Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 2

Kabanata 1:

The Start

_______

Clarity's Pov

"Hoy babae, ano ba? May masakit ba sayo?"

"Celine, nahihilo ako grabe."

"Ba't ka pa pumasok?! Hoy babae! Umuwi ka nalang muna at ako na ang bahala kay Sir. Migz dahil nawala ka. Bilis."

"Salamat bes ah? Sige."

Inayos ko agad ang mga gamit ko at nagpaalam na rin kay Celine. Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng ulo ko tuwing sasapit ang alas-kwatro ng hapon. Nagpa-kunsulta na rin ako sa doctor pero wala silang maisagot sa akin. Sakit ba ito? Sumpa or what?Nakakabagot!

Pumara agad ako nang taxi nang may makita ako. Tinignan ko rin ang cellphone ko at nakita kong may text si Celine. Hindi naman daw nagalit si Sir. Migz. In fact, kung siya ang nasa kalagayan ni Celine kanina ay hindi na 'yun mag-aatubili pang ihatid ako sa bahay namin.

Bakit? Isa kase siya sa mga manliligaw ko. Ayaw ko naman siyang paasahin kaya agad ko siyang tinaboy pero sadyang may lahi siyang kakaiba dahil mapilit siya.

Hindi ko naman kayo masisisi, isa akong magandang babae. Sabi nang mga karamihan. Wala na akong magulang. Namatay na sila.

Noong kapapanganak lang daw sa akin. Si Papa daw ay nasagasaan samantalang si Mama naman ay namatay sa araw ng ipinanganak niya ako.

Minsan naiisip kong posible naman 'yon pero mas lamang sa isip ko ang imposible. Hays. Nababaliw na naman ako. Pagka-uwi ko sa bahay namin ay sinalubong ako ni Blake, kapatid ko.

"Ate Clary!"

Sinalubong niya ako nang yakap kaya kinarga ko siya. Isa rin ito sa pinagtataka ko, sabi nila namatay ang mga magulang ko nang ipinanganak ako diba? Pero, bakit ako may kapatid? Insane.

Wala, tinanggap ko nalang siya. Tinuring ko na parang kapatid ko talaga kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung katotohanan o pawang kasinungalingan lamang.

"Ang baho mo na, baby Blake. Maligo ka muna."

Ito pa, baby Blake ang tawag ko sa kanya. Bakit? Kase 7 years old palang siya. Jeez. I'm 28 for goodness sake. So? Noong 21 years old ako nag-anak ulit sila ni Mama at Papa? Ano 'yon?

"Ate Clary, ipinapabigay sayo nong mamang lalaki kanina. Buksan mo daw at itago."

Inabot ko sa kamay ni Blake ang isang kahon na kulay pula na may pula ring ribbon sa labas. Birthday ko ba? Sa pagkakaalam ko kase ay sa susunod na buwan pa ang kaarawan ko. Weird.

To: My Beautiful Clary

Keep this gift and no matter what happens, don't throw this. We'll see each other soon.

-AK

Nawi-weirduhan rin ako sa lalaking nagpapadala sa akin nang mga regalo. Puro picture ko lang naman kasama si Celine at si Blake. Stolenshots. Ayaw ba niyang mag-pakita sa akin? Soon? Kailan pa yung soon na sinasabi niya? Kainis!

Pumasok nalang ako bahay namin na nirentahan namin last year. Simula nang lumipat kami dito ay hindi na ako nagkaka-utang sa kahit na sino pang tao. Sila pa yung nangungutang sa akin.

Kapag may mangungutang sa akin, kakapain ko lang ang bulsa ko ay meron na agad perang nasa kamay ko. Ang weird lang talaga.

Nilapag ko yung kahon sa lamesa at dumiretso sa kusina upang kunin ang gamot ko. Ininom ko na agad 'yon at umakyat sa kwarto ko upang makapag-palit ng damit. Nag-suot lang ako nang black short at white T-shirt tutal nasa bahay lang naman ako at wala namang taong bumibisita dito sa bahay namin maliban lang kay Celine.

"Ate Clary, nagugutom na ako."

Napalingon ako kay Blake at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ko. Paano 'to napunta dito? Hindi ko naman narinig na bumukas ang pinto ng silid ko.

"Ahh. Wait lang Blake ahh. Bibili lang si ate ng meryenda."

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride