"Nakikita mo ba? Mr. Whitman, salamat sa iyong pag-aalala. Hinayaan mo akong mabuhay na ganito kaganda araw-araw sa isang libong araw ko sa kulungan."
Mapait na ngumiti si Madeline, habang pumapatak ang maiinit niyang luha sa likod ng kamay ni Jeremy. Nangatog nang bahagya ang manipis niyang mga daliri. Hindi niya alam na ganito pala kainit ang luha.
Palakas nang palakas ang ulan, at narinig ni Madeline na kumakaluskos ang wiper sa windshield.
Biglang tumahimik ang hangin sa paligid niya. Pinunasan ni Madeline ang kanyang mga luha, kumalma bigla ang tingin sa kanyang mga maya.
"Jeremy, kung mauulit ko ang lahat, mas mabuti pang di kita nakilala."
Matapos marinig ang mga sinabi ni Madeline, tila ba bumalik sa ulirat si Jeremy. Tinitigan siya nito nang malalim.
"Wala ka nang magagawa Madeline. Asawa na kita, at di mo na ito mababago sa buong buhay mo."
Sarkastikong kumutya si Madeline, "Talaga ba? Mr. Whitman, sinasabi mo na di mo ako hihiwalayan sa buong buhay mo? Paano naman ang plastik mong labit? Di ka ba natatakot na masyado siyang malungkot at subukan niyang magpakamatay matapos niyang marinig ito?"
Nang makita ang luhaan at nangungutyang ngiti ni Madeline, gumalaw ang labi ni Jeremy. Subalit, sa huli, hindi siya nagsalita. Inapakan niya na lang ang accelerator.
Umiyak si Madeline at hindi niya namalayang nakatulog siya. Paggising niya, nakita niyang nakahiga siya sa kamang dati niyang tinutulugan.
Ibinalik siya ni Jeremy sa bahay na tinuluyan niya noon. Medyo nabigla si Madeline. Hindi man nagbago ang layout at mga dekorasyon sa lugar. Subalit, nang maisip niya na baka nakikipagtalik si Meredith kay Jeremy sa kamang ito gabi-gabi, nanghina si Madeline na nagsimula siyang sikmurain bigla.
Tumakbo siya papasok sa banyo at sumuka, ngunit walang lumabas.
Madilim na, at nakatulog siya buong araw.
Hindi rin siya nakakain.
Tumingala siya para tingnan ang kanyang sarili sa salamin. Ang balisa niyang mukha at namumulang mga mata ay nagpaalala sa kanua ng mga panahong sumigaw siya kay Jeremy nang bugbog na bugbog.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman