Anikka
"Hay salamat!" Sigaw ko sa kitchen namin, halos pinagtinginan na ako ng mga katulong, siguro sa lakas ng aking boses.
"Cookies?" Alok ko sa kanila, tumango naman sila kaya nilagyan ko sila sa platito.
Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Kanina pang madaling araw ako gumagawa ng cookies, pero ngayon ko lang naperfect ang tamang lasa. Kaya achievement ito para sa akin.
Ngayon lang kaya ako nagbake, bigla ko lang kasi naisipan kaya wala akong masyadong alam sa pagbake. Saka gusto ko rin naman gawan si Lukas ng cookies, para energizer niya sa trabaho niya saka ni minsan ay hindi ko pa siya naipagluluto. Ayokong magpatulong kila manang, dahil gusto ko ako lang ang gagawa nun para sa kanya, para sariling hirap ko talaga.
Sinamahan ko ng pagmamahal kaya sigurado ako na magugustuhan niya ito.
Nilagay ko na sa box yung mga cookies at tinalian ito ng ribbon saka nilagyan ng note sa ibabaw.
Dali dali akong nagpunta sa unit ni Lukas, hindi ko na kailangan pa na kumatok dahil may duplicate key naman ako.
Naku exited na akong sabihin niya na masarap ang gawa ko. Haha!
Pagpasok sa loob ay nilibot ko ang paningin sa living at kitchen niya. Hmm mukhang tulog pa yata ang hinayupak na yun. Pero dapat ay umaaligid na dito iyon.
Nilagay ko muna yung cookies sa counter na kitchen niya bago pumasok sa kwarto niya. Siguro ay susurpresahin ko na pinagbake ko siya. Matutuwa siya sa akin sigurado, exited na ako sa magiging reaksyon niya.
Dali dali kong binuksan yung pintuan ng kwarto niya.
What the?
Nanlaki ang aking mga mata sa larawang nakatambad sa akin. Tila gusto ko muling isara ang pintuan. Pero tila ba nanigas ako sa kinatatayuan ko, tila naparalisa ang katawan ko at hindi ko na maikilos
This cant be no! This is not real, nananaginip lang ako.
Kinurap kurap ko ang aking mga mata pero hindi pa rin nawawala ang larawan na iyon sa paningin ko.
Tila namuo ang galit sa loob ko. Ano ito? Niloloko lang niya ba ako.
Ano itong nakikita ko!
Lukas is naked, with the other woman, no other than my bestfriend
Sabi niya sa akin ako lang, bakit kasama niya si Eris. Akala ko ba walang namamagitan sa kanila? Ano ito bakit ganito ang itsura nila.
Pinagloloko nila ako. Pinagmukha nila akong tanga. Napakasama nila. Mamumuhi ako.
"Hayop kayo!" Binalibag ko yung vase sa kanila. Mga traydor sila, paano nila nagawa sa akin ito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, pinagkatiwalaan ko sila!
Ano itong nangyayari? Ang nakikita ko. Paano nila nagawa sa akin ito! Mga walanghiya sila! Napakakakati.
Naalimpungatan si Lukas at tila nagulat sa mga nangyari, parang hindi niya alam ang lahat.
Bago siya makatayo ay umalis na ako. Hindi ko na kakayanin kung anuman ang sabihin niya at hindi ko rin kaya na magtagal at makita sila hubo't hubad sa piningin ko. Ang sakit... Ang sakit sakit. Para akong pinapatay ngayon sa sakit.
"Let me explain." Aniya at nahawakan niya ang braso ko, agad naman akong pumiglas.
"Explain?! Anong ipapaliwanag mo sa akin ha? Kitang kita ko ang lahat o! malinaw sa akin ang nakita ko Lukas." Meron pa siyang lakas na loob na humarap sa akin. Para ano? Depensahan ang ginawa niya? Hindi na kailangan, sapat na ang mga nakita ko, wala ng dapat eksplanasyon doon.
"Please Anikka." Pakiusap niya. Nakatitig siya sa akin, ang mga matang punong-puno ng sinseridad.
No! Hindi ako palilinlang sa mga matang iyan. Magdusa siya sa ginawa niya sa akin. Tinapangan ko ang aking mukha.
"No Lukas! Sapat na ang nakita ko. Pinagloloko mo lang ako."
"Baby" Humarap ako sa kanya at hindi ko na mapagilan na masampal siya. Ang kapal kapal niyang tawagin akong ganoon, wala siyang karapatan. Hindi niya ako tunay na mahal.
"Hindi mo na ako makukuha sa pa-baby mong niyang! Manloloko ka!"
Sigaw ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko, ang sama sama na ng loob ko sa manloloko na iyan na pinagmukha akong tanga at pinaniwala na mahal ako.
"Anikka, hindi ko alam na may nangyari----" Hindi ko na siya pinatapos, ayoko ng marinig ang anumang kasinungalingan niya.
"Lumang dialogue na yan Lukas, wala na bang bago ha." Bulyaw ko sa kanya.
"Anikka, just listen, trust me." Aniya, nakatitig lang siya sa akin, ni minsan ay hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Sa mga mata niya ay nakikiusap siya. Para saan? Para magpaloko pa sa kanya? Hindi ko na dadagdagan ang katangahan ko sa kanya.
"Sabi mo walang namamagitan sa inyo ni Eris, nagtiwala ako sayo Lukas. Sa nakita ko ngayon Lukas, dapat ba kitang paniwalaan." Hindi na kita kaya pang pagkatiwalaan Lukas. You put me on this, magdusa ka! Magtiis ka, ginusto mo na gawin ito sa akin.
"Anikka." Lumapit siya sa akin at hinawakan sa kamay pero tinapik ko iyon. Ayokong magpahawak sa kanya, nakakadiri siya.
"Lumayo ka sa kin. Layo! Nandidiri ako sayo Lukas. Nakakadiri ka! Nakakadiri kayo!
Dali dali na akong umalis, gusto ko ng lumayo. Hindi ko kaya na makita pa siya.Naiinis, namumuhi ako sa ginawa niya. Kasi sinaktan niya ako ng ganito, minahal ko siya ng buo pero anong ginawa niya? Niloko lang niya ako, pinaasa lang niya ako.
Dinurog niya ang puso ko. Winasak niya. Putya! Ang sakit sakit na ginawa mo!
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours