“WOW, NAWALA ka nang halos isang buwan. And now you’re saying that you’re getting married and that you’re pregnant? That was… fast,” gulat na sinabi ni Maggy kay Radha.
Pinuntahan siya nito sa opisina niya at niyayang sumama rito sandali. Dahil tapos naman na ang mga gawain niya roon ay nag-undertime na lang siya at sumama na rito. Tutal ay matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita at nakakapag-usap ng kanyang sidekick.
Radha was blooming. Kabaliktaran sa nakita ni Maggy na itsura ng babae noong sunduin siya nito at ni Yalena sa mansiyon ng mga McClennan noon. Puno ito ng guilt noon sa nangyari sa kanya. Paulit-ulit nitong sinisi ang sarili kahit na noong panahong naibalik na sa kulungan sa Nevada ang dating live-in partner nito. Pero ngayon ay mukhang maayos na ito.
Bago nagpaalam sa kanya noon si Radha ay siniguro na muna nito na tapos na ang mga ipinapagawa niyang researches. At ngayon nga ay gusto na daw nitong tumigil sa pagtatrabaho para mapagtuunan ng pansin ang magiging pamilya nito. Marami na ring pinagdaanan si Radha. Maggy knew that it was wrong to feel envious but she just could not help feeling that way. Pilit na binalewala niya ang negatibong nararamdaman.
“So, who’s the lucky guy?” tanong ni Maggy habang nagmamaneho ito.
“Si Baron, Ma’am. Nakilala ko siya dahil sa inyo.” Sinulyapan siya ni Radha at mayamaya ay nangingislap ang mga matang nginitian siya. “Siya ang may-ari ng bar kung saan kayo unang nagkita ni Sir Austin, Ma’am. Siya rin ang pinagkuhanan ko ng ilang mga impormasyon tungkol kay Sir.” Tumawa ito. “Utang ko sa inyo kung bakit ko siya nakilala, Ma’am. Kung hindi ninyo ako inilayo sa buhay ko noon, kung hindi ninyo ako binigyan ng trabaho, wala sana ako dito ngayon. Hindi sana ako ganito kasaya ngayon.”
Natigilan si Maggy. Ano ba ang dapat niyang sabihin sa mga ganoong pagkakataon? How should someone as miserable as her respond to other people’s happy remarks about their lives?
“Iyon ang dahilan kaya gusto kong ibalik ang pabor, Ma’am. Gusto ko rin kayong makitang masaya.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Radha sa muli niyang pananahimik. “`Baba na tayo, Ma’am. May gusto akong ipakita sa inyo.”
Muling natigilan si Maggy. Ni hindi niya namalayan na huminto na pala si Radha sa pagmamaneho. Bumaba na ito ng kotse. Nasorpresa siya nang makitang sa simbahan sila papunta. Sa loob ng ilang sandali ay nanigas ang kanyang mga binti. Tinalikuran niya na ang Diyos noon pero hayun siya ngayon at nasa kaharian Nito. Mariing kinagat niya ang ibabang labi. Can she dare make it inside the church without burning?
“Ma’am, pumasok na tayo.” Nanlamig ang mga palad ni Maggy nang bigla na lang siyang hilahin ni Radha papasok sa simbahan. “Dito ko gustong magpakasal,” para bang puno ng pag-asang sinabi pa nito. “At dito ko gustong makapag-usap tayo nang masinsinan.”
Walang katao-tao sa loob ng simbahan.
“D-dito na lang… t-tayo,” mahinang sinabi ni Maggy at naupo na sa huling hanay ng mga upuan na unang bumungad sa kanya sa pagpasok niya roon. She needed to rest her knees badly.
Sa isip ay parang bigla niyang narinig ang sermon ng kanyang mga magulang.
“MAGGY, gumising ka na. Mahuhuli na tayo sa misa,” naalala niyang sinabi ng ina habang pilit na ginigising siya noon. “Come on, honey. Get up.”
Nagkunwari si Maggy na walang narinig sa halip ay nagtalukbong pa ng kumot. Inaantok pa siya. Nagbabad siya sa telepono noong nagdaang gabi sa pakikipagkwentuhan kay Clarice. Dahil maagang natulog ang kakambal ay si Clarice ang naging kakulitan niya. “Kayo na lang, Mom. Inaantok pa po ako at—”
“Our Lord God died for us, Maggy and the least we could do is—”
“I know, I know.” Kahit namimigat pa ang mga talukap ay sinikap dumilat ni Maggy, mayamaya ay tuluyan nang bumangon. “The least we could do is to serve Him, believe in Him and live for Him.” Iyon ang paboritong linya ng mga magulang. Nakabisado niya na iyon sa katagalan sa kauulit ng mga ito tuwing pinagsasabihan sila ng kakambal tungkol sa pagsisimba.
“Good girl.” Malawak na ngumiti ang kanyang ina. Nagpunta ito sa kanyang closet at namili ng isusuot niya habang patuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Katulad nga ng sinabi ng Papa mo, hindi dapat dumating ang pagkakataong mananawa ka nang mabuhay para sa Kanya, na bibitaw ka sa mga pangako Niya. Because His plans are always better than us, honey. Everything that happened is all a part of His plan.”
Iniunat ni Maggy ang mga braso kasabay ng muling paghihikab. “Paano ang mga taong namatay dahil sa bagyo? Paano ang mga sundalong namatay dahil sa giyera? What about the ones who lost important people in their lives?” kunot-noo niyang tanong.
Napanood nila ni Yalena noong nakaraang araw sa telebisyon ang lumalagong bilang ng mga taong namatay sa kaaalis lang na bagyo sa bansa habang patuloy pa rin ang nangyayaring giyera sa ibang panig ng Mindanao nang mga sandaling iyon. “Is hurting people by taking away the love of their lives a part of His plan as well? But I thought He wanted to protect His children? Hindi kaya nagpa-powertrip ang Diyos, Mommy?”
“Maggy!” Nandidilat ang mga matang nilingon siya ng ina. “Ano ba’ng pinagsasabi mo, anak? When people are supposed to die, anumang pagtatago o pag-iingat ang gawin nila ay mamamatay pa rin sila. Dahil nangangahulugan iyon na tapos na ang misyon nila sa mundo. Pinoprotektahan ng Diyos ang Kanyang mga anak, iyon ang dahilan kung bakit buhay pa rin tayo ngayon. Pero kung oras na ng isang tao, wala na Siyang magagawa pa.”
Lumapit ang ina sa kanya at pinakatitigan siya. “Hindi nagpa-power trip ang Diyos. anak. Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may rason. So, if something happens, we should always try to figure His reasons why instead of leaving Him the moment the storm strikes.”
Hindi nagawang makasagot noon ni Maggy sa usapan nilang iyon ng ina. Pero ngayong naranasan niya na ang “bagyo” na sinasabi ng ina at naalala niya ang mga linya nito noon, hindi niya alam kung ano ang unang bagay na iisipin. Kung tunay ngang hindi nagpa-power trip ang Diyos at ang lahat ay may rason, kung ganoon ay ano ang posibleng rason sa likod ng bagyong sinapit ng pamilya niya noon?
Napatitig si Maggy sa imahen sa kanyang harap. What do You want me to realize? What was that storm all about?
“Ipinabibigay nga pala ito sa inyo ni Ma’am Clarice.”
Napasinghap si Maggy nang ibigay sa kanya ni Radha ang ilang photo albums. Bahagya mang kumupas ang kulay ay tandang-tanda niya pa rin ang mga iyon. Muntik nang magbuwis ng buhay ang kanyang ama para lang sa mga photo albums na iyon. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang kanyang puso. Napalunok siya nang mahawakan uli ang mga iyon.
“Na-recover ang mga ‘yan sa bag ninyo noong araw ng aksidente. Ma’am Clarice kept them and gave them to me when I went back to Manila last week to meet Baron’s family.”
“Kung hinayaan kong masunog na lang basta ang mga litrato, alaala na lang ang matitira sa atin, anak. And even memories fade. Besides, I want you and your sister to have them. I want you to remember our happy and solid moments together.” Nag-init ang mga mata ni Maggy nang maglaro sa isipan niya ang paalala na iyon ng ama noong gabi bago ito binawian ng buhay. “Kung sakali mang may mangyari, gusto kong balikan ninyo ni Yalena ang mga litrato natin para matandaan n’yo kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. Your smile in every pictures, sweetheart, I don’t want you to lose that, all right? Live your live, that is one of your mother’s wishes for you and Yalena. Maging matagumpay kayo. Be happy and stay as you are. Hold onto God and keep your hope and faith intact.”
Ilang sandaling natulala si Maggy. Bigla ang pagbuhos ng mga alaalang iyon sa kanyang isipan na para bang kahapon lang nangyari ang mga iyon.
Why… Why do I have to remember them now?
“Aminado akong hindi ko alam kung paano magre-react nang una kong malaman ang tungkol sa plano n’yo laban sa mga McClennan, Ma’am. Dahil sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa paghihiganti. I don’t believe we can find success or gain something from revenge. Determinadong-determinado kayo na pabagsakin ang isang tao kaya nanahimik ako. What could I do, anyway?” Pagbasag uli ni Radha sa katahimikan sa pagitan nila.
“Because of the plan, you were motivated to work harder every single day and that was good. But, Ma’am, didn’t you ever stop to wonder for a moment?” Nilingon siya ni Radha. “Kung itinuloy ninyo ang plano, kung nasira ninyo si Benedict o `di kaya ay nasaktan ninyo siya, ano na po ang ipinagkaiba ninyo sa kanya?”
“Hindi mo naiintindihan, Radha—”
“Come on. It was as simple as one plus one, Ma’am. Kapag nga naman namatay na si Benedict, bawi na kayo. Patas, kumbaga. Pero ano na pagkatapos? You will be a murderer; exactly like the man you hated the most. But God is good, Ma’am.”
Ngumiti si Radha. “He made you fall in love, eventually stopping the plan, stopping you from getting blood on your hands. You know what I think? Sa tingin ko ay hindi n’yo talaga minahal si Sir Levi dahil hindi niya kayo nagawang pigilan sa plano n’yo `di tulad ni Sir Austin, the man you obviously love and the man who loves you just as much.” Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Mahirap ang pinagdaanan ninyo at kahit kailan, walang kukwestiyon anuman ang magawa ninyo. Magulang ang ipinaglalaban n’yo rito pero iyon pong mga magulang n’yo, matagal nang wala. Matagal nang nananahimik kasama ng Diyos. You once said that for you, your parents were the greatest parents in the world.”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan