ILANG ulit na napahugot ng malalalim na paghinga si Christmas para payapain ang nagwawala niyang puso nang mga oras na iyon. Kung hindi lang nakatitig sa kanya si Throne, siguro ay nagtitili na siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. She just received her first kiss! At higit pa iyon kaysa sa kanyang inaasahan. There were no fireworks, just pure fire; a magical fire that left her breathless for a while. Throne's kiss made her surrender and feel like a thirteen year-old girl again.
"So... may ibang sauce pa ba?"
Disoriented na napailing siya. "W-wala na."
Pilyong ngumiti ang binata. "Sayang naman."
Naguguluhang napatitig si Christmas kay Throne. "Bakit... bakit mo 'ko hinalikan?"
Ngumiti ito at muli ay gusto niyang malunod sa sensasyong gumuhit sa kanyang puso sa simpleng ngiting iyon. "Naniniwala ka ba sa extreme like at second sight? Ako, noon, hindi. But looking at you right now has made me believe that such a thing exists."
Napaawang ang mga labi ni Christmas samantalang napahaplos naman si Throne sa buhok nito. "I know it doesn't sound as promising as love. But I hope we'll be able to get there... one baby step at a time." Ibinaba ni Throne ang plastic cup na naglalaman ng fish ball at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Alam kong masyadong mabilis pero hindi naman kita mamadaliin. All I'm asking for is a chance for us to find out where this thing will lead us."
Akmang sasagot pa lang si Christmas nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis na inabutan ni Throne ng isang libong piso ang tinderong para bang nanonood ng teledrama sa pamamagitan nilang dalawa. Maagap na hinubad nito ang jacket na suot at ipinandong sa kanyang ulo. Igigiya na sana siya ng binata sa nakaparadang kotse nang huminto siya.
She had always loved the rain. Palagi siyang naliligo sa ulan noong bata pa siya sa kabila ng sermon na inaabot sa mga magulang. Mabuti na lang at umulan nang gabing iyon. It became her way to conceal her tears. Kay tagal na niyang minamahal si Throne. Kung kaya't ang marinig ang mga sinabi nito ay isang malaking milagro na para sa kanya.
"Christmas, ano'ng-"
"Kailan ka ba huling naligo sa ulan?" sa halip ay tanong niya.
Nag-iwas si Throne ng tingin. "I never had the time to-"
"But you have the time now." Hinawakan niya ang mga kamay ng binata. "Sige ka, hindi kita bibigyan ng chance." Napangiti siya nang makita ang pagkislap sa mga mata ng binata. Sa isang iglap ay nakakulong na siya sa mapagpalang mga bisig nito.
Kontentong ipinikit ni Christmas ang mga mata. So this is what heaven feels like.
HINDI alam ni Throne kung saan nanggaling ang tila panghihinayang na kanyang naramdaman nang kumawala sa yakap niya si Christmas. Parang bata na umiikot-ikot ito sa gitna ng ulan. Napasulyap siya sa paligid. Para namang namangha ang mga nagtitindang naroon lalo na ang kalalakihan sa ginawa ng dalagang tila bumuo ng sariling mundo nang mga oras na iyon.
Kunsabagay, hindi niya masisisi ang mga taong humahangang nakatingin kay Christmas sa kabila ng ginagawa nito. He did not know how she did it but every little thing she did just appeared... sexy. Para bang napakalaya ni Christmas pagmasdan. Nakabukas ang mga braso nito habang ine-enjoy ang bawat patak ng ulan.
Throne hated the rain. Palaging umuulan tuwing iniiwan sila ng kanyang kapatid ng mga taong mahalaga sa kanila. It was raining when their parents left them. It was also raining when their grandfather passed away. Wala siyang magandang alaala sa ulan. Pero mukhang magkakaroon na siya ng ibang alaala sa mga sandaling iyon.
Kay raming mga bagay na ipinaramdam sa kanya ni Christmas sa loob lang ng isang gabi. Mga bagay na sa buong buhay niya ay hindi niya naranasan. Mariing ipinikit ni Throne ang mga mata at sinubukang alalahanin ang sitwasyon ng kapatid. Cassandra, this is for you. And it will always be... for you.
Comments
The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You