Lukas
Agad na akong umalis sa restaurant, kailangan kong puntahan si Anikka. Siya dapat ang inaasikaso ko at hindi si Eris na kasama ko ngayon.Hindi ko lang siya matanggihan kanina dahil agad siyang humikbi sa harapan ko.
Nakayakap sa akin si Eris habang patuloy pa rin siyang umiiyak sa aking bisig. Wala naman akong magagawa kundi icomfort siya. Kahit papaano ay may pinagsamahan kami, alam ko kapag may pinagdadaanan siya. Alam kong kailangan niya ng kadamay.
"Lukas pwede pa naman tayo diba? Mahal mo pa ako diba?"Ani ni Eris na parang batang nagtatanong, humiwalay ako sa kanya dahil doon.
Napatitig ako sa kanya.
"I already loved you Eris."
"Ha, bakit parang patapos? Lukas naman. Alam ko mahal mo pa ako. Alam ko Lukas. Naguguluhan ka lang." Mas lalong umiyak na si Eris sa harapan ko. Gusto ko siyang kaawaan pero hindi ko magawa. Malinaw sa akin ang lahat mahal na mahal ko si Anikka, higit pa sa sarili ko. Naging kami noon, minahal ko siya at inalagaan. All of these are in the past, hindi na kailanman maibabalik.
"No Eris alam ko sa sarili ko kung sino ang mahal ko. Si Anikka lang iyon."
Agad na rin akong umalis sa restaurant, mali ito. Hindi dapat siya ang inuna ko, si Anikka dapat. Siya dapat ang kasama ko hindi siya.
Kung hindi lang siya umiyak sa harapan ko at sinabing kailangan niya ako dahil may problema siya ay hindi ko na siya papansinin pa. Pero dahil gusto lang pala niya akong bumalik sa kanya kaya gusto niyang makipagbalikan sa akin.
Wala na kaming patutunguhan pa, dahil kay Anikka na ako ngayon, sa kanya lang. Si Anikka ang mahal ko, malinaw na malinaw iyon sa akin. Nabigla lang ako noong nakita ko siya, pero hinding hindi ko na ipagpapalit si Anikka sa kanya. Mahal ko siya.
Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa bahay nila. Hindi ko na naipark ng maayos yung montero dahil sa kamanadali ko na makita siya. Para akong batang sabik na sabik.
"Manang si Anikka po." Agad kong tanong sa Yaya ni Anikka. I need to see her badly. Kailangan ko talaga na makabawi sa kanya.
" Hay nako,nandoon sa Kwarto niya hijo. Kanina pa nagkukulong doon. Mukhang ang lungkot lungkot ng alaga ko."
Agad na akong tumakbo patungo sa kwarto ni Anikka, halos nakalimutan ko na magpasalamat kay Manang.
I need to prioritize my baby, she's so damn sad because of me. Nakakaloko, parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil doon, dahil sa kanya bakit siya malungkot. Kung sana ginawan ko talaga ng paraan para siputin siya.
Kaya agad agad ko rin siya pinuntahan ngayon. Kailangan ko talaga makabawi sa kanya. I dont want her to be sad. Ayokong magtampo siya sa akin. I only wanted is to make her love and care for me.
Pagpasok ko ay isang nakapangalumbaba na si Anikka ang nakita ko. Halata ang lungkot sa kanyang mga mata.
I really want to punch myself for that. Sana talaga siya ang inuna ko para di siya magkakaganyan.
Agad akong lumapit sa kanya, pero parang wala siyang pakialam sa presensya ko, nakapangalumbaba pa rin siya at tila walang balak kumilos. Hindi naman siya ganito dati, kapag alam niyang nasa paligid ako ay agad niya akong lalapitan at yayakapin.
Ngayon, wala siyang pakialan sa presensya ko. kaya alam ko may tampo siya sa akin, I'm really sorry baby.
"Anikka." Sabi ko sa malambing kong tono.
"Baby Anikka."
"Baby Anikka."
Hindi pa rin niya ako pinapansin, Nagtampo nga talaga ang baby ko. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya ngunit nauna siyang tumayo.
Sinundan ko naman siya at yayakapin pero hinawi niya ang aking mga kamay.
What happened baby?
Anikka
Muli kong hinawi yung mga kamay niya nang akmang yayakapin niya ako uli. Ilang beses ko ng hinahawi ang kanyang mga kamay palayo sa akin, pero siya itong makulit at patuloy pa rin niyang binabalik kahit hinahawi ko na.
Hinayupak siya magsawa siya diyaan. Ang sweet sweet nila ni Eris kanina, payakap-yakap pa sila kanina. Samantala ako dapat ang kasama niya, pero nasa ibang kandungan siya.
Hinayupak siya! Siguro nagsawa na kay Eris kaya pumunta dito sa akin. Aba! Aba! Ang kapal ng apog niya na magpakita sa akin, samantala kanina ang sweet sweet doon. Parang sila pa ang magkasintahan kanina a?
Totoo nga ang iniisip ko, na nay something sila, at ang something na iyon ay tila buhay na buhay pa sa pagitan nila.
So ano na ako dito ngayon, isang tangang babae, dahil naloko ng kanyang dakilang boyfriend. Fuck!
"Baby,please pansinin mo ko, may problema ba?" Tumingin ako ng masama sa kanya. Putangina! Hindi niya ba alam ang problema, siya ang problema ko isama mo na si Eris. Mga walanghiya sila pinagkaisahan nila ako, ang mas masakit pa bestfriend ko pa ang
"Dahil ba hindi natuloy ang date natin? Nandito na ako be." Malambing pa rin niyang sabi at ni hindi ko pa siya nakikitaan ng pagkainis.
"Kung sana yun lang e! Hindi! Kasi yung hindi nating natuloy na date kanina mauunawaan ko yun e, pero yung kasama mo si Eris kanina na dapat sana ako ang kasama mo sa oras na iyon at ang masaklap magkayakap pa kayo! Yun ang problema ko Lukas! Bakit magkasama kayo!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Mas lalong namumuo ang galit sa akin. Masyado pa siyang nagmamaang-maangan sa ginawa niyang kasalanan sa akin?
Halata sa itsura niya ang gulat. So alam niya. Nagmamaang-maangan pa siya na walang siyang ginagawa, nakakapangigil!
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours