Login via

Respectfully Yours novel Chapter 28

Anikka

"Anikka, calm down, I'm just getting you some medicine."

BOOOOOOOOGGGGSSSSHHH!

"Lukas please don't leave me." Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya para hindi siya makaalis. Ayoko siyang mawala sa tabi ko ngayon, because I am freaking scared of thunders. Kapag nawala siya ay baka mamatay ako sa takot.

"I don't baby, shhhh I'm here."He hugged me back, like he's assuring me that I am safe.

Sa tuwing aalis siya pinipigilan ko siya, kahit sabihin niya na kukuha lang siya ng gamot. Ayokong mawala siya sa tabi ko, dahil ramdam ko pa rin yung takot na bumabalot sa katawan ko, dahil hanggang ngayon ay kumukulog pa rin. Baka kapag umalis siya ay mamatay na ako sa takot.

Hanggang sa mapagod na ako kakaiyak ay hiniga na niya ako sa kama. Like what I said hindi pa rin niya ako iniiwan. Nakasandal ako sa kanya habang niyayakap ako.

Those arms of his are willing to protect me, iyon na nararamdaman ko, kaya unti-unti rin na nawawala ang takot ko.

Tuloy, missed my mom doing this to me, sa tuwing may kikidlat at kukukog nandoon siya sa tabi ako at yayakapin. Ngayon kasi hindi na niya ginagawa iyon sa akin, dahil ginawa na nilang soundproof yung kwarto ko, para hindi ko na marinig ang kulog ng kidlat. Ever since I was a child may malaking phobia na ako doon.

Nag-angat ako ng tingin, nagtama ang mga mata namin, dahil nakatingin siya sa akin. Parang iba yung mata niya ngayon, puno ng sinseridad, hindi yung dati na parang hinuhubaran ka.Tapos hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya, kahit nakayakap pa rin siya sa akin. Ningitian ko na lang siya habang nakatingin sa kanya. I wish sana laging ganito ang mga titig niya at sana lagi rin akong komportable kapag kasama siya.

Nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. Oo magkatabi pa rin kami sa pagtulog, hindi talaga niya ako iniwan.

Hinipo ko yung sarili ko, wala na akong lagnat. Kahit hindi ako naka-inom ng gamot kagabi, siguro ay malaking tulong yung init ng yakap ni Lukas.

Napangiti na lang ako.

Kung tutuusin ay iba ang version niya kagabi, ang amo amo niya. Pero iba ngayon eh. Iba talaga, hindi ko maiexplain, but I know it is special. Is it his hug? Siguro dahil namiss ko si mama sa kanya.

Tuloy biglang pumasok sa isip ko? Siguro ay dapat ay makipag-ayos na talaga ako sa kanya, though wala naman kaming masyado pinag-awayan. Nakakasawa naman kasi na lagi akong nagagalit sa kanya. Ang pangit ko na nga, papapangitin ko pa lalo ang sarili ko kung lagi akong galit. Saka siguro baka mas bumait siya sa akin kapag bumait na rin ako sa kanya.

Bumangon na rin ako sa higaan, para puntahan siya. Nagmumog, naghilamos at nagsuklay ng buhok, para naman magmukha akong tao.

Pagkalabas ay agad akong dumiretso sa kusina, alam ko na nandoom siya.

Hindi nga ako nagkamali, nandoon nga siya, naghahain ng pagkain sa tray. Siguro ay dadalhin niya sa akin

"Ehem!" Sinadya ko iyon para makuha ko ang atensyon niya, hindi naman ako nabigo doon, dahil lumingon siya sa akin at nginitian ako, kaya ginawaran ko rin siya ng isang matamis na ngiti.

"Baby ko bakit ka lumabas? Ok ka na ba?

I nod.

Hinipo pa niya yung leeg ko, pati na rin ang noo ko, tila hindi pa siya convinced sa sinabi ko.

"Better!" Sabay ngiti niya sa akin.

Napatitig ako ako sa kanya. Shemay! mas lalo siya gumagwapo. Oo na po gwapo na siya, Inaamin ko na! Exposing his white teeth na tila kumikintab pa iyon sa puti.

Sana lagi na lang siya nakangiti, ayoko ng makita ang ngising niyang nakakakilabot.

" Baby let's eat." Natauhan ako, tsk! Kung hindi sa dashboard chest at chiseled abs niya, yung ngiti naman ang bibihag sa akin. My gosh!

Nginitian ko na lang siya uli, para hindi niya mahalata yung namumuong kahihiyan na bumabalot sa sistema ko.

Lumapit siya sa akin at inalalayan ako papunta sa lamesa. Wala naman na akong sakit, pero kung makaalalay sa akin ay parang nilalagnat pa ako.

He is fond of calling me baby. Mas gugustuhin ko naman na iyon kaysa sa honey, nakaawkward kasi, parang nakakaloko pag siya ng sabi. To way that he delivers the baby ang sweet ramdam mo yung care niya— ang too much care niya.

Ang dami ko ng daldal! Kakain na po kami!

Nakahain na ang tig-isang slice na strawberry cheesecake at blueberry cheesecake. Bongga! Saan niya nakuha ang mga ito?

Tapos hanggang pag-upo ay inalalayan pa ako ni Lukas. Siya na rin mismo ang naglagay ng table napkin sa akin.

"Subuan na na kita." Nakangiti niyang sabi.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours