CHAPTER 9
Lukas.
Nung nakita ko siyang tumawa.Parang feeling ko isang achievement na yun para sa akin.. Seeing her carelessly laughing, na parang wala siyang pakialam sa mundo. That laughter fills me up, siguro dahil ngayon lang ako nagkapagpangiti ng babae except for my mom and at the bed of course.
I feel contented when I saw her laugh like that.Kaya ito hindi ko mapigilan na matawa.. dahil nakakatawa siyang tumawa. Were both laughing at the middle of the road,hindi na namin inalintana kung pagtinginan man kami..Basta ewan ko pero I'm just fucking happy, na parang kami lang dalawa ag tao dito.
What is this feeling?
It sounds gay pero ito ang nararamdaman ko ngayon. Pigilan ko man pero I can't help it!
How she laughs, I really really like it walang kaarte arte.. Siguro sa iba matuturn off ako pag ganito, but this is different, parang mas lalo ko siyang nagugustuhan. I am glad na kahit papaano comfortable na siya with my presence, everything is so natural. Walang pacute, walang arte How she innocently laughs. Anikka is so fragile. I should have touch her with care, make her happy always..
"Wuy! Lukas! Huwag mo kong titigan, malulusaw ako."Agad akong natauhan. Napatitig na naman ako sa kanya. I can't help it eh ang ganda niya kasi, I just realized it last night. Her beauty is just hidden with her glasses at hindi siya ganoon na palaayos. She does not like put any make-ups in her face.
I guess that will be better, para wala nang magtangka pa sa kanya na manligaw.
It is not bad for me to be possessive, she is my fiancé.
"Feeling mo naman ikaw yung tinititigan ko." Palusot ko, dahil ayokong mailang siya sa akin. Alam kong napasaya ko siya ngayon, kaya dapat simulan ko nang makipagclose sa kanya...as my wife to be, right? Pero alam niyo sa totoo lang gusto gusto ko siyang titigan buong magdamag.. I'll make sure siyempre na di siya malulusaw.
Inirapan na lang niya ako at patuloy sa pagkain ng ice cream. I know she really wanted me in the first place haha. Sa gwapo kong ito maraming nagkakandarapa. Hay nako stop thinking like that Lukas! Be nice ok?
But how?
"Let's go! Naiinip na ako dito." Hinatak ko si Anikka papunta sa Ferrari ko pero siya pilit na bumabalik.. Ayaw niya ba umalis?
"Yung kotse kooooo." Oo nga pala, I contacted a towing service para kunin ang sasakyan ni Anikka doon.
"Dont worry may kukuha diyan ipapaayos ko." Tapos nun tuluyan na siyang nagpahatak sa akin at sa hindi sa sinasadya ay naihagis ko siya sa passenger's seat.
"Napakagentleman mo!" Ngumisi lang ako sa kanya. I am just making sure, she sits in the right place.
Naisipan ko siyang dalhin sa isang french restaurant kasi nagugutom na ako. Saka dito ako kumain lagi.. Wala pa naman akong dinadala dito, si Anikka pa lang. Napatingin lang siya sa restaurant at tila hindi pa siya makapaniwala.
“Kakain tayo diyan.”
“Haven’t you eaten here?” Umiling si Anikka.
“Minsan, sila mama lang ang madalas diyan.” She shrugged.
I touched her waist as we enter.
“Lukas, no need wala naman sila Mama.”
“I don’t mind Anikka.” Agad na tinanggal ni Anikka ang kamay ko mula sa pagkakakapit sa kanya.
“It’s a big deal Lukas.” Inunahan niya ako maglakad hanggang sa makarating kami ng reception area. I thought were already fine? Do I need to earn her trust to let her touch her, nahalikan ko naman na siya.
"Sir, we dont have any seats."
"Dont have any seats?? It look like their is no one who seats in that chair."
"But sir, that seat is reserved." Fuck! madalas akong kumakain dito, malaki akong magbigay ng tip sa mga waiters tapos ganito? Mukhang ayaw nila kaming asikasuhin? Gusto ba nila akong mamatay sa gutom. I will not eat here next time.
"Tama na yan, ang laki na ng butas ng ilong mo Lukas. May alam akong masarap kainan." Agad ako napatingin sa kanya.
“But Anikka.”
“No buts!” Tapos hinatak ako ni Anikka palabas.
I have no idea in what place where we going to eat. It is just line up of small restaurants. Dito ba niya ako pakakainin? Very far from the place I bring her, I expect something more, then dito lang niya ako dadalhin.
"Liko mo diyan.."
"Nandito na tayo!"
Seriously? Dito niya ako balak pakainin? Sa isang kalinderya?? Oh come on.Titiisin ko na lang ang gutom ko. Baka masira pa ang tiyan ko dito.
"Hoy Lukas huwag kang maarte diyan tara na." I stay still, habang si Anikka, tinanggal na ang seatbelt niya at handing handa nang umalis. Hinding hindi ako kakain diyan.
“Lukas.” Banta niya at tinignan pa niya ako ng masama. Ok fine! Remember Lukas be nice. Pagbigyan mo na.. Kahit na labag pa ito sa kalooban ko.
Pumasok kami sa kalinderya na iyon. Hindi ako kumportable sa lugar, ang sikip dahil sa dami ng kumakain doon at ang ingay. Hindi ko alam kung makakaupo pa kami dito. Kung ganito rin naman sana nakipagtalo na lang ako sa French restaurant na iyon.
Maya-maya hinatak niya ako dun sa bouffet.. Ano ito hindi ko maintindihan ang pagkain.. may maliit na intestine tapos color orange..tapos what is this may ulo pa ng chicken.. tapos bilog bilog.. tapos yung square na color black.. edible ba ang mga ito?
"Malinis ba yan?"
"Oo naman! Kaarte nito! Mas masarap pa yan kaysa sa mga pagkain sa french restaurant na yun." Tsk! Kapag nafood poison lang ako dito Anikka Fuentes, lagot ka sa akin, buong gabi kitang..
I hate it! I can hear the sound of my stomach, kaninang umaga pa ako walang kain.
"Mr. Lukas Angelo Aragon.. hindi po kayo mafofood poison diyan kaya huwag na maging maarte.." Aniya habang namimili ng mga kakainin naman. I have no idea how will I eat this. “Ayan, ako na pipili ng pagkain mo. Sigurado ako na magugustuhan mo ang mga ito, promise.” Tapos hawak na niya yung mga inorder niyang mga pagkain na hindi mo maintindihan..
"Halika na!" Tapos pumunta na kami sa table. Ang galing niyang sumingit.
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours