Login via

Respectfully Yours novel Chapter 32

Anikka

Nagising na lang ako sa tapik ni Lukas. Medyo madilim dilim pa eh, ginigising na ako. Medyo sumakit ang ulo ko, matagal pa bago ako nakatulog at hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog. Paano kasi hindi pa rin mawala sa isip ko iyong narinig ko tapos ang bigat bigat pa nitong nakadagan sa akin! Hindi ko nga maialis kaya magkatabi rin kami sa huli. Gusto ko siyang sapakin dahil isa siya sa dahil kung bakit hindi ako makatulog. Kaso nahila na rin niya ako.

"Come on Anikka." Halos hingalin na ako, paano kasi tumatakbo pa siya, kailangan ko pang magtodo effort para masabayan ko siya. May something special ba at kailangang magmadali?

Mas lalo pa niyang binilisan nang matanaw na namin yung dagat. Putya Lukas! Bagalan mo naman, mapapagod na iyong taong hila hila mo.

Tumigil na kami nang malapit na kami sa pampang. Nabasa yung mga paa namin dahil sa mga along umaabot hanggang sa amin. May nakikita pa akong mga hermit crab na naglalalad doon.

"Kaya kita ginising dahil dito." Nag-angat ko ng tingin. The view is very breathtaking, ngayon ko lang kasi napagtanto dahil mas naka-focus ako sa pagtakbo kanina.

Manghang-mangha talaga ako, seeing the rise of the sun here is simply amazing. Napapanganga na nga ako. Lalo pa ng makita ako nagtatalunan na mga dolphin.

"You're liking it huh?" Aniya.

"Yes!" Halos pasigaw ko ng sabi dahil sa sobrang tuwa. Lalo pa at nakikita ko pang nagtatalunan pa yung mga ilang dolphin, though nakakita na ako sa Subic. Iba kasi dito mas malaya sila.

Nakalimutan ko na nga yung inis kay Lukas, na ginising ako, na pinagod ako sa pagtakbo. Imbis na magalit gusto ko siyang pasalamatan. Dahil yung hindi niya akong ginising wala akong makikitang ganitong kaganda na view. Napasaya niya ako at nabuo pa niya ang araw ko.

Kung hindi niya ako kinidnap, hindi ko matutunton ang ganitong kagandang lugar.

Humarap siya sa akin.

"Napangiti na naman kita Anikka." Pagkasabi na pagkasabi pa lang ni Lukas ay agad nang nagwala ang puso ko. Gulay hinay hinay naman puso, baka sa sobrang pagkabog mo lumabas ka na.

Oh Gosh! Lukas anong gagawin mo sa akin? Hawak niya na ang baba ko. Please Lukas also stop looking me in the eye. Mas lalong nagwawala ang sistema ko. Baka di ko kayanin at hinamatayin ako sayo.

"I'd like to start a day with you Anikka, gusto ko magkasama tayong nakatanaw sa pagsikat ng araw."

Aniya habang lumalapit na ang mukha niya sa akin. Oh Lukas please! Matutunaw na ako.

"HEY WAKE UP!"

Gustuhin ko man lumayo sa kanya, kaso parang may current na mas nagdidikit sa amin. Parang nakapaste na ako ngayon.

"ANIKKA BABY, WAKE UP! RISE ON YOUR BED.

Hanggang sa naramdaman ko na yung mainit niyang hininga. Naamoy ko lang ang bango nun nagwawala lalo ang sisitema ko, nababaliw na! Nababaliw na!

"AYAW MO MAGISING AH!"

Naglapat na ang aming mga labi. Kusang napapikit ang aking mata at dinadamdam ang bilyong bilyong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko mula sa kanya. Shemay! Nagwala ng nagwala ang dapat magwala sa akin. Kumalabog na ng kumalabog ang puso ko, hindi na sapat ang tibok lang, dahil pagdating sa kanya ay abnormal na ito.

Hindi ko maiwasan na hindi tumugon sa mainit na halik na binibigay niya sa akin. Nakakatukso ang bawat pagkagat ng labi niya sa akin. Oh Damn you Lukas bakit walang kahirap-hirap sa iyo na gawin ito sa akin.

It was sweet and passionate, dahan dahan lamang ang paghalik sa akin, tila dinadamdam ang pagkakalapat ng aming mga labi.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours