Login via

Caught Between Goodbye And I Love You novel Chapter 2

ODDLY enough, Throne found himself short of breath. Sa ilang araw na pagsunod-sunod kay Christmas ay ngayon lang niya nakita ng malapitan ang dalaga. Of course, he had seen her pictures before but none of them did her justice.

Christmas was simply... a total knockout. Mula sa ginintuang alon-along buhok ng dalaga na umabot hanggang sa baywang at malalantik na pilikmata na binagayan ng mapupungay na kulay-tsokolateng mga mata. Para bang nililok ang nakaarkong mga kilay nito ng isang henyong iskultor. Matangos din ang ilong at kulay rosas ang mga labi nito.

College graduation nila ni Jethro nang huling makita ni Throne si Christmas. May gatas pa sa mga labi noong panahong iyon ang dalaga. Maganda na si Christmas noon pero hindi niya inakala na mas gaganda pa ito ngayon. Naipilig niya ang ulo pagkatapos ay malakas na napatikhim.

"What's wrong?"

Pakiramdam niya ay nakuryente siya nang mahigpit na kumapit si Christmas sa kanyang braso. He was momentarily distracted by her tears. Crying or not, she was undoubtedly, the most beautiful woman he had ever laid eyes on.

"S-sinaktan niya ang g-guard," simula ng dalaga sa nanginginig na boses. "And he's... he's after me."

Kumunot ang noo ni Throne. Bago pa siya makapagtanong ay nakarinig na sila ng malakas na pagsigaw.

"Siya ba, ha?! Siya ba ang ipinagmamalaki mo sa 'kin, Christmas?" Naningkit ang mga mata ni Throne nang duruin siya ng bagong dating na ang edad ay hindi nalalayo sa dalaga.

Inalalayan niya si Christmas hanggang sa makatayo ito nang maayos. "Listen, Barbie. I need you to do three things for me." Maagap na sinalo niya ang hawak na bari ng lalaki nang akmang ihahataw iyon sa kanya. Inihagis niya ang baril pagkatapos ay sinipa ang lalaki. "One, relax. Two, run. And three..." Bahagya niyang itinulak ang dalaga palayo. "Call the police."

Nang makita ni Throne na tumakbo na si Christmas ay saka niya muling hinarap ang lalaki na kaagad siyang dinaluhong ng suntok na hindi niya nagawang iwasan.

"Damn!" Nagsalubong ang mga kilay niya nang malasahan ang dugo sa kanyang mga labi. "Hindi ako pumapatol sa mga bata but since you're acting like a real spoiled brat, I think I'd have to make an exception," aniya pagkatapos ay binigyan ng dalawang malakas na suntok sa sikmura ang lalaki. Sumunod ay nagpakawala siya ng isang sipa sa dibdib nito. Tulog na bumagsak ang lalaki sa sementadong daanan.

Mayamaya ay palihim na napangiti si Throne nang makita ang paparating na si Christmas kasama ang dalawang pulis. Hindi iyon ang pinlano niyang pagkikita nila ng dalaga pagkalipas nang maraming taon. Pero mukhang tinutulungan siya ng langit para mapabilis ang lahat.

Dinukot niya ang panyo sa bulsa ng pantalon at inihagis sa mukha ng lalaki. Thanks, kid. Kung 'di ka dumating at nagwala, baka hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung paano magiging instant bida.

NAPAHINTO sa mabilis na paghakbang si Christmas nang tuluyang mabistahan ang mukha ng estrangherong tumulong sa kanya. Sa tindi ng takot kanina ay hindi na nagawang rumehistro pa sa kanyang isip ang itsura nito pero ngayong ganap na siyang nakabawi at naglalakad palapit ay palakas na nang palakas ang pagtibok ng kanyang puso.

Isang tao lang ang may kakayahang gumawa niyon sa kanya.

"T-Throne?"

Ngumiti ang binata pagkatapos ay yumukod. "At your service."

Napasinghap si Christmas. He still had that husky voice that she had been hearing in her dreams over and over again. Halos walang nagbago sa itsura ni Throne maliban sa buhok na kasindilim ng gabi na pinahaba na ng binata. Tuwid na tuwid at hanggang balikat iyon. Ganoon pa rin ang makakapal na mga kilay ni Throne, ang abuhing mga mata na para bang palaging nang-aakit kung tumingin, aristokratong ilong, at makikipot na labing bihira kung ngumiti. Bahagyang dumudugo ang mga labi nito nang mga sandaling iyon.

Nag-aalalang napalapit siya kay Throne. "P-pasensiya ka na. Nasaktan ka pa tuloy," mahinang wika niya at dahan-dahang iniangat ang kamay at pinahid ang dugo sa mga labi ng binata gamit ang mga daliri. Their gazes locked and for a while, she was lost. God... she missed those eyes.

"Kami na po ang bahala sa lalaking ito, Ma'am, Sir. Gano'n na rin po sa gwardiya pero sumunod pa rin po kayo sa presinto para sa statement ninyo. Iyon ay... kung hindi na po kayo busy."

Napapahiyang lumayo si Christmas kay Throne nang marinig ang para bang nanunuksong boses ng pulis.

"Salamat, Chief," ani Throne. "We'll just follow later." Nang makaalis na ang mga pulis kasama si Marcus at ang gwardiya ay amused na natawa ang binata. "After so many years... sino'ng mag-aakalang dito tayo magkikitang muli? At sa ganitong sitwasyon pa?"

Kumunot ang noo ni Christmas. "N-naaalala mo 'ko?"

"With a face like that, how can I not remember, Christmas Llaneras?"

"Bolero." Nag-iinit ang mga pisnging napangiti siya. Gusto niyang magtatalon sa kilig kung hindi lang nakaharap at titig na titig si Throne sa kanya. In his faded maong jeans and simple navy blue long-sleeved polo, he looked every inch the man of her dreams. "Siyanga pala, salamat sa-"

"Pero hindi ako tumatanggap ng basta salamat lang, Barbie. Wala nang libre sa panahon ngayon." Napailing pa ang binata. "If you really want to thank me, do it the proper way. Go out on a date with me."

"PATIENCE isn't really one of my virtues, Barbie. Besides, hindi ko ugali ang patagalin ang nagiging utang ng tao sa 'kin kaya naniningil kaagad ako," ani Throne pagkatapos ay inalalayan siya pababa ng kotse.

Si Throne na ang nagboluntaryong ihatid si Christmas habang kasalukuyan pang nasa casa ang kanyang kotse. Inabot na sila ng gabi. Dumaan pa sila sa ospital kung saan dinala ang guwardiyang nawalan ng malay pagkatapos itong pukpukin ni Marcus ng baril sa ulo. Christmas sighed. Unconscious pa rin ang guwardiya nang mga sandaling iyon pero umaasa siyang magkakamalay na ito sa mga susunod na araw para personal siyang makahingi ng tawad.

Comments

The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You