Login via

Respectfully Yours novel Chapter 54

Lukas

"Do I have any meeting for today?" Agad kong tanong sa secretary ko. I want to focus sa mga bagay na dapat kong ayusin. The appointments can wait, but this problem must be fixed. Mas maaga ko itong maayos, mas maagapan ito, para hindi na makasira pa.

"Sir with Mr. Sarmiento at--"

"Cancel it." Mabilis kong sabi.

"Pero sir." Pagtutol niya, tinignan ko siya ng masama. Wala siyang karapatan na kwestyunin ako. Marami akong mga bagay na dapat kong asikasuhin. Mas lalo pa niyang pinapasakit ang ulo ko.

"I said just cancel it! Ikaw ba ang nasusunod dito?"

"Sorry Sir."

Pagkatapos kong basahin ang mga ilang mga reports ay aalis na rin ako .

I need to fix this, ang hindi namin pagkakalinawan ni Eris. Gusto kong linawin sa kanya na hindi na siya ang mahal ko at hindi na niya ako pwede pang mahalin.

Gusto ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Eris, maayos na ang lahat ng ito. Malinaw na sa amin ang lahat. Ayokong humantong pa sa sitwasyon na guluhin pa kami ni Eris.

Ayoko ng pag-aalalahin pa si Anikka, ayoko ng maulit ang paduda niya sa akin noon. Tama na ang isang beses, ayoko na siyang makita na masaktan ng ganoon.

Eris is a very understanding person, alam ko na maayos din namin ito.

After reading those files, dumeretso na ako kaagad kay Eris, wala na akong balak na mag-aksaya pa ng oras. Halos paliparin ko na ang kotse ko papunta sa kanyang unit.

Hindi pa ako nakakapag-doorbell ng agad niyang buksan yung pintuan.

"Oh Lukas! I missed you so much. Kanina pa kita hinihintay." She said that while smiling. Iyon ang isa sa mga gusto ko sa kanya noon, but now hindi na ako tatablan niyan. Akma niya akong yayakapin pero pinigilan ko yung kamay niya.

"May dapat tayong pag-usapan Eris." Diretso kong sabi, ayokong mag-aksaya ng oras. Gusto ko na maayos kaagad ang gusot na ito.

"Ano iyon, babalikan mo na ba ako?" Masaya niyang sabi, pero nagkakamali siya. Malinaw sa isipan ko na si Anikka lang at wala ng iba. Wala akong balak pakawalan siya at mas lalong wala akong balak balikan si Eris.

"Hindi na ako mapapaligoy pa Eris, Please stay away with us. Ginugulo mo kami." Diretso kong sabi, without even looking at her eyes.

"No I can't! Hindi ako lalayo sayo Lukas.Mahal na mahal kita alam mo yan at mahal mo pa din ako diba?" Aniya at pagkatapos ay tinalikuran na niya ako. Naririnig ko ang kanyang pag-iyak. She's hurt badly dahil sa akin, batid ko iyon ayon sa kanyang paghagulgol. Pero kailangan. Kailangan niyang malaman na hindi na kami . pwede. Kahit iwasan ko man na huwag siyang masaktan, wala rin naman akong magagawa. Hindi maiiwasan ang bagay na iyon.

"Eris matagal na tayong tapos.Nakalimutan na kita, hindi na ikaw ang mahal ko." Humarap siya sa akin kahit mugto ang kanyang mga mata. Naging matapang ang kanyang mukha.

"Bakit nagulat ka ng makita ako ha! Bakit iniiwasan mo ko. May epekto pa rin ako sayo Lukas." Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan, pero hindi ko sinasadya na maitulak siya.

Lumapit ako sa kanya para tulungan makatayo, pero itinulak niya ako. Sa pag-angat niya ay nangingibabaw ang kanyang mga matatalim na titig sa akin.

"I'm so----"

"Wala na tayong pag-uusapan Lukas. Sisirain ko kayo! Aagawin kita sa kanya! Tandaan mo yan." Madiin niyang sabi.

Anikka

"Ang SPG mo girl." Nanlaki ang aking mga mata, pagsabihan ba naman ako ng bastos, kumakain lang naman ako dito a?

"Hoy Nicole di ako bastos ah." Agad konh dipensa, hindi ko rin naman siya nababastos dahil kumakain lang naman ako. Wala akong inaagrabyado, dahil bayad ko ang lahat ng kinakain ko at hindi ko sila inaagawan ng food.

"Nonono! I mean you're so Super Patay Gutom"

Chapter 54 1

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours