Anikka.
Dahan dahan kong sinusulyapan ang bawat sulok ng bahay na ito habang muli kong nililibot ito. Hindi ako makapaniwala na lilinasin na namin ang lugar na ito. Nakalimutan ko na nga ang lahat sa metro at hindi ko inisip na lilinasin ito. Masyado akong nabihag na lugar na ito, tuloy pakiramdam ko hindi na kami aalis sa lugar na ito.
Kahit na may mga oras na nag-aaway kami ni Lukas sa lugar na ito. Masasabi ko pa rin na naging masaya ako sa lugar na ito. Maraming times na naging mabait si Lukas at hindi pinairal ang kamanyakan niya. Tuloy naalala ko yung mga oras na nagpupuntahan kami sa ihawan ni Manong. Yung ngiti niya, yung lihim niyang katakawan at kung ano ano pa haha!
I sigh. Basta ang bigat bigat sa loob ko na umalis dito. For the short period of time nainlove ako sa place na ito at ayaw ko nang layasan ang lugar na ito. Kung pwede lang mag-stay forever dito. Kaso may buhay pa ako sa metro at higit sa lahat walang forever.
Pero paano kapag nakabalik na kami sa metro. Balik din kaya kami sa dati? Yung halos nag-aaway kami? Kasi gusto ko na kung ano man yung meron sa amin ngayon, yung closeness namin at yung mas nagiging kumportable ako sa kanya. Magbabago na naman ba lahat doon?
Sana hindi, dahil yung alam ko rin naman na mabait siya, manyak lang talaga.
"Anikka tara na." Aya sa akin ni Lukas, ako na lang kasi ang tao dito sa loob ng bahay sinusulit ko pa ang pananatili ko dito.
Ayoko pa talagang umalis...
"Lukas can we stay until sunset." Naglakas loob akong tumutig sa kanya. I will use all of my convincing powers kung sakali man hindi siya pumayag.
Tumitig lang din siya sa akin at matagal na hindi nagsalita. I was silently praying that Lukas will agree. Tutupad naman ako eh, kapag sunset na aalis na kami.
"Yes." Nanlaki ang mata ko ng sinsabi niya iyon. He says yes! He agreed. Tuwang-tuwa akong nagtatatalon doon hanggang sa napayakap ako sa kanya. Tumataba ang puso ko sa ginawa niya. He made me really happy. Dahil isang malaking bagay ang ginawa na niya sa akin.
"Salamat talaga Lukas." Tuwang tuwa kong sabi at paulit paulit iyon lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang thankful ako sa kanya.
"Anything for my baby." Bulong niya aa tenga ko at tila nanginig ang buo kong katawan dahil sa kiliting naramdaman mula sa kanyang hininga.
Pero hindi ko iyon masyadong ininda. Mas nangibabaw pa rin sa akin ang galak na nagtatagal ako sa lugar na ito kahit kalahating araw lamang.
Agad kong hinal yung kamay niya palabas. Total ay hanggang sunset na lang kami dito ay sulitin ko na. Nagtataka sila Ken at Angel na nagpunta kami sa dagat.
"What are you doing we are supposed to leave!" Sigaw ni Ken.
"Not yet. My Anikka still want to enyoy this place ay alam kong kayo rin." Doon ay sumilay ang ngiti ng dalawa at nagsimulang magharutan. Honestly? Lagi nilang gawain iyon.
Ako? Ito parang nagiging abnormal na naman. He called me My Anikka, parang pagmamayari lang niya.
Tuloy nangingiti-ngiti ako dahil nagwawala ang mga hormones ko. Dahil nagpipigil ako na baka nangiwingiwi ako sa harapan niya.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na may bumuhos sa akin na tubig.
"Hinayupak ka Lukas!" Bulyaw ko, bakit niya ako binasa? Ito na nga ang susuotin ko para mamaya hindi ko na kailangan pang maghalughog sa bag ko mamaya.
"Hahahaha."Tss. Natawa pa ang mokong. Dahil busy siya sa kakatawa at doon ako gumati sa kanya. Binasa ko rin siya. Akala niya siya lang ah
Nagbasaan kami ng nagbasaan, para kaming nga bata na nagtatampisaw sa dagat. grabe wala akong laban sa kanya. Mas maraming tubig ang naisasaboy sa akin
Minsan ay hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya. Bumabakat sa puti niyang tshirt yung katawan niya. Oh my gulay he's oh so so freaking hot. Bakit magpakita na naman ang dashboard chest at chisled abs niya.
Nakakadistract talaga pero natatauhan rin ako sa tuwing nababasa ako ng tubig.
Hanggang sa napagod kami at naisipan namin na magpahinga. Pero imbis na makapagpahinga na kinukulit nila kami ni Angel. Halos magbatuhan na kami doon, maghabulan.
Ang saya talaga kahit nakakahingal ay tuloy pa rin.
Hinding hindi ko talaga makakalimutan iyon. They make this place more memorable. Babalik talaga ako dito.
............................
Nakatayo lang kami at tinatanaw ang paglubog ng araw. The view is very breathtaking napakaganda. Nadaig pa yata iyong sunset ng Manila bay. Mas nagpapaganda pa sa view ang mga ibong nagliliparan.
Mas napapangiti talaga ako sa Nakikita.
" Do you like the view?" Tanong niya.
"Yes!" Mabilis kong sabi, dahil hindi ko rin naman maitatanggi iyon.
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours