NAPALUNOK si Aleron nang dahan-dahang mag-angat ng mukha si Holly patingala sa kanya. Sa kabila ng kalamigan na pumupuno sa mga mata nito nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin maitatangging taglay pa rin nito ang pinakamaamong mukhang nakita niya sa buong buhay niya. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. This beautiful woman used to be his. Used. Bumalik ang kirot sa puso niya.
Mayamaya ay tumayo ang dalaga. “Mag-usap tayo.” Anito bago binalingan ang mga readers nito roon. “Please excuse me for a while.” Dere-deretso na si Holly sa paglabas ng bookstore. Magsasalita na sana itong muli nang makita nito ang mga staff niya roon. Sunod-sunod itong napabuga ng hangin. “I want us to talk in private. Where can we do that?”
“Sa office ko na lang.”
“Fine. Lead the way.”
Tumango na lang si Aleron bago bahagyang nauna na sa paglalakad papunta sa elevator. Gusto niya sanang huminto at abutin ang palad ni Holly pero hindi tama. Wala na siyang karapatan, siya mismo ang nag-alis niyon sa sarili niya. Awtomatikong pinindot ng operator ang sixth floor pagsakay nila sa elevator ng dalaga. Hanggang sa makalabas sila roon ay pasulyap-sulyap lang siya rito.
It was funny. Siya si Aleron Williams, isa sa pinakamatagumpay na negosyante sa buong bansa. Kabilang pa ang kompanya niya sa sampung pinakamatatag na kompanya sa Pilipinas. But here he was, utterly clueless on what to do. Kung sana gaya ng negosyo ay kaya niya ring gawan ng paraan ang sitwasyon nila ni Holly. Iyon ang isa sa mga pinakamahirap na naranasan niya. Iyong abot-kamay niya lang ang pinakamamahal pero hindi niya pa mahawakan.
Wala pa ring imik si Holly hanggang sa makapasok na sila sa office niya. Agad na iminuwestra niya ang couch roon. “Maupo ka na muna. I’ll just go and get you something to drink-“
“Kung hindi totoong binasa mo ang mga nobela ko, paano mo nalaman ang mga kwento ro’n?” Sa halip ay tanong ni Holly. Ilang sandaling napipilan si Aleron. “Answer me!” Para bang hindi nakapagpigil na sigaw ng dalaga.
“My secretary did the reading for me. I made her summarized the contents-“ Hindi niya na nagawang tapusin ang pagpapaliwanag dahil sa isang iglap ay umangat ang palad ni Holly patungo sa kaliwang pisngi niya.
“You shouldn’t have attended the book signing in the first place. Wala ka ba talagang kahit na katiting na konsiderasyon para sa akin, Aleron?” Sunod-sunod na pinagsusuntok siya ng dalaga sa dibdib. “This is too much! Tumigil ka na! Tama na! You’re just breaking me over and over again!” Hysterical nang pagsigaw nito habang lumuluha.
“Maliit na bagay lang dapat ito, Aleron. Pero ang hindi ko matagalan ay iyong dami ng naging pagsisinungaling mo.”
Good Lord, he didn’t know how to handle her like this. Ilang minuto ang lumipas bago parang nauupos na kandilang naupo ang dalaga sa sofa. Isinubsob nito ang mukha nito sa mga palad nito habang patuloy ito sa pag-iyak.
“Holly…” Daing ni Aleron. Lumuhod siya paharap sa kinauupuan ng dalaga. Dahan-dahang inalis niya ang mga palad nitong tumatakip sa mukha nito. Buong ingat niyang pinunasan ang mga luha nito. “Nabasa ko na ang lahat ng mga gawa mo ngayon, Holly. Maniwala ka sana sa akin kahit sa pagkakataon lang na ito. Masaya akong ngayon ko sila binasa dahil mas naintindihan ko sila ngayon. Now, I understand that those novels are the reflection of your dreams. And I’m sorry I wasn’t able to fulfill those dreams. You’ve always been the heroine that every man would love to have in their lives and I’m sorry that I failed to become your hero.
Pinilit ko naman at hanggang ngayon, pinipilit ko pa rin. Kaya nga ako nandito pa rin sa harap mo kahit alam kong ang makita ako ang huling bagay na gugustuhin mo.” Namasa ang mga mata ni Aleron. “You told me that I will never be able to put the pieces of you back together because I’m broken myself. Pero pinipilit ko nang buuin ang sarili ko para sa ’yo. Magagawa ko lang ‘yon kapag nakikita kita. You push me away many times over the past days but I still come to see you because I need you to keep this,” Itinuro niya ang kaliwang dibdib. “Alive.”
Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga. Dinig na dinig niya pa rin ang paghikbi nito. Para siyang paulit-ulit na pinaparusahan dahil doon. “Do you honestly believe that this is the end of us? Because if you don’t, if there’s even a glimpse of hope that you see, then I beg you, Holly, please don’t give up on us. We haven’t reached the end yet. Malayo pa tayo sa dulo. Sa pagkakataong ito, ipinapangako ko sa ’yo, tutuparin ko ang mga pangarap mo.”
“A glimpse of hope?” Namamaos pang tanong ni Holly. “I don’t know those words anymore, Aleron.”
Kumawala si Holly sa kanya. Dahil sa nakikita niyang estado ng emosyon nito ay napilitan siyang bahagyang lumayo sa dalaga. Tumayo na ito.
“I don’t think there’s a beautiful ending waiting for us. I couldn’t even visualize it. It hurts… just to visualize.” Tumalikod na si Holly at humakbang patungo sa pinto. “Itigil mo na lahat ng ito, Aleron.”
Pumatak ang mga luha ni Aleron. Bago pa man dumating si Holly sa mall ay nakabuo na siya ng plano kung paano sila makakapagsolo nito, kung paano siya makakabawi rito. Desperado na siya. Pero matapos niyang marinig ang pagsuko sa boses ng dalaga, dapat ay sumuko na rin siya. Pero para siyang binibitay habang naglalakad si Holly palayo. Nang buksan nito ang pinto ay hindi niya rin kinaya.
Tinakbo ni Aleron ang distansya sa pagitan nila ni Holly. Niyakap niya ito mula sa likod at tinakpan ng panyo ang ilong nito. Nagkakawag ang dalaga bago ito tuluyang nawalan ng malay. Sinalo niya ang katawan nito. “I’m really sorry, Holly. Pero huli na ‘to, pangako.” Desperadong bulong niya. “Huling baraha ko na ‘to.
Kailangan ko lang makabawi sa ’yo para matahimik ang puso ko. At kung wala pa ring mangyari sa dulo ng lahat ng ito, saka ko tatanggaping hanggang dito na lang tayo. But not right now. I’m sorry that I can’t let you go yet. I’m sorry that you fell in love with an asshole.”
Sa pagkakataong ito, susugal na siya ng buo. Wala na siyang ititira. Sagad kung sagad.
“WHAT happened to us, Alfar? How did we come to this point? Pinaparusahan ba tayo? Masasama ba tayong mga magulang?”
Nahinto sa pagpasok sa kusina si Holly nang aksidenteng marinig ang pag-uusap ng mga magulang. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch. Mag a-alas cuatro pa lang ng madaling araw. Pero imbes na ang nagluluto na para sa agahan na mayordoma nila ay ang mga magulang ang nadatnan niya roon. Maingat niyang sinilip ang mga magulang. Nakaupo ang kanyang ina, nakayuko sa mesa at humahagulgol. Nasa likod nito ang asawa na siyang umaalo rito.
Comments
The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings