Three months later
Nevada, USA
“WE CAN keep fooling ourselves or we can keep trying so hard to work this out, Maggy. You choose. Dahil kung ako lang ang mamimili, hindi na kita pakakawalan uli. Handa akong magbulag-bulagan kahit na alam kong tuwing kasama mo ako, sa ibang tao napupunta ang isip at puso mo.”
Mula sa nilalaro lang na pagkain sa kanyang plato ay nag-angat ng mukha si Maggy at pinagmasdan ang anyo ni Levi. Mula nang bumalik siya sa Nevada ay gusto na rin nitong bumalik sa buhay niya. Kasalukuyan nang ipinoproseso ang divorce nito kay Denise. Hindi nag-work out ang marriage nito. Anuman daw ang gawin ni Levi ay hindi na nito kayang lokohin pa ang sarili dahil siya pa rin daw ang mahal nito.
“Something happened to us while I was drunk. Isang araw, sinabi niya na lang sa akin na buntis siya kaya kinailangan ko siyang pakasalan. She was my friend, after all. Palagi siyang nandiyan. She was constant in my life… unlike you. I made myself believe that I love her,” naalala niyang paliwanag pa ni Levi sa kanya halos tatlong buwan na ang nakararaan.
“You can call me a jerk but I was thinking about you on our wedding day. Hanggang sa isang araw, nalaman kong hindi pala talaga totoong buntis si Denise. Mahal niya raw ako kaya niya nagawa ‘yon pero hindi ko na magawang pakisamahan pa siya. Dahil ikaw talaga ang mahal ko, Maggy.” Bumakas ang sincerity sa mga mata ni Levi. “And I knew whether you come back to me or not, she and I just had to part ways. I was just waiting for you to come back… from your mission.”
Hindi na rin alam ni Maggy kung ano ang iisipin. Pumapayag lang siya na lumabas-labas kasama si Levi para ma-distract niya ang sarili kahit alam niyang mali iyon. Kung ito ay pinoproseso na sa korte ang divorce, siya naman ay nananatili pa ring nakatali kay Austin.
Nagpadala na siya ng abogado sa Pilipinas ilang araw matapos niyang makabalik sa Nevada. Dala ng abogado ang pirmado niya nang annulment papers pero nagmatigas umano si Austin. Hinding-hindi raw ito makikipagtulungan sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal. Bumuntong-hininga siya.
Wala siyang mapagsabihan ng mga saloobin dahil isang linggo matapos nilang makauwi nina Radha at Yalena sa Nevada ay bumalik ang huli sa Manila para umano sa misyon nito. Hindi ito nakinig sa kanya nang pigilan niya. Ipinakita niya na sa kapatid ang mga papeles na nagsasaad ng paglilipat sa kanya ni Austin ng shares nito sa McClennan Corporation.
Ipinadala iyon ni Austin sa abogada niya dahil nakalimutan niya raw iyong dalhin sa kanyang pag-alis noon. Pero hindi nakontento roon si Yalena. Her sister wanted more… more than the company shares, more than the money and more than the properties Austin was willing to offer. She wanted Benedict.
Kahit nakita at nalaman na ni Yalena ang kalagayan ng matandang lalaki nang magpunta ito sa kanyang kasal ay wala itong pakialam. Hindi niya na alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kakambal dahil hindi niya na ito nakausap pa. Nang huli itong tumawag may dalawang buwan na ang nakararaan ay para ipaalam lang sa kanya na nadakip na ng mga kinauukulan sa Pilipinas si Lester.
Wala nang communication pa si Maggy kay Clarice. Ayaw niyang makibalita rito tungkol sa mga pangyayari sa iniwang lugar. Hiningi niya lang sa kaibigan gamit ang electronic mail ang ginawa nitong reports sa nakalipas na mga buwan na ito ang nag-asikaso ng YCM. Nang ipadala iyon ni Clarice sa kanya ay hindi niya na ito sinubukang kausapin pa. Iniiwasan niya na munang magkaroon ng kaugnayan dito. Ang kinikita ng YCM ay dumederetso na lang sa bank account nito.
Sa ngayon, ang gusto niya na lang ay ang makalimot. Pero ilang beses niya mang lunurin ang sarili sa pagtatrabaho, hindi niya pa rin magawa iyon.
“I have no right to choose, Levi,” sa wakas ay sagot ni Maggy. Sa ilang sandali ay napuno ng pagsisisi ang puso niya. Kung hindi sana siya umalis noon, sila siguro ni Levi ang ikinasal at masaya ngayon. Hindi na sana niya nakilala pa si Austin. Hindi na sana siya nagmahal pa ng iba. Pero huli na. Bukod doon ay duda rin siya kung papipigil ba siya kay Levi noon na umalis kung sakali mang hindi sila nagkahiwalay at hindi ito nagpakasal sa iba.
Isa pa ay kakaiba ang nararamdaman ni Maggy para kay Austin. And she knew that even with the knowledge of Levi waiting for her, she would still have fallen for Austin. Mabibigo pa rin siya sa kanyang misyon. Ang consolation na lang niya ngayon ay ang katotohanang sinubukan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang.
Pareho na sila ngayon ni Clarice na may kontrol sa McClennan Corporation. Si Ansel na lang ang hindi pa nakakaalam ng tungkol doon. Kung ibebenta lang nila ni Clarice ang shares nila ay walang dudang magkakapera sila nang husto pero hindi nila kahit kailan gagawin iyon. That was their family’s legacy.
Ang kanilang mga ama ang orihinal na nagtayo ng malaking bahagi ng kompanya. And by keeping in touch with the company, they can somehow keep in touch with their fathers’ memories. Sa ngayon ay nasisiguro ni Maggy na si Austin ang pansamantalang umuupo sa puwesto niya roon para hindi mabuko ni Ansel ang katotohanan, katulad na rin ng nakapaloob sa maikling note na isinama ni Austin sa mga dokumentong ipinadala nito sa kanya sa pamamagitan ng abogado niya.
Alano and Austin wanted Ansel to find out the truth on his own. Sa tatlong magkakapatid, ang huli ang mas tumitingala sa ama ng mga ito. Ansel seemed to be his father’s avid fan. Ayon na rin sa nakalap ni Radha na impormasyon noon ay ang panganay na McClennan daw ang notorious na pinakamahirap kalabanin na negosyante. People tagged him as the shark in the business world. In short, Ansel was dangerous.
But then again, with rage as Yalena’s number one motivation, who was also their father’s number one admirer, the latter could be as dangerous as well.
Muling bumuntong-hininga si Maggy sa naisip. “Wala tayong kailangang i-work out dahil hindi naman tayo. I’m sorry, Levi.” Nagbaba siya ng mga mata nang makita niya ang pagguhit ng kirot sa gwapong mukha ng lalaki. “I may not have the ring on my finger right now but I’m still married unless Austin decides to cooperate in our annulment.”
“We could find a way.” Sa kabila ng lahat ay sinabi pa rin ni Levi. “I could talk to him.” Inabot nito ang kamay ni Maggy na nasa ibabaw ng mesa. “Baka closure lang ang kailangan n’yo pareho. Baka ‘yon ang dahilan kaya nahihirapan kang buksan ang puso mo para sa akin.”
“Hindi ko alam, Levi. Hindi ko na alam.”
Bago umalis si Yalena ay inisa-isa na muna nito sa kanya ang mga grounds for annulment. Yalena said she can use fraud against Austin or mental illness which was even worse. Madali na raw palabasin ang bagay na iyon. Ito na daw ang bahala basta sumang-ayon na lang siya. Pero hindi niya kayang gawin iyon, hindi sa lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari pa rin sa puso niya. Ayaw niyang umabot pa sa korte ang lahat at dungisan ang magandang pangalan ni Austin. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay ayaw niyang lalo itong masaktan nang dahil sa pagsasampa niya ng kaso.
“I’m really sorry but I think I have to leave now.” Bumitaw si Maggy mula sa pagkakahawak ni Levi pagkatapos ay walang lingon-likod nang naglakad palayo sa restaurant na iyon. Pero bago iyon ay ipinaalala niya sa sarili na hindi na siya muli pang makikipagkita sa binata. Ayaw niya na itong paasahin pa sa isang bagay na walang kasiguruhan.
Dahil coding ang kotse niya sa araw na iyon ay nagmamadaling pumara na lang siya ng taxi. Nang makasakay ay napapagod na ipinikit niya ang mga mata. Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto ng sasakyan. Naramdaman niya ang pag-upo na iyon ng kung sino sa kanyang tabi.
Her senses immediately activated. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang pabangong nalalanghap. Nagmulat siya ng mga mata. Umawang ang bibig niya nang malamang hindi nga siya nagkakamali. The man beside her was really… Austin.
“No matter how much you hate me or my family, the fact still remains. Mag-asawa pa rin tayo, Maggy,” pormal ang anyong pagbirada ni Austin nang umandar na ang taxi. “That’s why you have no right to date anyone else but me.”
“Excuse me for a while,” anang driver na mukhang may lahi ring Pinoy base sa anyo at sa matigas na pananalita nito ng sinabing Ingles. “Where to?”
“Just keep driving and never let anyone else in. I’ll just pay you afterwards,” ani Austin bago nito muling binalingan si Maggy. “Damn it, sweetheart. Gustong-gusto kong magalit sa `yo ngayon. You didn’t know the hell I’ve been through the past months only to catch you here dating your ex.” Nagtagis ang mga bagang ni Austin. “But heck, I miss you so much.”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan