“QUITE A RECORD, Miss Alvarez. Imagine, two violations all in your two days here.”
Napalunok si Katerina. Nagyeyelo ang mga mata ni Brett habang nakatitig sa kanya. She felt a sudden chill running down her spine by the intensity of his voice.
“Oh, bakit para kang namumutla dyan? Hindi ka ba proud sa sarili mo? Kasi ako, proud sa ’yo. Ikaw pa lang ang nakakagawa no’n dito.”
Nagpapakatatag na tumayo siya. Sa dami ng taong nakilala niya na ay hindi niya maunawaan kung bakit tanging kay Brett lang siya nakaramdam ng matinding kaba. “Pero ang alam ko lang namang violation ko ay-“
“And now you are questioning me?” Kumunot ang noo ng Boss niya. “That’s your third violation. Una ay ang pagsuway mo sa utos ko kagabi. Pangalawa ay ang kawalan mo ng paggalang sa ‘kin.”
Napayuko siya. “I’m sorry.”
Marahas na napabuga si Brett ng hangin. “Tigilan mo na ito, Katerina. Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginagawa mo? Hell, you want me to return to that nineteen-year-old foolish boy!” Nagtaas na ito ng boss. “I hate that boy! I regretted being that boy and I will never come back. So stop trying to change me!”
Namasa ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay may tumusok na maliliit na karayom sa kanyang puso. “Hindi naman kita pinipilit baguhin, Brett. Gusto lang naman kitang tulungan. I just wanted to return the favor. Pero kung gusto mo talagang magpaka-Shrek habang buhay, sige lang.” Gumaralgal ang kanyang boses. “Pero ‘wag mo naman sanang pagsisihang naging ikaw ang teenager na lalaking nakilala ko thirteen years ago. Dahil kapag ginawa mo ‘yon… para mo na ring pinagsisihang nakilala at tinulungan mo ako.”
Mapait na napangiti siya nang hindi ito makapagsalita. “So, totoo nga… pinagsisisihan mong tinulungan mo ako?”
Nang manatili pa ring walang imik si Brett ay mabilis na nag-excuse na siya rito. Nagmamadali na siyang lumabas ng kusina.
“Kate, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Margie nang madaanan niya sa counter. “You look-“
“I’m fine.” Sinikap niyang ngumiti sa kabila ng pagsisikip ng kanyang dibdib. “I just had this minor encounter with the monster on the loose.”
ILANG SEGUNDONG natulos sa kinatatayuan si Brett bago sa wakas ay kumilos ang kanyang mga paa. Bago niya pa mamalayan ay nasa parking lot na siya pasunod kay Katerina. Nadatnan niya ang dalagang nakasakay sa kotse nito habang nakayukyok ang ulo sa manibela. Bukas ang bintana ng sasakyan kaya hindi na mahirap para sa kanyang hulaang umiiyak ito base na rin sa pag-alog ng mga balikat nito.
Naikuyom ni Brett ang mga kamay. Akmang papasok na lang siya uli sa restaurant nang tuksong nanumbalik sa isip niya ang nasaksihang anyo ng dalaga sa kusina. Pain was visible all over her deep blue eyes. He breathed heavily. Damn it, Katerina. What on earth are you doing to me?
Bago niya pa mamalayan ay nakalapit na siya sa dalaga at malakas na tinapik ang pinto ng kotse nito. “Get out of the car, Katerina. Let’s talk.” Nang hindi ito kumilos ay mas malakas na tinapik niya ang pinto. “Now.”
Para namang nabigla ito nang humarap sa kanya. He almost cursed upon seeing the tears rolling down her cheeks. He should not be affected. And he was not supposed to be affected but hell, he was. Then and now, Katerina still has that same impact on him.
Mabilis na ipinaling nito ang mukha nito sa ibang direksiyon. Nakita niya pa ang maagap na pagpunas nito ng mga luha bago dahan-dahang lumabas.
“Hindi pa naman tapos ang break ko, sir.” Namamaos na sinabi nito. “Kaya siguro naman, wala akong panibagong violation na nagawa dahil lang lumabas na muna ako ngayon.”
“Mero’n. Tinawag mo akong Brett na lang kanina at umalis ka na kaagad nang hindi pa ako pumapayag.”
Namula ang mga pisngi ni Katerina. Sa kabila nang bahagya ring pamumula ng mga mata at ilong nito ay hindi pa rin matatawaran ang ganda nito. And he swore he had never seen such beauty.
“You are really an ogre, do you know that?” Naniningkit ang mga matang sinabi nito. “And I don’t get it. Kung ang passion mo talaga ay manakot ng tao, bakit hindi ka na lang sa horror house nagtrabaho? Ayaw nyo no’n sir, gusto nyo na ng ginagawa nyo, kikita pa kayo nang husto?”
“That’s violation number five.”
“Ano naman ‘yong violation na ‘yon kumpara sa ginawa mo? Nakakasakit ka na, ah.” napu-frustrate na napaluha itong muli. “Pagkatapos mong ipamukha sa ’kin na pinagsisisihan mong tinulungan mo ako noon? Na iniligtas mo ang buhay ko? For so many years, your words kept ringing in my ears. They gave me hope. They prevented me from giving up. Because I was waiting to experience that beautiful world you were talking about. Kasi naniwala ako sa ’yo.” Dagdag nito bago siya tinalikuran.
For the past years, Brett never cared for other people again. And it was easier. Ilang beses na ba siyang nakakita ng babaeng umiiyak? Mula sa incompetent na mga empleyadong sinibak niya sa trabaho hanggang sa mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay? Hindi niya na mabilang. Ilang beses niya na rin bang nahuli ang mga tauhan niyang binibinyagan siya gamit ang iba’t ibang pangalan? Pero wala siyang pakialam.
But this woman was different in ways he never wanted to acknowledge anymore.
Maagap na pinigilan niya si Katerina sa braso. Noong una ay nagpumiglas pa ang dalaga pero mabilis na niyakap niya ito. Marahang tinapik niya ang likod nito para patahanin ito. Narinig niya pa ang malakas na pagsinghap nito bago niya narinig ang muling pag-iyak saka nito isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib.
Despite everything, Brett smiled. Hanggang ngayon ay iyakin pa rin pala si Katerina. “I’m sorry.” He softly said. “I may have regretted almost everything in my life, Katerina. But I never regretted being on that bridge with you that night. I never regretted saving you. My only regret was giving you false hopes.”
“I CAN STILL feel her in my heart, Drei. My daughter is still alive. Maniwala ka sa akin.” Determinadong sinabi ni Martin sa inaanak niyang si Andrei. Isang taon pa lang ang bunso at nawawala niyang anak na si Eirene ay ipinagkasundo niya na iyon sa kanyang inaanak. Kung hindi nga lang marahil sa mga nangyari noon, disin sana ay kasal na ang dalawa ngayon.
Comments
The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats