Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 5

Kabanata 4:

That Guy

___

Clarity

Pinapasaya mo siya Clarity.

Sino bang 'siya' ang tinutukoy ni tita?! Nakakainis na. Hindi manlang siya nagbigay ng clue kung sino yung taong sinasabi niya. Close kaya kami non?

"Clary masama pa ba ang pakiramdam mo? Ikaw ba ang susundo kay Blake ngayon?"

"Opo tita. Dadalawin ko rin naman po kase si Kuya Kaleb sa sementeryo."

Nasabi ko na ba sa inyong may kapatid akong mas matanda pa sa akin? Well, he's Kaleb Fuentabella. Naniniwala akong kapatid ko siya dahil naabutan ko siya kaso sa kasamaang palad ay bigla nalang siyang nawala ng parang bula ng dumating ang ika-pito kong kaarawan. Fantastic.

Si Kuya Kaleb ay isang gwapong nilalang. Sa kanya naman siguro ako nagmana. Kung nabubuhay pa siya ngayon 33 years old na siya. 28 kase ako ngayon at limang taon ang tanda niya sa akin. Mahal na mahal ko si Kuya Kaleb pero hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Hindi manlang siya nagbigay ng false alarm. False Alarm? Seriously, Clarity? But now, I'm fully contented because Blake is always there for me.

Nagbihis na ako ng isang plain white dress at kinuha ang 4 inches heels ko. Sanay naman akong mag-heels dahil lagi akong naka-heels sa opisina.

Patay. Hindi ko pa pala alam ang idadahilan ko kay Sir Migz kung bakit hindi ako naka-punta sa dinner date namin kahapon. Lagot na talaga ako nito.

Kinuha ko ang sling bag ko sa kama at agad nang umalis sa bahay.

Clarestine Academy

Tinitigan ko muna ang napaka-taas na gate nang school ni Blake. Grabe, ano kayang height nitong gate na 'to? Height?

Siguro, isasabay ko nalang si Blake sa pagbisita kay Kuya.

"Ma'am, ano pong kailangan niyo?"

"Labasan na ba ng grade two- Labrefrev?"

Tumingin yung mama sa relo niya at maya-maya ay umiling sa akin, "Mga isang oras pa ho ma'am bago ang labasan nila."

"Ahhh. Salamat po."

Umupo ako sa isang mga benches at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Ang weird nga ng pangalan ng section nila Blake. Labrefrev? Base from Blake, Labrefrev is the name of the wildest wolf in the world. That's insane! Wolves are not true. They're just imagination. They didn't exist.

Nilingon ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng kumpol ng mga lalaki. Base sa mga pangangatawan nila, mga 30+ na ang age nila pero pagdating sa mukha ay mapagkakamalang teenager sila.

May tattoo, earrings at kung anu-ano pang mga kagaguhan sa katawan nila. Eh?

Wait, parang si Kuya Kaleb yung isang lalaki! Imposible naman dahil patay na siya pero alam kong sa sarili ko na siya yun.

Naglakad ako sa mga kumpulan at kinalabit ko yung isang lalaki.

"Yes?"

"K-kuya?"

Biglang nanlaki ang mata niya nang makita ako at biglang hinablot sa kaibigan niya yung scarf at pinang-takip yon sa mukha niya bago nagsitakbuhan.

"K-kuya--"

Hindi ko na sila nakita dahil ang bilis nilang tumakbo. Hindi ako nagkakamali! Si kuya nga yon!

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride