“KUNG HINDI ko lang talaga kailangan ng urgent reliever ni Denise-“
“Ang problema… kailangan mo.” Maagap na sinabi ni Katerina matapos basahin ni Brett ang kanyang ipinasang bio data pati na ang iba pang mga requirements na kailangan sa pag-a-apply niya bilang temporary pianist sa pagmamay-ari nito at ng kaibigan nitong si Luis na restaurant. Sa pagkakaalam niya, naka-leave ang lalaki dahil kasalukuyang nasa Hawaii para sa honeymoon nito at ng asawa. “Kailangan mo ako.”
Sumandal si Brett sa swivel chair nito at matamang tumitig sa kanya. “Aren’t we being too arrogant here, Ms. Alvarez? Ang restaurant ang may kailangan sa ’yo at ang piano na nasa labas at naghihintay na sa ’yo.” Mayamaya ay inilapit nito ang swivel chair mesa nito pagkatapos ay dumukwang sa kanya. “So Miss Supermodel, pwede ka na bang magsimula mamayang gabi?”
Bigla, pakiramdam ni Katerina ay mabibingi siya sa malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Kahit may nakapagitan sa kanilang malapad na lamesa, pakiramdam niya pa rin ay biglang uminit sa paligid. Sa ilang distansya na lang na layo ng mukha ni Brett sa kanya ay langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito. Napahugot siya ng malalim na hininga saka pasimpleng lumayo rito. Isinandal niya ang natensiyon na katawan sa back rest ng kanyang silya.
Sa dami ng mga lugar na napuntahan ni Katerina, marami na siyang nakilalang naggagwapuhang mga lalaki na ang ilan ay nagtangkang ligawan siya na lahat ay binasted niya. Dahil wala siyang maramdamang bugso ng damdamin na isa sa mga qualification niya sa pagpili ng magiging kasama sa buhay.
Pero ang lalaking kaharap niya ay kakaiba. Parang may magneto sa pagkatao nitong humahatak sa kanya palapit rito sa muli nilang pagkikita. He stirred a strange emotion in her that she had never felt before. He made her desire to unfold the mystery behind his ogre facade.
“Pwedeng-pwede… Shrek.” Sagot ni Katerina nang sa wakas ay makahuma. Nang si Brett naman ang matigilan ay ngumisi siya. “Brett, Shrek, rhyme naman. Okay na ‘yon.”
Naningkit ang mga mata nito. “Let me make this clear, Ms. Alvarez. Wala akong pakialam kung sikat ka. Habang nandito ka sa restaurant na ito, empleyada lang kita. Kaya matuto kang gumalang.”
You will be fine, Brett. I promise you that. Imbes ay bulong ng puso niya. Matagal na tinitigan niya ang gwapong mukha nito bago siya dahan-dahang tumango. There were many things she wished she could tell him. She wanted to reach out to him just like what he did to her in the past.
If he was Shrek, she would gladly be his donkey. But a donkey should know its limitations. She sighed. Tumayo na siya. “I guess I’ll just see you later… Sir Brett.”
Tahimik na tinahak na ni Katerina ang daan patungo sa pinto. Palabas na sana siya ng opisina nito nang humabol pa ito ng salita. “And Ms. Alvarez?”
Nagtatakang nilingon niya ito. “Sir?”
“Never ever miss a good chance to shut up.” Napaawang ang mga labi niya sa pagkapahiya. “That’s all. Makakaalis ka na.”
Sunod-sunod siyang napabuga nang malalalim na hininga para kalmahin ang sarili bago siya malakas na tumikhim para agawin ang atensiyon ni Brett nang bumalik na ito mula sa pagbabasa ng mga reports sa mga naroong folder sa mesa nito. “Sir?”
“Yes?” Hindi tumitingin sa kanyang sagot nito. “Anything else, Ms. Alvarez?”
Pinilit niyang ngumiti. “Tumigil kayo sa pananakit ng feelings ng iba dahil baka makasanayan nyo ‘yan, Sir.”
“KUNG nahanap mo na siya, ano pang problema?”
Mula sa pagkakatitig sa rosary ay tumuon ang mga mata ni Katerina sa bagong dating na si Elaine na naupo sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nasa orphanage nang mga sandaling iyon at nakasandal sa ilalim ng puno ng narra. Katatapos lang niyang makipaglaro sa mga bata roon. Doon niya napagpasyahang tumuloy bago siya bumalik sa restaurant para tumugtog.
Pinilit niyang ngumiti kay Elaine na halos labing limang taon ang tanda sa kanya. Ito ang nagsilbing nakatatandang kapatid niya sa nakalipas na mga taon. Isang linggo lang itong mananatili sa bansa pagkatapos ay babalik na sa Indonesia dahil naroroon ang mga kasamahan niya sa trabaho na mina-manage rin nito. Sumama lang so Elaine sa kanya dahil gusto rin daw nitong magbakasyon kahit ilang araw lang.
Elaine was a vagabond just like her. Lakbay rin ito nang lakbay dahil wala na rin itong mauuwian. Parehong binawian ng buhay sa isang plane crash ang mga magulang nito. Nag-iisang anak lang ito. Madalas nitong sinasabing ayaw nitong magkaroon ng pamilya pero kilala ni Katerina ang kaibigan dahil katulad niya rin ito, naghihintay lang ng rason para finally ay mag-stay sa isang lugar… para tumigil na sa paglalakbay.
“Paano mo naman nasabing may problema ako?”
“Nah, I’ve known you for years, Kate.” amused pang natawa ito. “Tumitingin ka lang sa rosary mo kapag nalulungkot ka o namomroblema ka. Anong nangyari? Hindi ka na ba naaalala ni Brett?”
Habang nasa ibang bansa siya at busy sa pagtatrabaho, nakiusap siya kay Elaine na alamin ang mga pangunahing impormasyon tungkol kay Brett. Kaya dito niya nalaman na single pa rin ito at part owner ng anim na restaurants sa Manila. Weekly ay iba’t ibang putahe ang inihahain ng Buddies’ mula foreign delicacies hanggang sa local na mga pagkain.
Para na ring nakilala ni Elaine si Brett dahil sa mga kwento niyang paulit-ulit na. Palagi niyang kinukwento ang lalaki sa bawat taong nagiging malapit sa kanya. Dahil gusto niyang paulit-ulit na maalalang may pag-asa. Dahil dito, natutunan niya na palaging may lilitaw na bahaghari matapos ang isang malakas na pag-ulan.
“Nagbago na siya, Elaine.” Isinalaysay ni Katerina sa kaibigan ang mga nangyari mula nang muli silang magkita ni Brett. “At gusto ko siyang tulungan.”
“How can you help a broken man if you are broken yourself?” Nang makita ni Elaine ang pagrehistro ng pagkasorpresa sa anyo ni Katerina, malakas itong bumuntong-hininga. “Come on, Kate. Alam ko namang dinadaya mo lang kami. You can’t always pretend you’re happy. Alam kong deep inside, nasasaktan ka pa rin dahil hindi mo pa rin mahanap ang pinagmulan mo.”
Ilang sandaling natigilan si Katerina bago sumandal sa balikat ng kaibigan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Muli siyang nakaramdam ng matinding pagod na pilit niyang pinagtatakpan sa nakalipas na mga taon. “Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko, matutulungan ko lang nang tuluyan ang sarili ko kapag natulungan ko na siya. In this twisted world, I felt like he and I were two lost souls… destined to find each other.”
Comments
The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats