DEAR ALERON,
We have done so much for our relationship to work out. Siguro, panahon na rin para ang tadhana naman ang kumilos kung sakali ngang tayo ang para sa isa’t isa. Dad made me choose. Hindi ko na hawak ang mga sumunod na nangyari. I was torn between you and my family. Pero hindi nangangahulugang dahil wala ako sa tabi mo ngayon at sila ang pinili kong samahan ay hindi na kita mahal. I just needed to fix my relationship with my family first. Kunin na rin natin itong panahon na ito para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin.
Naniniwala ako na hindi mangyayari ang mga bagay kung hindi nakatakda. Parang tayo lang. In this random world, sino bang mag-iisip na magmamahalan sina Athan at Hailey? Sino bang mag-iisip na ang dalawa palang iyon ang magiging tulay natin para magkakilala? Naniniwala akong hindi nagkataon lang ang lahat. I do believe in our story, Aleron. I will always hold on to us wherever I go. And I also believe that the next time we meet, things will be in their rightful places.
Until the right time,
Holly
Nag-init ang mga mata ni Aleron matapos mabasa ang iniwang sulat ni Holly. Ayon sa driver niya na si Nick na siyang nagbantay sa kanya sa ospital ay apat na araw daw siyang unconscious. Pareho silang walang malay ni Holly nang isugod daw nito sa ospital. Ayon kay Nick ay hindi agad sila nito nadaluhan ni Holly dahil nakipagpambuno pa ito kay Romulo, ang dating live-in partner ng kanyang ina.
Natuklasan niya ring pulis si Romulo na kasalukuyang suspendido dahil nahaharap rin ito sa kasong may kaugnayan sa pagbebenta ng droga. Kung hindi daw tinulungan ng gwardya ng sementeryo si Nick laban kay Romulo, malamang ay nag-agaw buhay rin ang driver niya. Ang gwardya ang siyang nakapatay kay Romulo.
Pareho sila ni Holly na nagawang makaligtas mula sa kapahamakan. Luckily, none of the bullets pierced a vital organ or major blood vessels in their bodies. Matagumpay ang naging surgery nila ni Holly. At noong nakaraang araw pa umano naunang nagkamalay ang dalaga. Ayon kay Nick ay nagawa pa siyang bisitahin ng huli sa hospital room niya para personal na ihatid ang sulat nito bago ito lumabas ng ospital kasama ng mga magulang nito.
Napahugot si Aleron ng malalim na hininga. Nang magising siya ay si Holly agad ang una niyang hinanap. Nang malaman niyang buhay at ligtas ang dalaga ay ganoon na lang ang saya niya. Pero nang matuklasan niyang umalis ito na ni wala man lang pasabi kung saan niya matatagpuan ay agad ring inagaw ng tadhana ang saya niya.
Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Nabuhay ang pag-asa sa puso niya. Baka bumalik si Holly. Pero nabigla siya nang imbes na ang nobya ay ang ina ang iniluwa ng pinto. Lumuluhang sinugod siya nito ng yakap.
“Patawarin mo ako, anak!”
Naipikit ni Aleron ang mga mata. Bigla ay pumasok sa isip niya ang nilalaman ng sulat ni Holly. Kunin na rin natin ang panahon na ito para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin. Tama ito. Kailangan siguro talaga muna nilang maghiwalay para mabigyang halaga ang mga nabinbing bagay sa mga buhay nila na matagal na dapat nila nabigyang solusyon kung hindi lang sila inatake ng takot na sumubok sa ikalawang pagkakataon. Pero sumugal siya kay Holly. Bakit hindi siya susugal para sa sariling ina?
Aayusin niya ang lahat para sa pagbabalik ng babaeng pinakamamahal, handa na siya. This is for you, Holly.
FOUR months later…
“No, I’ve never seen nothing like you. No one else makes me feel like you do. I’ve searched across the universe. I’ve seen so many things so beautiful, it’s true. But I’ve never seen nothing like you…”
Pakiramdam ni Holly ay nasa loob siya ng isang panaginip habang naglalakad palapit kay Aleron na nasa dalampasigan nang mga sandaling iyon habang tumutugtog sa grand piano at umaawit. Ang kulay dagat na mga mata nito ay nakatutok lang sa kanya. Lahat ng sama ng loob niya noon, bawing-bawi ngayon. Nakasuot ng long sleeves polo ang binata na kakulay ng suot niya: puti. Pero kahit isa ay walang nakabutones sa suot nito kaya gaya ng unang pagkikita nila, hantad na hantad sa kanyang mga mata ang malalapad nitong dibdib.
Lahat, nang mga sandaling iyon ay parang eksenang hinugot mula sa isang pelikula. Wala siyang nakikitang hindi maganda mula sa papalubog na araw, sa asul na asul na dagat na sa tuwing tinitingnan niya ay naaalala niya ang mga nakangiting mata ni Aleron, sa musika, sa bilog na mesa hindi kalayuan kay Aleron na sadyang inayos para sa dalawa, sa mga nakakalat na pula at puting petals sa buhanginan hanggang sa mismong lalaking tumutugtog sa harap ni Holly.
Pagkagising niya nang hapong iyon ay nagulat pa siya sa dalawang babaeng nabungaran niya. Mag-ina ang mga iyon na nagpakilalang Renata at Liza. Sa kalaunan ay nalaman niyang caretaker pala ang mga iyon sa isla. Ibinigay ng mga ito sa kanya ang isang puting long gown at mga bulaklak na siyang suot at hawak niya nang mga oras na iyon. Iyon na ang huling gabi nila sa isla. Tapos na ang dalawang araw na extension ng pananatili nila roon. Kinabukasan ay kailangan na nilang humarap at magpaliwanag sa kanyang mga magulang.
“Been all around the world. ‘Seen everything from the North, South, East, West but I’ve never found someone with your heart of gold. From Paris to Rome to places I’ve never known, nothing felt as right as you and I. And I never wanna let you go…”
Nangingislap ang mga matang napangiti si Holly. Busog na busog ang imahinasyon niya. Noon na lang iyon gumana matapos ang matagal-tagal ring pamamahinga. Sandaling ipinikit niya ang mga mata. She welcomed the feeling of being inside a dream. Buhay na buhay ang dugo niya. And she knew, the writer in her was back. Emily Reed was finally back. Nagbalik na ang nawalang pagkatao niya.
Pero natigilan siya nang bigla ring maglaho ang musika pati na ang boses ni Aleron. Agad na napadilat siya. Sumalubong sa kanya ang nakaupo pa ring anyo ng binata sa likod ng grand piano. Nakatitig na lang ito sa kanya. His eyes were filled with awe. Kumunot ang noo ni Holly. “May problema ba?”
“I’ve never really seen nothing like you, Holly. I can’t believe you’re really back in my life for good.” Sa halip ay sagot ni Aleron. “Akin ka na ba talaga uli?”
Napailing na napangiti si Holly. “Kung makapagsalita ka, para namang prinsesa ang nasa harap mo. Ako lang ‘to. Writer. Generic. Madaling makita. Maraming gaya ko na hopeless romantic at saka-“
“Wag mong nila-‘lang’ ang babaeng mahal ko. Nakakainsulto ka.” Tumayo si Aleron at lumapit kay Holly. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Ayokong minamaliit mo ang sarili mo, Holly. Kung maraming gaya mo, ‘di sana wala nang nagloko. When you smiled earlier, you know what I realized?”
“What?”
Comments
The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings