Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 76

Napagtanto ni Madeline na nagalit ng husto si Jeremy sa huling sinabi ni Ava.

Bigla niyang pinatay ang sigarilyo niya at nagmistulang si Satanas na mula sa impyerno. Pagkatapos ay hinila niya si Madeline palapit sa kanya.

Bumagsak sa lupa si Ava nang mabitawan siya ni Madeline.

“Ava!”

Napasigaw si Madeline at sinubukan niyang tulungan si Ava. Subalit, pilit siyang itinulak ni Jeremy papasok ng kanyang kotse.

Galit na galit si Jeremy. "Madeline, seryoso ka ba? Nagsinungaling ka sa kaibigan mo na binigo kita at ikaw ang biktima? Pambihira ka talaga."

Galit na galit na tiningnan ni Jeremy si Madeline. Para bang sinusubukan niyang butasin si Madeline gamit ng mga mata niya.

"Yung pangako nating dalawa? Ano bang pinangako ko sayo? Pwede ba tumigil ka na?"

Muli niyang binura ang mga pangako niya noon kay Madeline.

Hindi na umasa si Madeline na maaalala pa ni Jeremy ang mga pangako na 'yon.

Matagal nang nabaon sa limot ang mga alaalang iyon. Maglalaho na lamang ang mga iyon ng parang bula.

Hindi na niya inisip pa iyon. Sa sandaling iyo, nag-aalala siya para kay Ava.

"Jeremy, pababain mo ako. Iuuwi ko sa bahay niya si Ava. Gabing-gabi na at napakalamig ngayon. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?"

"Dapat maging responsable siya sa mga sinabi niya."

Makahulugan ang mga sinabi ni Jeremy, at makikita ang galit niya sa kanyang malamig na mukha.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman