“ANAK naman, birthday mo ngayon.” Pumiyok ang boses ng ina ni Holly. “That’s something your dad and I will always remember. Because that was the very day that I gave birth to the two most beautiful girls I’ve ever seen in my whole life. Hindi namin malilimutan ang ganoon kaimportanteng araw.”
“Talaga?” Napahugot ng malalim na hininga si Holly. “Pero bakit pakiramdam ko, naaalala nyo lang ang mga bagay tungkol sa akin pero ako mismo, kinalimutan nyo?” Hindi niya na napigilan ang pagragasa ng mga emosyon. Birthday niya ngayon. Kahit sa araw lang na iyon, pakakawalan niya ang lahat ng nararamdaman.
“Araw-araw, tatlo tayo dito pero pakiramdam ko, nag-iisa pa rin ako. Ni hindi ko kaya maabot kahit na anong gawin ko. Ang layo-layo nyo. Bakit naman gano’n, mommy? Ano bang kasalanan ko sa inyo ni daddy? Para maayos ko. Hindi nyo naman sinasabi kaya hindi ko maintindihan.
Nang magdesisyon kayo na pumuntang England, gusto kong sumama. A part of me wanted to understand your reasons but there’s also a part of me that couldn’t help but be hurt. Dalawa kayo roon. Pero ako, mag-isa lang dito. I couldn’t even stop you from leaving when both of you seemed so eager to walk away from me, to put a distance between us.” Pumatak ang mga luha ni Holly. “Mom, dad, ano bang nagawa ko? Sabihin nyo naman, please. Para makabawi ako.”
Nagulat si Holly nang ibaba ng ina sa buhanginan ang dalang cake. Bigla na lang siya nitong sinugod ng yakap. Napahikbi siya. She had missed her mother’s embrace. “Alam ko, marami na akong sablay bilang anak. Pero aayusin ko ‘to, mommy. Pangako-“
“Ssh.” Napahagulgol ang ina. “I’m so sorry, Holly. We left because we were so guilty about Hailey’s death. Pakiramdam namin, hindi kami naging mabuting magulang sa kakambal mo. Ni hindi namin alam na may sakit siya noon. She suffered all by herself. Pakiramdam namin, napakawalang kwenta naming mga magulang. Hindi pa kami nakakabawi ng husto sa kanya nang kunin siya ng Diyos. Wala kang kasalanan, anak.”
Bahagyang lumayo kay Holly ang ina. Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. “We just couldn’t look at you without remembering Hailey, without being hurt, without feeling guilty and without feeling that we failed her. You remind us about our failure. Kinailangan naming lumayo pansamantala dahil naramdaman naming sumasama na ang loob mo. Natakot kaming mas magkasakitan lang tayo kapag nagsama-sama tayo. Our only mistake was that we didn’t explain our side to you. Because you were right, we were so eager to escape, to run away.
And when we left you, we failed as parents again.” Lumuha ang ina. “Ang akala namin, masosolusyonan ng pag-alis namin pansamantala ang lahat pero nagkamali kami. Lalo lang lumala at naging komplikado ang mga bagay. Patawarin mo kami, anak. Naging makasarili kami.”
“I’m sorry, too about what I said and did, princess. Patawarin mo si daddy.” Wika naman ni Alfar na inabot ang palad ni Holly. Namamasa na rin ang mga mata nito. “Naiintindihan ko naman ang mga dahilan ni Aleron. Kinausap kami ni Lucia, ang kanyang ina, noong unconscious pa kayo pareho ni Aleron sa ospital. Humingi siya ng tawad at ipinaliwanag ang lahat sa amin.”
Napasinghap si Holly. Hindi nabanggit sa kanya ni Nick ang bagay na iyon.
“Pero natakot akong tanggapin muli si Aleron. Dahil sobra-sobra ka kung magmahal. At dahil sa pagmamahal mo sa iisang tao, ilang beses kang nasaktan. Natakot ako dahil ikaw na lang ang mayroon kami ng mommy mo. The moment I heard that you were shot, my instinct was to take you away from Aleron immediately. Nawalan na kami at hanggang ngayon, dala-dala namin ng mommy mo ang sakit na dulot niyon. We couldn’t take another loss, Holly. We won’t survive it. Kapag may nangyari uli sa ’yo, hindi na namin alam ng mommy mo kung anong gagawin. Iyong mga nasabi ko sa ospital, dala lang ‘yon ng pag-aalala ko.”
Pareho sila ng ina na ikinulong ni Alfar sa mga braso nito. “When we all came here, we were at loss. Again. Dumistansya uli kami. I’m sorry that we came back to our senses a little too late. Parati kitang nakikita. But I kept seeing Hailey in you that’s why I couldn’t look at you. But today, while you were standing here, I saw you-for the first time after a long while. I finally saw Holly.” Ngumiti si Alfar. “I saw you and it doesn’t hurt like it did before. Nakita kita at kasabay niyon, nakakita ako ng pag-asa. It took a while but at least, hope showed finally. Mahal kita, Holly. And daddy is sorry.”
Gumanti ng mas mahigpit na yakap si Holly sa mga magulang. Wala ng karagdagan pang kailangang sabihin. Nauunawaaan niya na. At ngayon ay tanggap niya na. Her parents had their shortcomings but then again, so was she. Hindi rin maiiwasan sa pamilya ang humantong sa ganoong sitwasyon. Pero alam niyang sa pagkakataong iyon ay mas matibay na sila kaysa sa dati. Dahil hindi birong unos ang nalampasan nila. At higit pa roon ay may natatanaw na pag-asa hindi lang ang daddy niya kundi pati sila ng ina. Pag-asa. Malaking bagay iyon para sa kanila.
“I’m sorry too, mommy and daddy. I love you both so much.”
“Si Aleron, mahal mo ba talaga siya, anak?” Ani Alfar na bahagyang bumitaw kay Holly.
Sunod-sunod na napatango siya. “Yes, dad. Sobra.”
Ilang sandaling pinakatitigan siya ng kanyang ama bago ito bumuntong-hininga. “Ipapakabit ko na ang linya ng telepono. Call him and tell him to meet with me sooner before I change my mind.”
Sa pagkakataong iyon ay si Holly na ang sumugod ng yakap sa ama. “Maraming salamat, daddy! You don’t know how much this means to me-“
“Ma’am! Sir!” Agad na naputol ang mga sasabihin pa sana ni Holly nang bigla na lang humahangos na dumating ang isa sa mga kasambahay nila. “May gwapong nananawagan po para kay ma’am Holly sa TV!”
KUSANG gumuhit ang sinserong ngiti sa mga labi ni Aleron habang pinapanood ang ina na mukhang natataranta sa pagbi-bake sa kusina. Niluwagan niya ang suot na kurbata at sumandal sa hamba ng kusina.
Iyon ang isa sa mga naalala niyang pangarap ni Athan noong bata pa ito: ang makitang nagluluto ang ina at ang matikman ang mga luto nito. Hindi man iyon magagawa pang tikman ng ama niya o ni Athan ay alam niya na saan man naroroon ang mga ito ay masaya ang mga ito.
Matapos niyang ma-discharge sa ospital may apat na bwan na ang nakararaan ay ang ina ang nakiusap na samahan at alagaan siya. Nang kahit paano ay nagagawa niya nang makakilos ng maayos ay nagpaalam na ang ina pero pinigilan niya ito at inalok na manatili na lang sa mansyon. Tunay ngang malaki ang ipinagbago nito. Nag-enroll ito sa isang cooking class at ilang linggo na siyang nakakatikim ng mga masasarap na inihahain nito.
Naalala niya rin ang matinding pagkailang ng ina nang malaman nitong sa balkonahe siya natutulog dahil sa mga naiwang marka ng mga karelasyon nito sa buong mansyon. Sinamahan siya nito sa balkonahe matulog sa loob ng tatlong bwan. Wala itong reklamo. Araw-araw ay humihingi ito ng tawad. At alam niya, sa puso niya na napatawad niya na ito. Iyon lang naman ang hinihintay ng puso niyang sabik rin sa ina. Kaya sa kalaunan ay isinuko niya na rin ang dating mansyon nila at tuluyang iniwan ang bakas ng kahapon roon.
Lumipat sila sa bahay na plano niya sanang iregalo noon kay Holly noong kasal nila. Doon sila bumuo ng mga bagong alaala ng ina, mga alaalang sa pagkakataong iyon ay masaya niyang babaunin parati sa puso niya.
Ayon rito ay na-realized lang nito ang mga pagkukulang nito noong huling pag-uusap nila. Katibayan roon ang hindi nito pag-withdraw ng tseke na ipinaabot niya rito sa pamamagitan ng sekretarya niya noon. Pinilit umano nitong baguhin ang buhay nito. Umalis ito sa pinapasukang bar at iniwan si Romulo. Pero hindi matanggap ni Romulo ang paghihiwalay ng mga ito kaya parati umano itong ginugulo. Nang idemanda nito ng harassment ang lalaki may isang bwan na bago ang nangyaring insidente sa sementeryo ay doon lalong nagalit si Romulo kaya siya daw ang binalingan lalo na at kilala siya nito.
“Anak, kanina ka pa ba dyan?” Ani Lucia nang sa wakas ay mapuna ang presensiya ni Aleron.
Anak. Sa tuwing naririnig niya iyon mula mismo sa mga labi ng ina ay naroroon pa rin ang hindi niya maiwasang init na pumapasok sa puso niya. Tumango siya sa ina. Gumanti ito ng ngiti na agad ring naglaho nang bumalik ang mga mata nito sa niluluto nito.
Comments
The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings