“YOU ARE very fortunate, Mr. McClennan. Not only is your girlfriend beautiful, she is so good with the kids, too. She would be a wonderful wife.”
“I know,” Hindi lumilingon sa kausap na sagot ni Alano habang nananatiling nakamasid kay Clarice na pinalibutan ng mga batang babae na kasalukuyan nitong tinuturuan kung paano maglakad na gaya ng sa isang modelo. Kahit ang mga batang lalaki ay huminto sa paglalaro at may kinang ang mga matang nakatitig na lang din sa dalaga.
Ang mga batang naroon ay anak ng mga empleyado sa kanilang kompanya. Kasalukuyan silang nasa bagong tayong resort ng kanilang pamilya. Sa susunod na linggo ay magbubukas na ang resort sa publiko. Ngayong araw ay binasbasan iyon ng pari kaya inimbitahan nila ang mga malalapit na kaibigan at empleyado para makisaya sa kanilang magkakapatid. Hinayaan nilang isama ng mga ito ang kani-kanilang pamilya para makapag-enjoy din ang mga bata.
Pagkatapos ng kainan, agad nang pinalibutan si Clarice ng mga babae, lalo na ng mga teenager. Even the employees’ housewives approached her. All were eager to have her autograph and their pictures taken along with her. And she was patient. Pinagbigyan nito ang lahat ng mga tagahanga nito. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito habang kausap ang mga iyon. Kahit ang mga tauhan nilang lalaki ay nakipila din. Pagkatapos niyon, nakipaglaro pa ang dalaga sa mga bata. It was obvious that she was very fond with the kids seeing how she could laugh while listening to their stories and watching them imitate her signature walk. Kanina ay tinuruan pa nito ang mga bata ng tamang pag-pose sa camera.
Alano was glad to see Clarice having fun, too. They had been officially together for more than two weeks now. Pero may mga oras pa ding pakiramdam niya ay may mataas at makapal na pader na nakapagitan sa kanila. Sometimes, she would appear so distant. May mga gabing nahuhuli niya itong nakatingala sa langit na para bang napakalalim ng iniisip habang may lungkot na nakarehistro sa mga mata. He knew that Clarice had not gotten over with what happened to her family and he was desperate to help her but she was not seeking for his help. She refused to talk about it and he also refused to keep pushing his luck for fear of losing her.
There were moments when Alano would feel like he was walking on eggshells around her. But he was not complaining. He was willing to deal with anything as long as he could be with her. Nakahanda din siyang maghintay hanggang sa dumating ang araw na kusa nang mag-open-up ang dalaga. Heck. Hindi niya inakalang darating siya sa ganitong punto ng buhay niya na dadagain ang dibdib niya nang dahil sa isang babae, na matatakot siya nang ganoon katindi na mawala ito sa buhay niya.
“Miss Clarice!”
Napukaw ng isang batang lalaki ang atensiyon ni Alano nang patakbo itong lumapit sa girlfriend niya. May hawak itong pinitas na makukulay na bulaklak na hinihingal pang inabot nito sa dalaga. The starstruck little boy looked like he was about eight to nine years old.
“These are for you.” Narinig niyang sinabi ng bata.
Matamis na ngumiti si Clarice at tinanggap ang mga bulaklak kasabay nang marahan na paggulo sa buhok ng bata. “You are so sweet. Thank you, young man.”
The little boy’s eyes shone. “I like you. Wait for me, Miss Clarice. Don’t marry my father’s boss. I am going to grow up really quickly and marry you one day. I promise I will be richer than him when I grow up.”
Nagtawanan ang mga nakapaligid sa mga ito na para bang naghihintay din ng isasagot ni Clarice. Nang hindi na mapigilan ang sarili, tinapik niya ang balikat ng empleyado na kausap bago ito tinalikuran. Humakbang siya palapit sa sentro ng atensiyon nang mga oras na iyon. Inalis niya ang kamay ng batang lalaki na mahigpit na nakahawak sa kamay ng girlfriend niya saka binuhat ang bata pabalik sa nagmamasid na mga kalaro nito sa isang tabi.
“You are a bad kid, do you know that? Kakaribalin mo pa ako.” Kunwari ay nakasimangot na sita niya sa bata.
Namula ang mga pisngi ng bata. Siniko siya ni Clarice sa tagiliran nang tumabi siya rito at inakbayan ito. “Stop that, Alano. He’s just a kid.”
He shrugged. “I know. But what can I do? I told you I’m territorial.” Nilingon niya ang bata. “Don’t steal my woman away from me, kiddo. You can’t marry her. I won’t allow it. But if you promise to be a good boy, if you promise to study hard,” Kumindat siya. “Then you can marry our future daughter instead.”
Napasinghap ang mga naroon bago malakas na naghiyawan at nagpalakpakan.
“Did you just propose to our supermodel here, Boss?” Anang secretary niyang si Leo.
“I think I just did.” Pilyong ngumiti si Alano kasabay ng pagharap kay Clarice na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya. She looked so adorable that he was tempted to kiss her right there and then. “Why do you look so surprised? The moment that I realized I love you was the same moment when I began thinking about settling down. I don’t have the ring with me now but I’m serious about you, Clarice. And for the sake of the brokenhearted little boy, we have to hurry in making our first baby.”
Tinampal ng dalaga ang kanyang dibdib. “You’re making fun of me again.”
Sumeryoso na siya. “I’m not.”
“But we just started dating and-“
“Calm down.” Idinaan ni Alano sa tawa ang nerbiyos na naramdaman. “You don’t have to answer right away. The babies can wait.” Biglang kambiyo niya sa pag-aalalang bigla siyang tanggihan ng dalaga. Hinagkan niya ang noo nito saka bumulong sa tainga nito. “Right now, I just want you to know that there is no other woman that I would want to marry aside from you, baby, so please… please reconsider.”
“WHO would have thought that a day like this would happen, Boss? Hindi namin inakalang magseseryoso ka sa isang babae. Naalala n’yo pa ba nang ilang beses na may halos magkakasunod na sumugod na mga babae sa office? They were all demanding to see you, Boss. You were in the middle of a meeting then. Ang dami ng empleyadong humarang sa mga babae pero natagalan pa rin bago namin sila napapayag na umalis. But Agatha stayed, she was crying so much.”
“Who’s Agatha?”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan