“BROTHER, I want you to meet the real Holly Lejarde, the love of my life, the sun in my day and the soon to be queen of the Williams Prime Holdings Incorporated and-“
“Tama na. Sobra-sobrang titulo na ‘yan.” Nangingiting putol ni Holly sa mga sasabihin pa sana ni Aleron. Mula sa lapida ni Athan ay bumalik ang mga mata niya sa mukha ng nobyo. Nahuli niya itong nakatitig rin sa kanya. She was overwhelmed by the sparkle in his blue eyes. Hindi niya alam na magiging posible pa pala ang ikalawang pagkakataon para sa kanila. Hindi niya rin inakalang ito ang magbabalik ng ngiti sa mga labi niya.
Na-missed niya rin ang ngumiti, ang gumising sa umaga na puno ng saya ang puso niya, ang matulog sa gabi na kampante at hindi mag-aalala o matatakot para sa susunod na araw. Na-missed niya ang magmahal. Na-missed niya ang magaan na pakiramdam na iyon sa puso niya. Matapos nilang magkasundo sa wakas ni Aleron ay nanatili pa sila ng dalawang araw sa isla bago nagpasundo ang binata sa chopper. Lumapag iyon sa helipad ng mansyon ng pamilya ng binata kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ni Holly ang lugar kung saan lumaki si Aleron. Inikot na muna siya nito roon.
Nabigla pa siya nang makita ang malaking portrait niya sa sala roon pati na sa kwarto ni Aleron. Kaya pala ganoon na lang kalapad ang mga ngiting isinalubong sa kanya ng mga kasambahay roon ay kilala na siya ng mga ito. Hindi man sa pangalan kundi sa mukha dahil hindi naman daw likas na palakwento ang binata ayon sa mayordoma roon. Natuwa pa ang mga itong sa wakas ay dinala na raw siya ni Aleron roon.
Kahit ang mansyon roon ay mayroong kombinasyon ng pink at puting mga kulay. Lumawak ang pagkakangiti ni Holly. Napakadali nang ngumiti ngayon. She wanted to believe that the worst part of their relationship was over. Matapos nilang maglibot sa mansyon ay dumeretso sila sa sementeryo para bisitahin sina Athan at Hailey. Nauna na nilang dinaanan ang kakambal niya. Pagkatapos niyon ay ihahatid na siya ni Aleron sa mansyon ng kanyang mga magulang para ipaliwanag na rin daw ang panig nito at pormal na makahingi ng tawad sa mga nangyari noon.
Sobra kung bumawi ngayon ang binata. Kahit sa biyahe nila kanina ay hindi nito binitiwan ang palad niya. Nagsama pa ito ng driver sa kotse para solo umano nila ang backseat.
“I’m going to work hard for your parents to accept me again, Holly. Hindi ako titigil. Liligawan ko sila araw-araw hanggang sa makuha ko uli ang approval nila.”
“Our case is different, Aleron. Pero wala namang perpektong tao kaya wala ring perpektong relasyon. Maiintindihan at tatanggapin ka rin nila. Siguro hindi man ngayon, hindi man kaagad but I know one day, they will.” Isinandal ni Holly ang ulo sa balikat ng binata. “Pero kung sakali mang hindi, magtanan na lang tayo.”
Natawa ng malakas si Aleron. “I would really love that-”
“Williams!”
Pareho silang natigilan ng nobyo nang makarinig ng sigaw na iyon. Kumabog ang dibdib ni Holly. Mula nang lumapag sa helipad ng mansyon ng mga Williams ang chopper ay ganoon na ang pakiramdam niya. Hindi na nga lang niya sinabi kay Aleron dahil wala namang sapat na basehan ang kaba niya. Pero ngayong narinig niya na ang para bang puno ng poot na boses na iyon ay parang mga kampanang sabay-sabay na tumunog sa isip niya ang mga babala.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Aleron. Gumanti ito ng pisil para kalmahin siya. Sabay nilang hinarap ang pinagmulan ng boses. Nakita nila ang isang lalaki na sa palagay ni Holly ay naglalaro sa late-forties o early fifties ang edad. Matikas pa rin ito, matangkad at maganda pa rin ang tindig. Nanayo ang mga balahibo niya sa paraan ng pagtitig nito kay Aleron. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanila.
“Who are you?” Ani Aleron.
“Sinasabi ko na nga ba at magpapakita ka rin.” Sa halip ay sagot ng bagong dating. “Mabuti na lang at hindi ko pa pinapaalis ang mga bata ko sa paligid ng mansyon mo. Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang ng nanay mo sa akin?” Bumangis ang anyo nito. “Malaki! Iniwan niya ako para sa ’yo! Para sa lintik na kagustuhan niyang magpaka-ina daw sa ’yo! At gusto kong ibalik sa kanya ang sakit. Ang sakit ng maiwanan, ang sakit ng mawalan.”
Sa pagkabigla ni Holly ay naglabas ng baril ang estranghero mula sa likuran nito. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya nang iumang nito iyon kay Aleron. Para na itong tinakasan ng bait nang mga sandaling iyon. Kahit paano ay pamilyar siya sa ganoong baril. Kalibre cuarenta y cinco iyon. Ilang ulit niya nang nakita iyon sa drawer ng daddy niya sa library. Ang pagkakaiba lang ay rehistrado ang sa daddy niya pero ang baril ng sa estranghero ay hindi siya sigurado.
Nilingon siya ni Aleron. Binitiwan nito ang palad niya. “Go.” Bulong nito sa kanya. “Pumunta ka na muna sa kotse. You’ll be safe there. Aayusin ko ‘to. Tumawag ka na rin ng pulis. Nasa kotse ang cell phone ko. Hanapin mo roon ang number ni General Matias.”
Nag-alangan si Holly. Napuno ng takot ang puso niya. Ganoong-ganoon ang pakiramdam niya nang huling pagkakataon niyang makasama ang kakambal. “Pero-“
“I said go!” Bahagyang dumiin ang boses ni Aleron.
Sa huli ay wala siyang nagawa. “Fine. But don’t get hurt, okay? Promise me.”
Comments
The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings