Bumangga ang sikmura ni Madeline sa kanto ng lamesa nang bumagsak siya s sahig at nangatog nang may tumusok na sakit sa kanya at kumalat ang pabugso-bugsong sakit sa kanyang katawan. Habang nahihirapang makatayo, sinampal siya ulit ni Mrs. Whitman bago pa niy maibalanse ang kanyang sarili.
"Napakasama mong babae ka! Gagawin kong impyerno ang buhay mo kapag may nangyari sa apo ko!" Galit na babala ni Mrs. Whitman, bago muling itulak si Madeline.
Habang nanghihina, bumagsak ulit si Madeline sa sahig nang itulak siya ni Mrs. Whitman. Sa pagkakataong ito ang ulo niya ang tumama sa lamesa. Nahiwaan ang noo niya sa lakas ng pakakatama at nagsimulang tumagas ang dugo mula sa kanyang sugat.
Nagsisulpot ang mga itim na tuldok sa kanyang paningin nang magpanting ang kanyang isipan.
"Ang sakit sa puso Jeremy! Bakit kailangan na lang palagi akong atakihin ni Madeline?" Nagsimulang humagulhol at magreklamo si Meredith.
Dumaan muli kay Madeline ang nagbabanta at nakakatakot na titig ni Jeremy bago ito tumalikod para buhaton ang maputlang Jackson.
"Huwag kang mag-alala magiging ayos lang ang baby natin." Dinamayan ni Jeremy si Meredith nang maglakad siya palabas. "Huwag kang mag-alala pagbabayarin natin nang malaki ang may sala."
Nangako siya kay Meredith, isang pangakong nagpatibay ng nalalapit na wakas ni Madeline.
Habang gumegewang, tiniis ni Madeline ang sakit at tumayo. Nanginig ang kanyang puso nang panoorin niya si Meredith na lumingon at matagumpay na ngumisi. Hindi niya inasahan na hihiwaan ni Meredith ang mukha ng kanyang anak para lang masisi siya, pero iyon ang nakakagimbal na katotohanan.
Gaano ba kasama ang isang tao para magawa ang ganito kawalang-awang bagay?
Nang isipin ang malaanghel na itsura ni Jackson, nakakatuwa at inosente, ay maaaring sira na habambuhay ay nagpasikip sa dibdib ni Madeline.
Palihim siyang sumunod sa kanila papunta sa ospital. Pagkatapos hayaang takpan ng doktor ang sugat niya sa kanyang noo, kaagad siyang pumunta sa emergency ward.
Pagdating niya, nakita niya ang isang nars na nagmamadali palabas ng ward.
Kumapit si Meredith sa nars, tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha. "Kumusta ang anak ko nars? Magkakapeklat ba ang mukha niya?"
"Ang pagpepeklat ang pinakamaliit na problema ngayon. Malaking dugo ang nawala sa bata at kailangan niyang magpasalin, pero walang sapat na dugo ang ospital na aayon sa iyong anak. Bilang kanyang nanay, ikaw…"
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman