Kabanata 3:
Daekiy Maltragi Siapled
_______
Clarity
"Anong ginawa mo Clary?! Bakit nagkaroon ka nang ganyang letra sa braso mo?!"
"Eh T-tita, wala naman po a-akong ginagawa--"
"Meron Clary! Ginalit mo siya!"
"S-sino po?"
Kanina pa talaga ako nawi-wirduhan dito kay tita Mildred. Nang umuwi ako sa bahay namin kanina maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, pero ng makita niya ang mga letrang nasa braso ko ay agad umiba ang anyo niya.
Ano bang meron dito sa mga letrang 'to? Instant tattoo.
"W-wala. Hala, sige! Puntahan mo na si Blake sa kwarto niya."
"Eh Tita Miling, may dinner date po kami mamaya ng boss namin. Alam niyo naman pong nililigawan niya ako diba?"
Biglang napatigil si Tita ng sabihin ko ang mga katagang 'yon. Totoo naman diba? Baka 'pag tinanggihan ko si Sir Migz ay baka bumaba na ang pwesto ko sa kumpanya.
"Itigil mo 'yan Clary. Pinagseselos mo siya kaya nagkaroon ka ng ganyang letra. Binabalaan kita Clarity, huwag kang dumikit sa mga lalaki."
Kanina pa talaga ako hindi makatulog dahil sa mga sinabi sa akin ni Tita kanina. Sino bang 'siya' ang tinutukoy niya at parang pagmamay-ari na niya ako?
Kilala ko ba siya? Bakit niya ako kilala? Wala akong ideya.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang may marinig akong katok sa pintuan ko.
"Sino 'yan?"
Imposible naman kasing si Blake dahil alas tres na ng madaling araw ngayon. Panigurado ay tulog na 'yon ng ganitong oras.
Nang wala akong narinig na sagot galing sa labas ay agad akong kinutuban. Sino yon? Paano siya nakapasok sa bahay namin? Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palapit sa pintuan.
Jeez! Sana naman hindi 'yan multo oh. Nako, baka mahimatay lang ako lord.
"Wala ba talagang tao diyan?"
Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at wala akong narinig na kung anong ingay galing sa labas ng kwarto ko. Guni-guni ko lang ba 'yon?
"Bulaga!"
Pagkabukas ko ng pintuan ko ay madilim na sala namin ang tumambad sa akin. Huh? Bakit walang tao? Bakit madilim? Hindi ko naman pinapatay ang ilaw sa kusina ah? Baka multo!
"Huwag niyo kong gaguhin mga multo kayo. Inamers ka Valentine."
Yeah. I'm totally weird. Why? Dahil binibigyan ko nang mga pangalan ang mga multong naiisip ko. Gawain ba yun ng matinong tao? Haha.
"Tss. Valentine ahh, huwag mo akong takutin--"
Napalingon ako sa paa ko nang may maapakan akong bagay. Nakakita ako ng pulang kahon kaya agad ko yong kinuha.
To: My Beautiful Clary? Siya na naman ang nagpadala ng regalo sa dis-oras ng madaling araw?! Seriously?!
Don't make me angry Clary. Daekiy maltragi Siapled.
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride