Login via

Wish List Number Ten: Love Me Again novel Chapter 2

"YOU WANT an indefinite leave. Why?"

"Because I'm going crazy." Marahas na napabuntong-hininga si Calix habang patuloy sa pakikipagtagisan ng tingin sa kanyang ama na kalmante lang na nakaupo sa swivel chair habang halos sumabog na ang kanyang dibdib sa pagpipigil ng emosyon.

"Kahit kailan, hindi n'yo ako naringgan ng reklamo, Dad. Hindi pa ako humiling ng bakasyon mula nang magtrabaho ako rito. I've tried to fill in Clarence's position for the past years. I've worked my ass off so damn hard. And annulment papers were all I got in return."

Tumaas-baba ang dibdib sa galit at hinanakit na naupo si Calix sa bakanteng silya sa tapat ng mesa ng ama. Napahawak siya sa noo. Hindi na siya nag-alangan pa sa mga binitiwang salita tutal naman kahit kailan ay hindi naging mabuting anak ang tingin nito sa kanya. Kaya wala nang saysay pa para itago niya ang tunay na nararamdaman.

Calix was never perfect unlike his only brother Clarence. Dumi lang siya kung ikokompara sa walang bahid na image na iniwan ng kuya niya. Si Clarence ang orihinal na vice president ng Ledesma Commercial Banking Corporation na itinatag mismo ng kanilang ama na nananatiling president. Ang mga kamag-anak nila na may forty percent shares sa kompanya ang bumubuo ng mga board member.

Lahat ng mga ito ay pare-parehong malaki ang inaasahan kay Clarence na limang taon ang tanda kay Calix. Pero namatay ito nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan noong pauwi na mula sa pinuntahang seminar sa Vancouver. His father's world went upside down after the accident that took his favorite son's life.

Mula noon, araw-gabi ay wala siyang ibang narinig sa mga labi ng ama kundi ang patutsadang sana ay siya na lang ang naaksidente at namatay. Calix had to endure all those things. Lalo na at wala na ang kuya niya para pumigil sa kanila ng ama sa madalas na pagbabangayan.

Clarence was a wonderful brother to him. Ito ang naging kakampi niya mula nang mamatay ang kanilang ina sa komplikasyon sa sakit na diabetes noong trese anyos siya. Kaya hindi niya man ipinapakita ay ipinagluluksa niya rin ang kamatayan ng kapatid.

Noong mga panahong iyon ay meron na ring sariling negosyo si Calix. Katuwang niya ang kaibigan mula pa noong kolehiyo na si Edrick. Nagbebenta sila ng mga motor na inaangkat nila mula pa sa ibang bansa. Ginamit niya bilang capital ang perang ipinamana sa kanya ng ina. Pero tuluyan niya nang ibinenta sa kaibigan ang share niya sa negosyo nang magsimula siyang magtrabaho sa kompanya ng kanyang ama.

Noong mga panahong iyon, kahit na kakakasal lang ay para bang sinaniban si Calix ng kung ano. Napuno na siya sa mga naririnig sa ama pagkatapos nitong atakihin sa puso nang hindi makayanan ang depression sa pagkawala ni Clarence. Gusto niyang patunayan na kaya rin niya. Sawang-sawa na kasi siya sa mababang pagtingin na ama sa kanya. Nang sabihin niya na magtatrabaho siya sa kanilang kompanya ay hinamon pa siya nito pagkatapos siyang harap-harapang pagtawanan nang bisitahin niya sa ospital halos limang taon na ang nakararaan.

"Mayabang ka. Akala mo ba por que nawala na ang kapatid mo ay ikaw na ang pwedeng pumalit sa pagharap sa bigat ng trabaho niya sa kompanya? Ni wala ka nga sa kalingkingan ng kuya mo."

"Give me a chance," mapagkumbabang sagot ni Calix. "I'll do better this time, Dad."

Muling natawa si Arthur. "Fine. Come to the office tomorrow morning. Ikaw ang pumalit sa posisyong binakante ni Clarence. Let's go see where this foolishness will bring you."

Hindi nakaimik si Calix noon. Limang araw pa lang matapos ang kasal nila ni Chryzelle. But he accepted the challenge. Walang nagawa ang board members nang ideklara ng kanyang ama na siya ang papalit sa iniwang posisyon ng kuya niya. Dahil hindi kumbinsido ang board members ay binigyan siya ng mga ito ng anim na buwan para patunayan ang kanyang sarili.

Bukod sa ama, gusto din ni Calix na ipagmalaki siya ni Chryzelle. Nakatapos rin naman siya ng Business Management pero wala siyang anumang award na nakuha, hindi tulad ni Clarence.

Noong bata pa siya ay sinubukan niya ring magseryoso sa pag-aaral. Sinubukan din niya noong maging mabuting anak. Pero parati siyang second best lang sa mga mata ng ama. Salutatorian siya nang magtapos ng elementary. And that was never enough for his high and mighty father. Parati siya nitong ikinokompara sa kuya niya dahilan para magrebelde siya.

Kasabay niyon ay pumanaw pa ang kanya ina na tanging nagpakita ng totoong pang-unawa at pagmamahal sa kanya, hindi tulad ng ama. Lalo siyang naligaw ng landas.

Nagbulakbol si Calix. Palaging ipinatatawag ang kanyang ama noon sa guidance office pero wala na siyang pakialam. That was the start of the word war between them. Mula noon ay hindi na siya nagseryoso pa sa pag-aaral. Lumayo siya sa image ng kapatid. Pero sa awa ng Diyos ay nagawa niya pa ring makatapos sa kolehiyo. Hindi siya nagtrabaho sa ilalim ng pamamalakad ng ama para hindi siya mapag-initan nito.

Only to come and work in the company when he was twenty-six, five years ago. Ginawa ni Calix ang lahat para hindi mapahiya. Hindi siya nagpahinga sa nakalipas na mga taon. At nagbunga ang lahat ng pagsisikap niya. Unti-unti niyang nakuha ang loob ng board members, dahil nagawa niyang pantayan ang ginawa ni Clarence. Lalo pang lumago ang kanilang korporasyon. Pero kasabay niyon ay bumagsak naman ang relasyon nila ng asawa.

Regrets filled his heart. Kung kailan naisaayos niya na ang lahat sa kompanya, pati na ang bakasyon nila ng asawa na nakatakda sa araw na iyon papuntang Japan na isang bwan ang dapat na itatagal, saka pa nawala si Chryzelle sa kanya.

Naniniwala si Calix na sapat na ang mga napatunayan niya. Ngayon ay panahon na para bigyan niya naman ng atensyon ang asawa. He would take her back. If he had to move mountains to win her heart again, he would. Dahil si Chryzelle ang nasa likod ng kanyang mga narating. Ang kaalamang nasa tabi niya lang ito ang kumakalma sa kanyang kalooban sa bawat panahong gusto niyang sumuko sa bigat ng trabahong pinasan.

"Naayos ko na ang lahat ng transactions. Kung sakaling magkaroon ng problema, you can call my secretary and she will inform me about it." Tumayo na si Calix. "Right now, I just need to get my wife back. Dahil kung hindi, baka mapasunod ako nang wala sa oras kina Kuya."

Nabigla ang kanyang ama, pero hindi niya na iyon pinansin. Nagmamadaling umalis na siya ng opisina nito.

"LET YOUR EMOTIONS come out, Chryzelle. 'Wag mong kimkimin. Makikinig ako."

Mula sa paglilista ng mga order ay nagdududang tinitigan ni Chryzelle si Aiden. Kababata niya ito. Dati niyang kapitbahay ang binata noong nasa Cavite sila at pareho pa silang single ng kanyang ate. Malapit si Aiden sa kanyang pamilya. Kailan lang niya uli nakita ang binata dahil nagpunta ito sa Los Angeles matapos ang kasal niya. Isa nang psychiatrist si Aiden ngayon, pero nakapagtatakang single pa rin.

"Umamin ka nga sa akin. Hindi talaga ang pagpapagawa ng cake at brownies ang sadya mo rito, ano?" Nagsalubong ang mga kilay ni Chryzelle. Noong nakaraang linggo pa nabanggit sa kanya ng ate niya na dumating na nga raw sa bansa si Aiden. Binisita ng ate niya ang kanilang mga magulang sa Cavite, samantalang bumalik naman sa dating bahay nito si Aiden na katabi ng bahay ng mga magulang niya kaya nang magkita ang dalawa ay nagkaroon ng pagkakataon na makapagkwentuhan.

Inamin kay Chryzelle ni Celeste na nabanggit nito kay Aiden ang sitwasyon niya, pati na ang nangyari sa anak niya. Ilang araw na siyang kinukulit ng kapatid na lumapit kay Aiden para matulungan raw siya sa pinagdaraanan niya.

Chapter 2 1

Chapter 2 2

Comments

The readers' comments on the novel: Wish List Number Ten: Love Me Again