Anikka
"Lukas what's wrong." Sabi ko sa kanya habang nagmamaneho. Hindi ko na matiis ang katahimikan na namamagitan sa amin, para kaming may pinag-awayan kahit naman wala. Kanina pa siya walang imik, simula nang umalis kami sa Aristocrat --hindi, noong nakita niya si Eris, para na siyang wala na sa sarili niya. Hindi ko tuloy maiwasan na magduda, may namamagitan ba sa kanila noon? Hindi naman ako tanga para di maisip iyon. Hindi ko mapigilan na magduda o mag-isip ng mga kung ano ano. Hindi magkakaganoon si Lukas nung nakita siya kung magkaibigan lang sila, specifically, isang mabuting kaibigan.
"No, I'm just thinking something." Napalingon ako sa kanya, sino ang iniisip niya si Eris, kaya ba hindi siya kumikibo? Hindi naman siya ganito dati, kahit marami siyang problema kukulitin pa rin niya ako. Pero ngayon? Parang hindi si Lukas ang kasama ko.
"Si Eris ba?" Mahinahon kong tanong, oo Anikka tama lang na huminahon ka. Hindi ka pa naman sigurado sa pagdududa mong iyan. Malay mo may hindi lang sila pagkaka-unawaan noon. Malaki ang tiwala mo sa kanya, right?
Pero natigilan siya, sanhi ng malakas niyang pagpreno, halos masubsob na ako sa dashboard ng montero. So totoo nga.
Pinaandar niya muli yung sasakyan at inayos ko naman ang aking sarili.
"Anong meron sa inyo noon?" Naglakas loob kong tanungin sa kanya, may karapatan din naman akong siguro magtanong sa nakaraan niya diba?
"We're just friends, nagulat ako dahil nakita ko siya." Diretsong sabi niya. So hanggang ngayon shocked pa rin siya kay Eris a?
"May hindi ba kayo pagkakaunawaan noon?" tanong ko.
"Wa-wala." Aniya, napatitig muli ako sa kanya habang nakapokus sa pagmamaneho. Napatingin siya sa akin at nginitian nang namalayan na nakatingin ako sa kanya.
Hindi ako kuntento sa pinagsasasagot niya. Pakiramdam ko ay parang may dapat pa akong malaman, na mas malalim, ukol doon. Hindi ko na siya tinanong pa, baka hindi rin niya sagutin ayon sa gusto ko at isa pa malalaman ko rin naman iyon. Napatingin na lang muli ako sa daan habang sinisikmura ang pananahimik muli ni Lukas.
Ayoko rin naman na masyadong maging clingy sa kanya, baka naman masakal siya sa akin at bigla na lang ako iwan. Baka hindi ko kayanin iyon, lalo pa at alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.
Pero hindi ko pa rin maiwasan na may mamuong tampo ako sa kanya, bakit siya nagkaganoon dahil sa kanya, hindi man lang ako kinikibo, parang walang Anikka sa tabi niya. Siguro pag bumaba ako ay hindi pa niya mamamalayan.
Hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi ko alam kung magpapaalam pa ba ako o bababa na. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa kanyang sarili.
Pero naisipan ko rin na magpaalam sa kanya na maayos, dahil kahit ganoon siya kanina ay ihatid niya ako sa bahay ng maayos.
Pero bago bumuka ang bibig ko sa pagsasalita ay naunahan na niya ako.
"Baby I'm so sorry." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Napakahigpit noon, tila ayaw niya akong pakawalan sa kanyang mga bisig. Ramdam na ramdam ko yung init mula sa kanya, ang init ng kanyang pagmamahal na sapat nang tunawin ang namumuong pagtatampo ko sa kanya. Mahal pa rin niya ako.
Oo mahal ka nang hinayupak na iyan!
"Babawi ako sayo ha." Bago pa ako makapagsalita ay inangkin niya ang aking mga labi. Bakit na ang bilis bilis niya. Aish!
....................
Nilabas ko na lahat ng damit na binili sa akin ni Mama. Ayoko muna magsuot ng pangmanang na damit na tipical kong isinusuot, gusto ko maiba naman. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Siguro ay gusto ko lang maging maganda sa paningin niya.
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours