“YOU BETTER taste right, for crying out loud. I’ve been cooking you for hours!”
Hindi na napigilan ni Holly ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang nakakunot-noong anyo ni Aleron na nakaharap sa kalan. Maging siya ay nagulat sa ngiting iyon, ang kauna-unahan niyang ngiti pagkalipas ng walong araw na pananatili niya sa isla.
Sa buong durasyon ng pananatili niya roon ay puro si Aleron lang ang nagsasalita sa kanila. Ayon sa binata ay may dalawang caretaker roon pero pinauwi na muna nito dahil gusto nitong ito ang personal na magsilbi sa kanya, isang bagay na pinagdududahan niya ng husto dahil sanay itong ito ang pinagsisilbihan.
People have always treated Aleron as a king. Kaya simula nang magboluntaryo ang binata na maging alagad niya, wala pa siyang nailalagay sa sikmura niyang matinong pagkain. Parating magulo na parang dinaanan ng ipu-ipo ang kusina sa dami ng cook books roon na kung saan-saang bahagi roon nakalagay. Parati pang ngarag ang itsura ng binata. Mabuti na lang at puno ng mga prutas at tinapay sa kusina. Kapag ang mga luto ng binata na ang iba ay sadyang hindi makain ay sa mga prutas siya bumabagsak.
Aleron had been trying so hard to do things for her the past days but he failed in the cooking department. Tuwing umaga kapag lumalabas siya ng kanyang kwarto, kulang na lang ay latagan siya nito ng pulang carpet. He was always there to assist her. Ang binata ang siyang naglilinis, ang naghuhugas ng mga pinagkainan nila samantalang si Holly ay tinatanong na lang nito kung ano ang gusto niyang gawin.
Puno ng mga damit at gamit pambabae ang tinutuluyan niyang kwarto kaya wala siyang problema sa isusuot. Naalala niya noong mga unang gabi na namamahay siya roon at hindi makatulog. Hindi niya na kailangang sabihin pa iyon sa binata. Aleron could sense that.
May grand piano sa kwarto niya at gabi-gabi ay tumutugtog ang binata roon hanggang sa makatulog si Holly. Isa iyon sa mga ikinasorpresa niya. Noon niya lang nalamang marunong pala ang binata niyon. Ayon dito ay natuto lang ito mula kay Athan. Kahit paano ay naging magaan na ang pagkukwento nito ng mga bagay tungkol sa kapatid nito. Noon niya lang naalalang pareho pala sila nitong nawalan ng mahal sa buhay ng taon ding iyon.
So much had already happened in their lives in just a year. Dahil sa mga pangyayaring iyon kaya siya nagkakaroon ng masasamang panaginip. At sa tuwing nagigising siya mula sa mga iyon ay maaabutan niya si Aleron na nasa loob pa rin ng kanyang kwarto at tumutugtog. At malaki ang naitutulong niyon. Unti-unti ay nagagawang payapain ng musika nito ang takot sa puso niya. Aleron was one of the causes of her bad dreams but he tries to make it up for her simply by being there whenever she wakes up.
May signal rin sa isla. Hindi naging mahigpit kay Holly si Aleron. Lahat ng uri ng komunikasyon ay mayroon sa isla. Naiwan niya ang bag niya noon sa book store kung saan naroon ang kanyang cell phone kaya wala siyang kadala-dala sa isla. Naalala niya bigla ang mga readers niya. Ayon kay Aleron ay ang mga staff na nito ang nag-asikaso sa mga iyon.
Ang telepono roon ang ginamit niya para matawagan si Jazeel noong ikalawang araw niya na roon. Nag-aalalang ipinaalam nito sa kanya na bumalik na raw ang mga magulang niya sa Pilipinas nang malaman ng mga ito mula kay Mang Dante na nawawala siya. Kasalukuyan na raw siyang pinaghahanap ng mga ito. Ipinakiusap niya na lang rito na ito na ang magsabi sa mga magulang na ligtas siya at nasa maayos na kalagayan. Hindi niya na sinabi kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya. Pagkatapos niyon ay hindi na siya muling tumawag sa pinsan.
Hindi niya rin magawang tawagan ang mga magulang. Hindi pa siya handa. It would hurt to call her parents and hear the indifference in their voices. Sigurado rin na ipasusundo siya kaagad ng mga iyon sa oras na tumawag siya. At hindi niya rin alam kung paano ipaliliwanag kung nasaan siya. Bukod sa nasa Davao umano sila ni Aleron ay wala na itong iba pang binanggit na impormasyon sa kanya na para bang natatakot rin itong magpasundo siya. Ang siniguro lang ng binata ay babalik ang pag-aari nitong chopper na siyang naghatid sa kanila roon at susundo rin sa kanila pagkalipas ng dalawang linggo.
Muli niyang pinagmasdan si Aleron. One broken soul trying to heal another broken soul. How odd is that? Mayamaya ay natigilan si Holly nang makita ang pagngiti ng binata matapos nitong tikman ang niluluto nito. Huling-huli niya pa ang pagtingala nito na para bang nagdarasal.
“Thank you, divine ones.”
Lumawak ang pagkakangiti ni Holly. Napakasarap pagmasdan ni Aleron nang mga oras na iyon. Napakalakas rin muli ng naging pagtibok ng puso niya. Mabilis na napatalikod siya sa kusina kasabay ng paghawak sa dibdib. Aalis na sana siya roon nang mukhang nahuli na siya ni Aleron.
“Holly?”
Alanganin man ay humarap siya sa binata. Muli ay nakangiti ito sa kanya. Kitang-kita niya ang dimple nito sa kaliwang pisngi.
“I don’t mean to brag.” Itinaas ni Aleron ang isang kutsara kay Holly. “But do you wanna have a taste? Hindi na ako mapapahiya dito, pangako.”
Nagpaubaya si Holly. Lumapit siya sa binata at ibinuka ang bibig nang itapat nito roon ang kutsarang hawak nito. At tama ito. Masarap nga iyon. Calderetang baka iyon. Mabuti na lang at puno ng stock sa ref para sa mga experiment nito. Napatango-tango siya. “You’re right. Pwede na.”
“Just pwede na?”
Natawa si Holly. “Fine. It tastes good. Well, it was delicious, actually-“ Hindi niya na naituloy pa ang mga sasabihin nang bigla na lang sakupin ni Aleron ang mga labi niya. She was surprised to feel that sudden longing in her chest that she knew, only this man next to her can fill. God, she missed his kisses. Dahan-dahan niyang ipinaikot sa batok ng binata ang kanyang mga braso. Ipinikit niya ang mga mata. Naramdaman niya ang mga braso nitong pumaikot sa kanyang baywang. Pero saglit lang iyon. Agad ring bumitaw ang binata sa kanya. Nagmamadaling bumalik ito sa kalan at pinatay ang apoy niyon.
“Baka masunog.” Ani Aleron bago muling nilapitan si Holly at hinalikan sa mga labi. Bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg bago siya nito mahigpit na ikinulong sa mga braso nito. “Heck, sweetheart. I’ve missed you so much.” He whispered in a voice filled with agony.
So did I, Aleron. So did I. Pero nakulong ang mga salitang iyon sa lalamunan ni Holly. Natatakot na siyang magparating ng mga ganoong emosyon. Ilang ulit niya ng ginawa iyon noon. At hindi maganda ang kinahantungan niyon.
“PLEASE STAY. Please talk to me even for the last time, Holly.”
Patayo na sana sa couch si Holly nang marinig ang nakikiusap na boses na iyon ni Aleron nang gabing iyon. Nanonood siya ng telebisyon sa sala nang tumabi sa kanya ang binata. Simula nang may mamagitang halik sa kanila ilang araw na ang nakararaan ay lalo niya itong iniwasan. Natatakot siya sa nararamdaman. Alam niyang mahal siya ni Aleron, sigurado na siya sa nararamdaman nito.
Alam niyang kung sumugal man siya muli sa binata ay malaki na ang pag-asa niyang manalo. Pero takot na siyang sumugal. Permanente na yata ang takot na iyon sa puso niya. Tama ang binata, huling gabi na nila sa isla. Ayaw niya man ay alam niyang hahanap-hanapin niya rin ang dalawang palapag na bahay na iyon. It was such a beautiful house, even more beautiful in her eyes because every corner of it was filled with white and pink na para bang ginawa talaga para sa kanya iyon.
“I don’t know what to say.” Mahinang wika ni Holly pero mayamaya ay bumalik na rin sa pagkakaupo.
“Then, just stay.” Ani Aleron. Inabot nito si Holly at niyakap.
Tahimik lang silang nanood ng telebisyon. Hindi na siya mahilig manood kaya hindi pamilyar sa kanya ang teleseryeng pinapalabas. But it was entertaining. On The Wings of Love ang title niyon. Huling nanood siya ng telebisyon noong sila pa ni Aleron. At yakap din siya nito noong mga panahong iyon. Lahat ng mga ginagawa niya noon ay puno ng mga alaala ng binata kaya kahit ang simpleng panonood ay inihinto niya na nang maghiwalay sila.
Pareho silang natigilan ni Aleron nang marinig ang tula ni Rico, isa sa mga karakter sa palabas. Tungkol iyon sa sampung bagay na natutunan umano nito mula sa mga umiibig.
Comments
The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings