Login via

The Fall of Thorns 2: Austin McClennan novel Chapter 17

ISANG malakas na sampal ang bumungad kay Austin pagpasok sa master’s bedroom, ang magiging kwarto na nila ng asawa simula sa araw na iyon habang hindi pa natatapos ang ipinapatayo niyang bahay nila. Nag-iwas siya ng tingin kay Maggy nang makita ang pagrehistro ng pinaghalo-halong sakit, galit, at pangangastigo sa mga mata nito. It wasn’t so hard to guess that she now knew the truth.

At least it happened after the wedding, mapaklang naisaloob niya.

Hinanap ni Austin si Maggy sa ibaba nang sa wakas ay pakawalan na siya ng mga kapatid. Nang lapitan niya si Alano para kausapin ay pinakiusapan niya ang huli na ihatid na muna pabalik sa Olongapo ang mga magulang at kinabukasan ay nangako siyang susunod din kaagad para doon na harapin ang ina.

He was so scared that seeing his parents, most especially his father, would trigger some of Maggy’s memories. Lalo pa at damang-dama niya ang namuong tensiyon sa katawan ni Maggy nang makita nito ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang huwag na munang ipaalam sa mga magulang ang tungkol sa kasal. Malalapit lang na kaibigan sa negosyo ang inimbitahan ni Austin. Ang buong akala niya ay magtatagal pa sa planta ang panganay na kapatid ayon na rin sa sinabi nito noong tawagan niya kaya kampante siyang ituloy ang kasal sa mansiyon para na rin sa kaligtasan ni Maggy.

But Ansel came back the other day. Nawala rin ito kaagad nang malaman ang tungkol sa kanyang kasal. Iyon pala ay pinuntahan nito ang kanilang mga magulang sa Olongapo at sinundo. At kani-kanina lang ay nilapitan siya ng kapatid at kinastigo sa pamba-bypass umano niya sa kanilang mga magulang. Pinalabas niya na lang na para na rin sa seguridad ng ama kung bakit hindi niya pinaluwas ang mga ito dahil ilang beses nang nakatanggap ng death threats ang kanilang ama bago pa man nila ito itago sa publiko, isang excuse na kahit paano ay kunot pa rin ang noong pansamantalang tinanggap ni Ansel.

“Naaalala ko na ang lahat ngayon. Bakit, Austin? Bakit mo ginawa ‘yon?” Pumiyok ang boses ni Maggy kasabay niyon ay pinagsusuntok siya nito sa kanyang dibdib.

Tinanggap ni Austin ang galit ng asawa, matagal niya nang inihahanda ang sarili sa bagay na iyon. Pero hindi niya naihanda ang sarili sa sakit na nakikita sa mga mata nito.

“Hindi pa ba sapat ang mga kasalanan ng ama mo sa pamilya ko para dagdagan mo pa ng mga panloloko mo? And then came the stupid wedding. Damn it, Austin! How dare you take advantage of the situation?”

Pinigilan na niya ang mga kamay ng asawa nang magsimula itong magwala. Sa ginawa ay napansin niya ang mga daliri nito. Parang tinusok ng patalim ang dibdib niya nang hindi na makita ang singsing nito roon, singsing na kanina lang ay buong saya niya pang isinuot sa asawa.

“Tell me the damn truth! I need to know that at least before I leave!” Humagulgol si Maggy. “Bakit ang sama-sama ninyong mag-aama? Ano ba’ng kasalanan namin sa inyo? You are just as cruel as your father!”

Maggy’s every tear broke his heart. Hell. Ano nga bang rason ang ibibigay niya rito? Na natakot siyang mawala ito sa buhay niya? Na dahil sa pagmamahal kaya niya nagawa iyon? Suddenly, it hit him. Tama si Maggy. He was probably just as cruel as his father. Inilayo niya ang asawa sa kapatid nito, sa mga tao at bagay na pwedeng makapagpaalala rito ng tungkol sa nakaraan nito.

“I just wanted to show you life’s other side,” halos pabulong na sagot ni Austin pagkaraan ng mahabang sandali. “Na mula sa pagiging estranghero’t estranghera ay nagkakilala tayo at minahal natin ang isa’t isa. The things I showed you when you suffered from amnesia, those were supposed to be how things about us would flow had my father not ruined everything. We could have gotten married and have our own happy ending.

“It’s crazy but I just wanted to show you what could have happened to us if you didn’t leave that morning, if you chose to forgive. Nagmamahalan naman kasi talaga tayo, Maggy.” Nagsimulang mag-init ang mga mata ni Austin. “I’m sorry. Sabihin mo nang masama ako pero ginamit ko ang pagkakaroon mo ng amnesia para masolo kita nang walang Benedict na nakapagitan sa ating dalawa.”

Sa wakas ay unti-unting tumigil si Maggy sa pagwawala pero dinig na dinig niya pa rin ang impit na pag-iyak nito.

“Walang apelyidong mahalaga, walang nakaraan na nakakasakit, walang mga magulang na nadawit at nasaktan. I tried my damnest to create ourselves a fairy tale because I know, once your memories come back, our real story will happen. You would leave despite our love and we’d separate ways again, never knowing what could have happen if we didn’t.”

Kumawala si Maggy mula sa pagkakahawak ni Austin. Nanghihinang naupo ito sa kama. “I hate you,” bulong nito sa basag pa ring boses pero naglaho na ang diin doon. “I hate you so much.”

“I know and I love you, Maggy,” sagot ni Austin sa kabila ng tumitinding sakit sa kanyang sistema. “I love you so much.”

PATULOY pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Maggy. May bahagi sa kanya ang nauunawaan na kahit paano ang ginawa ni Austin. Nadagdagan ang hapdi sa kanyang puso. Tama ang asawa. Ang mga nangyari sa kanila sa nakalipas na mga buwan, ganoon dapat ang natural na takbo ng relasyon nila kung hindi lang dahil sa panirang nakaraan.

Ang kilig na naramdaman niya noong wala pa siyang maalala, ang saya sa kanyang puso noon, iyon ang ikalawang mukha ng pag-ibig, kabaliktaran sa nakikita nila ngayong puro pait at pasakit sa realidad.

Nang mahalin ni Maggy si Austin sa kabila ng amnesia niya, para siyang nabuhay uli. Bumalik siya sa pagiging bata, bumalik din ang dati niyang disposisyon sa buhay. He made her suddenly yearn for her old self. Lahat ay magaan. Even with the missing pieces in her life, each day back then was filled with hope and with her love for the man that she was not supposed to have.

Ang buong akala niya noon ay tapos na siya sa kanyang pagluluksa pero hindi pa pala. Dahil mula nang mapasuko ni Austin ang puso niya ay walang-hanggang pagluluksa na ang naramdaman niya. It felt almost a tragedy, a different kind. Damn it, she felt like Juliet in Shakespeare’s story.

“I am so, so, sorry, sweetheart.” Lumuhod sa harap ni Maggy si Austin at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad na nakapatong sa kanyang mga hita. “Masama ba na maghangad ako ng kakaibang buhay at kwento para sa ating dalawa? Masama bang hangarin ko na maging masaya tayo pansamantala?”

Chapter 17 1

Chapter 17 2

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan