“HAPPY BIRTHDAY!” Masayang sinabi ni Katerina pagkabukas niya ng pinto ng opisina ni Brett. Inilagay niya sa ibabaw ng lamesa nito ang chocolate cake na binili niya pagkatapos ay sinindihan ang naroong kandila mula sa lighter na dala.
Kasama sa mga pangunahing information na ibinigay sa kanya ng manager niyang si Elaine ay ang birthday ng lalaki kaya hindi niya iyon pinalampas. Excited na ngumiti siya. “Come on, Sir Brett. Make a wish.”
“Hindi ka na sana nag-abala pa.” Imbes ay malamig na sinabi ng kanyang Boss. “It’s just another twenty-four hour ordinary day. Like any other occasion, it will pass, too.”
Kumunot ang noo ni Katerina. Ano na naman kaya ang nangyari sa Boss niya? Sa loob ng halos isang buwan na lumipas mula nang sundan siya ni Brett sa parking lot ay bahagyang nag-mellow ang ugali nito. Kahit pormal pa rin ay hindi na ito gaanong nagsusuplado. At malaking bagay na iyon para sa kanya. Dahil kahit paano ay nakasilip siya ng pag-asa na posible niya pang matulungan ang binata.
Katerina sighed upon the thought. When she felt Brett’s strong arms around her that afternoon, she felt the fire of hope burning inside her heart once more. Iyon rin ang mismong araw na nagsimula na siyang maligalig. Dahil noong yakap siya ng kanyang Boss ay naramdaman niya ang unti-unting pagkawala ng kahungkagan sa kanyang dibdib. For some unknown reason, she felt… freed.
Pero ngayon ay parang bumalik na naman si Brett sa dati. He was back on his Shrek mode once more, with that undeniable big wall he built around him, making it impossible for her to pass through. “Sir Brett-“
“Just leave me alone, Miss Alvarez. And take the damn cake with you.”
Napasinghap siya. How can he suddenly be so cold? “Sir, okay lang ba kayo? Ano na naman bang nangyari sa-“
“Wala.” Hindi tumitingin sa kanyang sagot nito. “I’m fine. Just leave now.”
Napu-frustrate na napahugot si Katerina nang malalim na hininga. Hindi niya na talaga maintindihan si Brett. Para ito babaeng sala sa init, sala rin sa lamig. “Go on, keep fooling yourself that you are fine and that you don’t need help. Bahala ka na sa gusto mong gawin.” Hindi niya na napigilang sinabi bago siya nagmartsa palabas ng opisina nito.
“I told you so.” Halos sabay-sabay na sinabi ng mga kasamahan niyang nakaantabay sa paglabas niya.
HINDI makapaniwalang napasunod si Katerina kay Brett matapos makitang basta na lang ito dederetso sa kotse nang magsara ang restaurant. Kahit ayon sa mga kasamahan niya ay ganoon daw talaga ang lalaki ay hindi pa rin siya makapaniwala. How could he just let his birthday pass by? Ni wala siyang nakitang bumisita rito sa araw na iyon, pagkatapos ay uuwi na lang ito?
Tinapik niya ito sa balikat. “Shrek-“
Naniningkit ang mga matang hinarap siya ni Brett. “Pay me some respect. I’m still your boss.”
“Right,” Tumatangu-tangong sinabi ni Katerina saka sumulyap sa suot na relo. “But that ended two, oops… three minutes ago. It’s three minutes after ten which means I’m free now.” Nang akmang magsasalita pa si Brett ay maagap na inilapat niya ang dalawang daliri sa mga labi nito. Kahit na naiinis pa rin siya ay ayaw niya namang matulad sa buhay niya ang buhay nito. Sa kabila ng pait na alam niyang dinaranas nito ay mapalad pa rin ito kung tutuusin. He could celebrate his birthday.
Alam ni Brett kung kailan ang kaarawan nito, kung sino ang nagluwal rito pati na ang totoong pangalan nito. He had all the privileges that fate took away from her. He was blessed, for crying out loud! Ano pa ba ang ipinagsisintir nito? “Hindi ka ba nanghihinayang? Malapit nang mag alas-dose. Tumanda ka nang isang taon ngayong araw pero hindi mo man lang ice-celebrate ‘yon?”
Tumigas ang anyo ni Brett pagkatapos ay inalis ang mga daliri niya sa labi nito. “Whatever I do with my life is none of your business, Miss Alvarez.” Sagot nito saka tuluyan nang pumasok sa sasakyan.
Naiiling na hinawakan ni Katerina ang pinto ng kotse ni Brett nang akmang isasara na nito iyon.
“Margie told me that you live alone. Pagdating mo sa bahay mo, ano’ng gagawin mo? Nganganga? O kaya magsesenti ka?” Nang matigilan ito ay nagpatuloy siya. “Come on, Brett. Paminsan-minsan, masarap rin ang may kasamang iba, lalo na sa ganitong mga importanteng okasyon. Masarap rin ang feeling na may nakakaalala sa ’yo, na may babati sa ’yo at matutuwa dahil nag e-exist ka sa mundo. Don’t you want that?”
Ilang saglit na natahimik ang binata bago sumagot. “I don’t.” Tuluyan na nitong isinara ang pinto ng kotse nito at pinaharurot iyon palayo.
Comments
The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats