Login via

The Trouble With Good Beginnings novel Chapter 22

“BAKIT nandito ka?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Holly kay Aleron nang ito ang mapagbuksan niya ng pinto. Bukas na ang araw ng kanilang kasal at mahigpit ang bilin sa kanilang hindi na muna dapat magkita.

Mabilis pero maingat siyang itinulak ng binata papasok sa kwarto niya matapos nitong siguruhin na walang ibang tao sa paligid. Naupo ito sa kama niya at mapaglarong hinila siya. Bumagsak siya sa kandungan nito.

“Ang sabi ni mama, napansin niya daw na parang tensyonado ka noong bisitahin ka niya rito kanina. Kung hindi lang parang militar ang mga magulang mo sa pagbabantay sa ’yo rito, kanina pa kita pinuntahan. Holly, tell me, honestly. Are you scared?”

“Of course not.” Mabilis na kaila ni Holly.

Bumuntong-hininga si Aleron. Kabisado na nito ang ugali niya. Bahagyang lumayo ito sa kanya. Marahang ipinaloob nito ang mukha niya sa maiinit na mga palad nito. “Holly, bukas ng gabi pa darating ang chopper na maghahatid sa atin papunta sa honeymoon destination natin. Wala ring available na bangka. At isla ito. Wala akong takas.” Nangingiti nang wika nito. “At wala akong balak na tumakas. Not ever-“Nahinto ang binata sa pagsasalita nang makarinig sila ng mga katok.

Nataranta si Holly. Bumakas rin ang kaba sa mukha ni Aleron. Hindi na nag-isip pang itinulak niya ang aligagang binata sa ilalim ng kama. Mabilis na inayos niya ang bedsheet para masigurong hindi na ito makikita roon. Sinikap niyang kalmahin ang sarili bago niya binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang ina na mayroon pang bitbit na isang unan.

“M-mom,” Nasorpresang wika niya. “D-dito ba kayo m-matutulog?”

Hindi sumagot ang ina. Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa loob at sinuyod ng tingin ang buong kwarto ni Holly. Kinabahan siya. Mayamaya ay humarap sa kanya ang ina at inabot ang unan na nagtataka man ay tinanggap niya pa rin.

“May nakita kasi akong malaking itim na pusa kanina. Parang dito pumunta kaya dinala ko lang itong unan. Baka sakaling kulangin ka rito.” Anang ina bago dumeretso na sa pinto. Paalis na ito nang para bang may malimutan. Bumaling ito muli kay Holly. “Pakisabi kay Aleron, nakalabas ang kanang paa niya.” Napailing pa ang ina bago ito lumayo na.

Naramdaman ni Holly ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Sinara niya na ang pinto at nailing rin na bumalik sa kama. Sumilip roon ang ulo ni Aleron. Base sa namumula ring anyo nito ay walang dudang narinig nito ang mga sinabi ng kanyang ina.

“I was that… big, black cat she was referring, right?” Napatango si Holly. “What else did she say?”

Sinilip niya ang mga paa ng binata. Noon niya lang napansing tama ang ina. Natawa siya. “Nakalabas daw ang kanang paa mo.”

Natawa rin ang binata. “God, I love you, Holly. And I love your family.”

Chapter 22: Epilogue 1

Chapter 22: Epilogue 2

Chapter 22: Epilogue 3

Comments

The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings