Login via

Respectfully Yours novel Chapter 31

Anikka

"I think Anikka, Lukas likes you."

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at ng mahimasmasan ay umiling ako sa kanya. Those words are too imposible. Sa isang tulad na walang sineseryosong babae, imposible naman iyon. Kahit sabihin na he's caring or possesive. Eh kung isa iyon sa mga patibong niya, para mahulog ako sa kanya. Sigurado ako magaling magpahulog ng damdamin ang katulad niya.

" You know what, Ken told me na nagiiba na si Lukas since nakilala ka niya."

Marami pa siyang sinasabi, pero hindi iyon nagsi-sink in sa utak ko.

Ayoko naman kasi mag-assume, mahirap na baka hindi naman magkatotoo. Paano kung ginagawa lang niya ito, ayokong mapabilang sa listahan ng mga babaeng dinudurog niya. Yeah listahan na iyon , sa dami ng naging babae niya?

Sabihin na natin na ikakasal din kami, pero sa tulad niya mukhang wala sa vocabulary niya ang salitang commitment. It is very obvious na mahirap—hindi wala talagang commitment iyong lalaking iyon. Siguro kung walang iyang contract na iyan ay hindi papayag iyang si Lukas.

Paano kung mambabae siya? Edi nasaktan lang ako.

"I know that you like him too."

Aniya, mas lalo nanlaki ang mga mata ko. Me liking him? I hate him most of the time, dati iyon. Pero ngayon kasi wala akong nakikitang dapat ikahate sa kanya. I doesnt mean that I like him. Maybe, but not that much, ayokong lubusin. tulad noon nagustuhan ko siya pero naturn-off din ako.

But still there is something strange that really make me confuse at hindi ko alam kung ano iyon.

Mukha nga siyang walang kamuwang-muwang sa mundo pero kung makaasta siya ay mapakarami na niyang alam. Wala akong tama na maisasagot, kung oo ba o hindi. Nalilito ako, hindi ko rin alam sa sarili ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang may narinig ako na boses.

"Angel! Anikka!" Napalingon kami kina Lukas at Ken na nag-aabang sa pinto. Pareho na sila naka-sleeveless na shirt at board shorts. Ngiting ngiti sila ngayon at magkaakbay lang. Tss. Kanina halos magsuntukan na ang mga ito ah! Pero sa bagay kapag away lalaki, hindi pinatatagal saka di naman masyadong big deal yung nangyari kanina para pag-awayan talaga.

Nakangiti rin kaming nagpunta sa kanila. Binigyan ko ni Angel ng hindipatayotapos look, nag-iwas na lang ako ng tingin para di mailang.

Pagkatapos ay sabay sabay na rin kaming lumabas.

May bangka na palang nakaabang sa amin, inarkila nila ito siguro. Sumakay na kami at kinabit agad ang lifevest na nadoon.

Nasa kalagitnaan na kami ng makita ko na nanginginig si Angel. Siguro ay natatakot siya sa dagat. Naikwento niya kasi sa akin na minsan ay lumubog yung barko na sinasakyan nila. It's been a trauma to her, pero nawala rin ang panginginig niya ng niyakap siya ni Ken patalikod at hinawakan ang kamay niya.

Hindi ko maiwasan na pagmasdan sila ng mabuti. Bakit hindi nila totohanin ang relasyon nila, bakit may pafling-fling pa sila na nalalaman. Samantala kami ni Lukas ito magkatalikod lamang.

Tsk! Huwag mong sabihin na gusto mo rin na mapakayakap kay Lukas. Aba! Gusto mo ba na magwala ang sistema mo at maghurementado pa yang puso mo. Baka hindi mo kayanin at tumalon ka na lang sa dagat niyan, kainin ka pa ng pating!

Kung ano ano na naman ang naiisip ko. Itinuon ko na lang yung pansin ko sa dagat, natuwa ako dahil napakalinaw talaga ng tubig, kitang kita ko yung mga isdang naglalanguyan doon. Gusto ko nga na makakita ng dolphin o kaya pating kung sakali haha!

Maya maya ay huminto kami sa isang isla. Maraming mga corals doon. Pagbaba ay mas lalo pa akong namangha dahil maraming magagandang shells ang sarap mamulot. Baka ito na lang ang maisalubong ko kila Nicole.Wala naman kasi masyadong mabibilhan dito at wala rin naman akong pambili.

Naglipana din doon ang mga sea urchin, kaya doble ingat rin kami sa paglalakad. Panay selfie sila Ken at Angel. Madalas ay magkayakap sila, basta! Ang sweet sweet nila sa kada pose nila. Si Lukas inaaya akong magselfie, kaso nahihiya ako. Minsan ay nahuhuli ko siyang kinukuhanan ako ng litrato.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours