"HOW'S revenge one-o-one coming along so far? Any luck?"
Marahas na napabuga ng hangin si Throne sa tanong na iyon ni Brylle nang tawagan siya ng pinsan. Mabuti na lang at nag-aayos pa ang banda ni Christmas sa stage kaya malinaw pa niyang naririnig ang pinsan sa kabilang linya. Pansamantala munang iniwan ni Byrlle sa assistant nito ang pamamalakad sa Brylle's para magbakasyon sa England kasama ang asawa para sa kanilang first year wedding anniversary.
Umaga pa lang ay tinawagan na siya ni Christmas. Nagpapaunawang sinabi ng dalaga na sa Brylle's na lang sila magkita dahil walang mahanap na substitute vocalist ang banda nito kaya pagkatapos na lang daw ng gig sila mag-date. Mabuti na lang at naibigay niya ang kanyang calling card noong gabing inihatid niya ang dalaga.
Damn, what a demanding woman!
Heck, if only she wasn't Christmas Llaneras, there was no way he would let her call the shots. He was always the boss and never the subordinate and yet...
Iginala ni Throne ang mga mata sa bar para kalmahin ang sarili. Naitutok niya ang kanyang mga mata sa mga customers sa resto bar. Halos magkakapareha ang mga naroon nang mga oras na iyon.
"Oh, great. I'm surrounded by foolish hopeless romantics."
Malakas na natawa ang pinsan. "You mean you're in my bar?"
Hindi na siya nakasagot nang magsimula nang tumugtog ang banda ni Christmas. And there goes that demanding woman on the stage, holding her guitar while sporting the most gorgeous smile he had ever seen.
Sa liwanag na nagmumula sa spotlight ay malinaw nang nakikita ni Throne si Christmas sa kabila ng naggagandahan ding mga kasama nito. Tanging sa dalaga lang natuon ang buo niyang atensiyon. Nakasimpleng puting sleeveless top lang si Christmas kaya litaw na litaw ang makurbang katawan nito na tinernuhan ng hapit na hapit na pantalon na nagpalabas ng mahahaba at mahuhubog na hita ng dalaga.
Naibaba ni Throne ang cell phone nang hindi namamalayan. Dumiin din ang pagkakahawak niya sa mga bulaklak na dala. Nang makita siya ni Christmas ay lalong lumawak ang pagkakangiti ng dalaga. As he watched her sing like an angel, he realized that her name and birthday fitted her perfectly because at that very moment, she looked every inch... an early Christmas gift.
Hell, I can't believe I just praised the woman I'm supposed to hate. Naiinis na naipilig ni Throne ang ulo.
"I CAN'T let you pass me by; I just can't let you go. Let me say the words to let you know. I would rather say those awkward words than lose you. Afraid for love to fade before it can come true..." Pagtatapos ni Christmas sa huling kanta nang gabing iyon.
Karaniwan ay mga requested songs ang inaawit nila pero ang huling awit ay nagmula sa kanya. Hiniling niya iyon sa mga kabanda dahil iyon mismo ang awit ng kanyang puso para kay Throne... na sana ay lubos na pinakinggan ng binata.
Matamis na ngumiti si Christmas nang magpalakpakan ang mga customers pagkatapos ay mabilis na nagpaalam sa mga kasamahan. Parang may pakpak ang mga paang bumaba siya sa stage. Naglaho lang ang kanyang ngiti nang agad siyang sundan ni Rodrigo.
"What's up with the minion?" salubong ang mga kilay na bungad ni Throne pagkaupo niya sa silyang katapat ng binata na siyang ipina-reserve niya para sa kanila. Balewala namang nakatayo pa rin si Rodrigo ilang dangkal ang layo sa kanya.
Napabuntong-hininga si Christmas. Inilahad niya sa binata ang napag-usapan nila ng kanyang kapatid.
"Sabagay, it's a wild world out here," napatango pang sinabi ni Throne mayamaya. "Kung sa kapatid ko rin siguro nangyari ang nangyari sa 'yo, baka mas matindi pa ang gawin ko."
Kumunot ang noo ni Christmas sa bahagyang pagdiin ng boses ni Throne. And for a while, she thought she saw rage flit across his gray eyes but it happened too fast that she even doubted what she saw. Naipilig niya ang ulo sa pagbabaka-sakaling nadala lang ang binata ng emosyon. "There's nothing I wouldn't do for Cassandra," dagdag pa nito.
Humahangang napatitig siya sa binata. Mababakas sa mukha nito ang malaking pagpapahalaga para sa kapatid. High school pa lang ay ni-research niya na ang buhay ni Throne kaya kilala niya ang tinutukoy nitong "Cassandra" kahit sa litrato pa lang ito nakikita. Katulad ng kanyang kapatid, mailap din ang dalaga sa pagbibigay ng personal na impormasyon tungkol sa sarili. Nalaman din niya ang nangyaring paghihiwalay ng mga magulang ni Throne pati na ang pagiging ramp model ng kapatid nito na ang edad ay hindi nalalayo sa kanya.
Updated pa rin si Christmas sa buhay ni Throne kaya naman hindi nakatakas sa kanya ang balitang isa ang binata sa mga itinuturing na most eligible bachelor in town sa isang women's magazine. Naroon din sa listahan ang Kuya Jethro niya pero mas may alam pa rin siya sa nangyayari kay Throne kaysa sa kapatid. Pumapayag kasi kahit paano sa mga interview ang binata. Kung minsan ay uma-attend rin ito sa social gatherings hindi tulad ng kanyang kapatid na mailap masyado sa mga tao. Ni hindi nga malalaman ni Christmas na nagkaroon ng girlfriend ang kanyang kuya kung hindi pa ito nagbakasyon sa Spain at sinabing gusto daw kalimutan ang naging girlfriend.
"Hmm... let's see."
Natigil si Christmas sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang para bang nagbibirong boses na iyon ni Throne.
"First, I'm going on a date with you and your minion. So, that means I'd have to be careful of my actions because everything I do or say can be used against me. Second..." bahagyang inilapit ng binata ang guwapong mukha nito sa kanya dahilan para sandali siyang matuliro. Langhap na langhap niya ang mabangong hininga ni Throne pati na ang suwabeng cologne nito. "You're drifting away, Barbie. Hindi mo na 'ko pinapansin at nakakasama 'yon ng loob." Pumalatak ito. "I hate to admit this but it seems like my charm's not as effective as before anymore."
Comments
The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You