Anikka
Kanina pa ako paikot-ikot na naglalakad dito, kanina pa ako hindi mapakali. Siguro kung may kasama lang ako dito ay kanina pa na hilong-hilo sa akin.
Bakit ba kasi ang tagal tagal na umuwi ni Lukas, nasaan na kaya yun? Tinatawagan ko siya kanina pero nakapatay ang phone niya, ok sana kung natatawagan siya, pero hindi e.
Kinakabahan ako, baka mamaya kasama na niya si Eris at may pinaplano na siyang masama sa mahal ko. Hindi ako makakampante hanggat hindi ko siya nakikita.
Natatakot ako sa mga maaring mangyari. Ayokong mawala pa siya sa akin, ngayon mahal na mahal ko siya. Siya ang tanging lalaki na nakikita ko na mamahalin ko.
Aish! Anikka relax..dont be such a paranoid. Hindi mangyayari ang iniisip mo, ikaw ang mahal niya at hindi siya. She's just Eris Magdayo, mas may laban ka sa kanya. She's just his past na nakalimutan na niya. Ang nakaraan ay hindi na maaring magbalik Anikka!
Pangaral ko iyon sa sarili, pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot, ibang Eris ang kaharap ko kanina, hindi na siya tulad ng dati na mahina ang loob, she can do everything. Kitang kita ko sa mapaghamon niyang titig sa akin kanina.
Anikka please be strong ,huwag kang papadala sa mga sinabi niya kanina.Hindi ka papatalo sa kanya diba? Maging palaban ka tulad ng dati.
"Oh Baby Anikka, nandito ka na pala, inunahan mo pa ako. Exited ka siguro makita ang guwapo kong mukha." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na ako papunta sa kanya. Thank goodness! Nandito na rin siya sa harapan ko, mapapanatag na ang kalooban ko. Labis labis akong kinabahan ng wala siya, baka mamaya agawin siya bigla ni Eris. Masyado talaga akong natatakot, dahil ayokong mangyari iyon.
"Hay nako, ikaw talaga ang tagal mong yumakap sa akin. Iisipin ko na tsinatsansingan mo na ako."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, He's really infront of me, nandito pa siya sa akin. Wala akong pakialam kung anoman ang sabihin niya, pagtripan niya ako. Basta nandito siya ay sapat na.
"Oh, bakit umiyak ang baby ko. Masyado mo ba akong namiss. Dont worry I missed you more." Oo namiss talaga kita at sobra akong nag-aalala sayo.
"Saka huwag kang umiyak, ayoko na nakikita kitang umiiyak. It breaks my heart whenever I see you crying." Aniya, sabay pahid ng aking mga luha gamit ang likod ng kanyang palad. Kung alam mo lang talaga Lukas kung gaano ako katakot ngayon, matakot na mawala siya sa akin. Alam ko na mahal niya ako pero natatakot pa rin ako sa mga maaring mangyari.
Nginitian ko na lamang si Lukas para ipakita sa kanya na ok ako. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.
"Hindi ka mawawala sa akin Lukas ha." I said in a assuring tone, gusto ko mangako siya sa akin na hindi siya mawawala sa akin kahit anong mangyari. Para may panghawakan ako at maging malakas sa kung anuman na banta ni Eris.
"Nope nandito lang ako, I will never leave you, I promise."
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours