Kabanata 2:
EKS
______
Clarity's Pov
"Ay girl, alam mo na ba ang balita? Meron daw bagong employee. And jeez, hot daw bebe. Err."
Napa-taas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Sa halos lahat na binabalita niya sa akin ay wala akong iniintindi na kahit ano. Maliban nalang yata 'dito'.
"Oh? Kilala mo?"
"Interesado ka ba?"
Tinaasan ako ng kilay ni Celine kaya inirapan ko siya. Sasabihin niya sa akin na may bagong employee tapos 'pag tinanong ko kung sino, 'yon lagi ang sagot. Kaimbyerna!
"Hehehe. Ethan daw ang pangalan bebe."
Ethan?
Napahawak ako sa paa ko nang biglang sumakit. Sumentro pa talaga doon sa anklet na binigay sa akin ni Tita kagabi.
"Clary, lagi mo 'tong isuot. Kahit na anong mangyari, huwag na huwag mo 'yang tatanggalin."
Isinuot sa akin ni Tita ang itim na anklet na may heart-shaped sa gitna na kulay pula. Tinitigan ko 'yon at parang mamahalin.
"Saan galing 'to Tita? Mukhang mahal eh."
"That's the Anklet Course, kapag may ganyan ka ay walang mangyayaring masama sa iyo."
Napaisip ako sa sinabi ni Tita. Walang mangyayaring masama? So, hindi na ba ako mahihilo tuwing alas-kwatro nang hapon?
Anklet Course? Ganda nang tawag ahh.
"Oh? Anong nangyari sa'yo babaita? Sumasakit na naman ba ang ulo mo?"
"Ulo? Eh sa paa ako nakahawak? Tanga lang?"
Binatukan ako ni Celine dahil sa sinabi ko. Tama naman ako diba? Kailan pa naging ulo ang paa? Sagot dali. Tss.
"Lunch na. Kakain muna ako."
Kinuha ko ang baunan ko at agad 'yong binuksan. Lagi naman ganito ang baon ko lagi, isang pirasong manok at kanin with chocolate sandwich at mineral water. On diet ang lola niyo. Hahaha.
"Yan na naman pagkain mo? Halika dali para maiba naman. Kagigil ka Clarity."
Hindi pa ako nakakasubo sa pagkain ko nang bigla akong hinigit ni Celine. Ay bastos! Kuntento na naman ako sa pagkain ko!
"Ano ba, Celine! Kumakain 'yung tao eh."
"Tao ka ba? Poste ka oy!"
Napatingin ako sa aking 'hinaharap' at ganun na lang ang paglaki nang mata ko. Hindi naman ako flat ahh. Leche tong si Celine! Asset ko kaya 'tong pagiging 'ano' ng 'ano' ko.
"Dito ka muna. Ako nalang oorder nang pagkain natin."
Pumasok kase kami ni Celine sa isang restaurant na ang lahat ng mga waiter at waitress ay naka-face mask. Kulay pula pa at itim ang theme. Kakatakot.
Pumwesto ako sa sulok para walang makakita sa amin. Ayoko nang pagkakain ako ay maraming nakatingin. Nakakahiya.
"Hi miss. Pwedeng maki-share nang table? Puno na kase eh."
Napalingon ako sa lalaking nasa harapan ko at taka ko siyang tinignan. Anong pinagsasasabi nito?
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride