Anikka
Oh my! Nasaan ako?
Tinignan ko muna ang sarili ko buti walang masakit sa akin at suot ko pa rin yung suot ko kahapon. Whew! I'm safe, for now.
Narinig ko ulit yung mga alon. Doon ko napagtanto na halos katapat lang ng higaan ko ang view ng dagat, napakaganda.
I went to the terrace.. woah! Ang ganda ng view.The sea is perfect, white sand, blue and clear and its big, beautiful wave Napapikit ako para mas damhin ang masiwang simoy ng hangin, walang ganito sa metro, panay usok ang malalanghap mo. Tapos nalilibang din ako sa tunog ng alon ng dagat, ang sarap pakinggan. Feel ma feel ko ang lahat.
"Oh! Gising ka na pala."
Agad akong napadilat ng mata, di ako nagkakamali isa lang may nagmamay-ari ng boses na iyon.
Si Lukas nga.
And he's carrying a tray, definitely pagkain ang laman nun, tapos nilapitan niya ako. He put the food in the table sa veranda na kinatatayuan ko ngayon.
"Nasaan tayo?"
"Nasa Dinadiawan tayo. Nasa tagaytay ako kahapon tapos now I'm here and I don't even know kung paano ako napadpad dito. Siguro siya ang nagpakidnap sa akin.
"Hinayupak kang Lukas ka! Bakit mo ko pinakidnap huh? Bakit mo ko dinala dito?!" Pinaghahahampas ko siya nun, nakakainis siya. Di niya ba alam ang nararamdaman ko. Halos mamatay na ako sa nerbyos sa pag-aakalang katapusan ko na. Sa inis ko ay tinalikuran ko na siya. Baka kasi may masabi pa akong hindi maganda sa kanya.
"Pero nagustuhan mo naman ang lugar diba?" Napatigil ako. Yeah tama siya. I really really like this place. Halos nakalimutan ko na nga kanina na nakidnap ako. Pero hindi pa rin mawawala ang inis ko sa kanya.Sana inaya na lang ako ng maayos.
Para naman kasi sasama ako sa kanya.
"Yeah, pero why did you bring me here." Pagkasabi kong iyon humarap na ako sa kanya, tapos siya lumapit sa akin. Halos isang hakbang na lang ang pagitan namin.
"Because you told me that you wan't to go somewhere." Tapos hinaplos niya yung pisngi ko at hindi pa rin nawawala yung nakakalusaw niyang mga titig.
"Pero nagjojoke lang ako nun." Tapos hinawi ko yung kamay niya sa pisngi ko. Buti nakapagsalita ako ng maayos, kasi nakakaramdam na ako ng pagkailang sa kanya.
" But jokes are half meant honey." He said huskily, tapos binalik niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa baba ko, this time inangat niya yung mukha ko na tila hahalikan niya sabay lapit na rin ng mukha niya sa akin.
Tapos para niya pa akong hahalikan. Shemay! Bakit may nalalaman pa siyang pahaplos haplos? Nakakailang siya, sobra! tuloy hindi ako makahinga ng maayos.Parang naninikip yung dibdib ko sa kanya.
Hay nako! Paano ko palalayuin ang nilalang na ito. Ang lapit na niya sa akin.
"Ooops kumain na lang tayo." sabay tulak sa kanya ng mahina. Buti at nagpatinag na siya at umupo sa dining table.
Hmm.. nutella my favorite! Agad akong natakam. ginamit ko yung daliri ko para kumuha ng nutella.It's sounds messy, but gawain ko na yun eh, saka malinis naman yung daliri so walang contamination ng bacteria.
Haha! Whatever! basta sisimulan ko na itong papakin ang tagal ko nang di nakakakain nito, naging busy ako masyado kaya walang time bumili.
Kuha ako ng kuha ng nutella. Kahit walang tinapay, naeenjoy akong papakin ito. Dito pa lang eh mabubusog na ko kahit walang tinapay.
Enjoy na enjoy talaga ako sa pagpapak. Minsan diretsong sinusubo ko sa bibig ko, minsan dahan dahan ko pang dinidilaan ko yung daliri ko kapag may natitira pang chocolate. Sinisipsip ko pa minsan. Tapos minsan napapapikit pa ako dahil finifeel ko yung sarap ng nutella.
Tapos napatingin ako sa nutella. Ohmigosh! Nakalahati ko na pala! Gaano na ako katagal na nagmomoment kasama ang nutella na ito?
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours