakaramdam ako ng kilabot, parang mas nangingibabaw sa akin ngayon na bawiin ko ang sinabi ko, kung hindi ay may mangyayaring di maganda sa akin.

"Oops! Just joking!"

Ewan ko na kung bakit ko nasabi sa kanya yun. Masyado akong nabadtrip kay mama, paano kasi wala siyang ginawa kundi talakan ako dahil sa pagsukat ko ng wedding gown at gusto ko lang naman na magpalubag loob. Wala lang kasi akong choice kaya sa kanya ako nagpasama, dahil wala si Lolo or si Papa. Besides maayos naman siyang kasama, kaso nang-iiwan nga lang.

Nagulat na lang ako ng may humapit sa akin, it was the one and only ang hinayupak na Lukas na iyon.

Tinitigan niya ako sa mata, yung malalalim niyang titig, na kayang makalusaw. Hindi ko siya matignan ng maayos pero parang nahihipnotismo ako sa kanyang brown na mata na titigan iyon pa iyon lalo. Ngayon ko napagtanto na mas gumaganda ang kanyang mga mata kapag tinititigan ito lalo.

Lumalapit ang mukha niya sa akin, hanggang sa maramdam ko ang hininga niya. Is he going to kiss me? Oh my! No! Kailangan ko siyang pigilan, but I can't even push him, nanlalambot ang mga braso ko sa kanya. I wan't to run but my foot can't even move. Why? Bakit napakatindi ng epekto niya sa akin?

"Are you sure?" He said huskily on my neck, nakikiliti ako sa pagsabi niyang iyon.

Tapos mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin,halos one inch na lang ang pagitan namin. Hahalikan niya talaga ako. Wala na lang ako magawa kundi mapapikit na lang.

"Don't assume Ms. Fuentes di kita hahalikan." Agad akong napamulat ng mata? What? Ano ngarod ang ginagawa niya sa akin. Why is he making me like that, making me to want his kisses. Hinayupak talaga. Lalo pa ngayon patawa tawa pa ang loko, sarap sapakin!

Hay nako hayaan ko na nga lang siyang tumawa tawa diyan. Magmukha siyang baliw diyan tss.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours