nikka
Halos pagulong gulong na ako sa kama ko dahil tila baliw na baliw na ako ngayon. Nakakainis na eh, gusto ko ng inuntog sa pader yung ulo ko. Baka sakaling bumalik sa normal ang takbo ng utak ko. Kung ano ano kasing mga bagay ang lumalabas sa isipan ko na hindi ko matanggap.
Tatlong araw pa lang siya nawawala pero baliw na baliw ako sa pagkamiss sa kanya, para bang tatlong taon siya nawala at labis labis na ang pangungulila ko sa kanya. Nakakapanibago kasi, walang makulit, walang nag-aalaga sa akin. Nasanay na kasi ako na lagi siyang nandyan sa tabi tabi, lalo na nung nasa Dinadiawan kami.
Tss..Paano pa kaya pag umabot ng isang linggo? Baka bigla ko na siyang sunggaban pag-uwi niya, ipasok sa kwarto ko at magahasa ko na.
Putya naman! Pati ako nahawa na sa kamanyakan niya.
Minsan nga Naiisip ko na mahal ko na siya, kahit hindi naman ako magkakaganito kung wala akong nararamdaman na something.
Pero putangina lang talaga. Kahit anong gawin ko ay ganoon pa rin.Bakit ko ba kasi mararamdaman iyon?
Ok lang sana na sabihin na namimiss ko siya pero alam ko sa sarili ko na hindi lang iyon ang nararamdaman ko alam kong may mas malalim na dahil kung bakit ganito.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mahuhulog sa kanya dahil hindi siya ang tipo kong lalaki, pero hindi kalaunan ay nabihag niya ang puso ko.
They way that he look at me, yung nakakatunaw na titig na nakakapanghina ng tuhod. Yung paano niya ako yakapin, ramdam na ramdam ko na protektado ako sa mga yakap na iyon at walang sinoman ang mananakit sa akin. The way the he took care of me, na para bang isa akong babasagin na bagay
Sino ang hindi mahuhulog doon? He never failed to give me goosebumps and buttersflies tingling at my stomach.
I was always indenial to myself that this is not real, it is only infatuation, masyado lang din akong attached sa kanya.
Habang tumatagal ay alam ko sa sarili ko na hindi na ito normal, dahil alam na alam kong may nagbabago na sa nararamdaman ko sa kanya, sa tuwing nakakasama siya. Kahit pigilan ko man hindi ko magawa, dahil pinipigilan ko naman itong nararamdaman ay mas lalong lumalala ang lahat, mas lumalalim ito.
Noong umalis siya papuntang Singapore doon ko narealize lahat.
Simula't sapul ay ayaw ko na sa kanya. I hate him everytime I see his face, mas lalo akong naiinis kapag pinapakita pa niya ang kanyang mga ngisi. Pero habang tumatagal ay may nagbabago na sa pagitan naming dalawa. Lalo na yung nasiraan ako doon sa daan, doon ko naramdaman na hindi lang siya si Lukas na babaero, siya si Lukas na marunong magmahal. Ilang araw na nakalipas doon ko nakikita na isa siyang mabuting tao kahit naknakan siya ng kamanyakan.
Habang tumatagal na nakakasama ko siya ay mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Lalo na nung natatakot ako sa kidlat, nandoon lang siya at hindi ako iniwan. He protected me through his hugs.
Lumabas ako ng bahay, my mind isn't in its condition, kailangan ko lang siguro na magpalipas oras para mawala itong iniisip ko. Wala rin naman kasi akong ginagawa kundi tumunganga. Wala rin naman sila Mama at umalis, yung mga kaibibigan ko nasa bakasyon nung mga nakaraang araw at kababalik lang ngayon. Halos mapanis na ako dito kaya kung ano ano na lang ang naiisip ko. Gusto ko muna siyang mawala sa isipan ko, kahit saglit lang baka ikabaliw ko eh.
Inaya ko na lang sila Nicole para gumala, sabay bigay ng mga shells na ito at hindi ko alam kung magugustuhan ba nila itong mga ito.
Napagdesisyunan namin na sa Starbucks pumunta, namiss ko rin kasi na laruin yung whip ng Frappe nila doon
"Wow! Anikka ang bongga ng pasalubong mo sa amin, siguro mahal ito noh." Ani ni Nicole habang sinisipat yung pinagtagping tagping na shell na bigay ko sa kanya. Inayos ko rin naman kasi ang mga iyon nirecycle ko, ginawa kong accesories,para naman maganda isalubong sa mga ito. Mabuti at nagustuhan naman nila.
"Ah eh, napulot ko lang iyan eh." Nahihiya kong sabi.
"Eh!" Hiyaw nila sa akin, hindi sila.makapaniwala. Grabe ang sakit sa tainga ko. Magaling din naman ako sa arts ah! Kaya ganyan kaganda ang naibigay ko sa kanila.
"Oo nga! Wala kasi akong pera noon at kinuha ni Lukas kas—-" Hindi na ako natapos ng biglang sumingit si Yen.
"So kasama mo pala si Lukas ha." Tapos nag-angat siya ng kilay sa akin na parang dapat ay may ikwento ako.
"Yeah." Tipid kong sabi, wala naman sigurong dahilan para ideny ko iyon, dahil mahuhuli din naman nila ako.
"So ano may nangyari ba? Naisuko na ba ang bataan?" Tanong ni Nicole, kumunot ang noo ko sa kanya. Porque ba kaming dalawa lang ay maaring may manyari na sa amin. Grabe naman ang pag-iisip sila. Sarap nilang batukan, pero di ko ugali na manakit eh.
"Wala, huwag kayong umasa." Sabi ko dahil wala naman talaga at kung may mangyayari man, I'm not ready for that.
"Sus! Kunyari ka pa. Atin atin lang naman, alam naman namin na gusto mo rin siya." Ani ni Nicole. Putya pakiramdam ko ay nagsiakyatan na naman ang dugo ko sa mukha at gusto kong takpan ang mukha ko, dahil alam kong namumula ako. Gusto kong pagtatampalin ang kanilang bibig isa isa dahil kung ano ano ang lumalabas dito.
..................
Pagod na pagod akong bumalik sa bahay namin. Kahit magdamagan kaming gumala ng mga kaibigan ko sa mga iba't ibang mall ay hindi pa rin siya maalis sa isip ko. Kaya ko nga sila inaya na gumimik ay para kalimutan siya kahit saglit, pero hindi eh, mas lalo pa siyang nanunuot sa isipan ko dahil panay tanong nila sa akin tungkol sa kanya. Gusto ko tuloy silang lagyan ng duct tape, dahil hindi nila ako tinutigilan hanggang hindi ko sila sinasagot sa mga katanungan nila. Pero kahit naiinis ako ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti habang nag-sasagot ako, reminiscing those memories making me happy, pero habang kinukwento ko lahat iyon ay lalo ko tuloy siya namimis, mas lalo ko siyang hinahanap.
Hanggang sa nasa tapat na ako ng kwarto ko.
Siguro ay kailangan ko lang na itulog ang lahat ng ito para kahit papaano ay mawala siya sa isipan ko. Pero putangina lang uli, paano ako makakatulog kung patuloy pa rin siya tumatakbo sa isipan ko, hindi kaya siya napapagod?
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours