Kabanata 5:
Unang Tagpo
__________
Clarity
"Blake, saan ka ba nanggaling kagabi?! Alam mo bang pinag-alala mo si ate?! Tapos maabutan nalang kitang nanonood ng Basketball sa bahay! Waaahhh! Sino naghatid sayo?!"
Tinitigan lang ako ni Blake na parang isang baliw na wala sa sariling pag-iisip. Parehas lang ata iyon. Ngumiwi siya sa akin at binalik ang mga mata sa pinapanood niyang basketball. Aba!
"Blake! Kinakausap pa kita!"
Pinatay ko ang TV at pumwesto sa harap niya. Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at pinang-liitan ko siya nang mata. Parang wala siyang narinig dahil tumayo siya at nag-simulang maglakad.
Aba! Ay Ewan!
_________
"Clarity, patay ka! Ba't ka pa kase umabsent kahapon? Galit na galit si Sir Migz."
Bigla akong natakot dahil sa sinabi sa akin ni Celine. Galit? Hala!? Nag-mukha kayang dragon si sir kahapon? Patay talaga ako nito. Hindi ko pa siya sinipot sa dinner date namin.
Dumiretso nalang ako sa table ko at nilapag ang mga dala kong gamit. Paano na kaya? Hays. Paniguradong mawawalan na ako nang trabaho nito.
"Clarity Fuentabella, tinatawag ka ni Sir Miguel."
Napa-angat ako nang tingin nang tawagin ako ng secretary ni Sir Migz. Jusko. Ito na ba ang katapusan ng trabaho ko? Paano na ang pag-aaral ni Baby Blake? Nako!
Nilunok ko muna ang tubig na ininom ko bago naglakad papunta sa office ni Sir. Baka may dragon na talaga diyan. Dinosaur perhaps.
Kumatok muna ako sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Sir Migz na nakatuon ang atensiyon sa mga papel na nasa harap niya.
"S-sir?"
Nag-angat siya ng tingin at tinuro ang silyang nasa harapan niya. Agad akong umupo doon at yumuko. Ang kapal nang mukha kong pumasok pa dito sa opisina.
"Clarity, pwede mo namang sabihing hindi ka pupunta sa date natin, hindi yung pinaghintay mo pa ako nang 5 oras sa labas ng bahay niyo. Seriously Clarity?! 8 PM to 1 AM? Nagmukha akong tanga kakahintay sa'yo tapos hindi mo pala ako sisiputin? What do you think of you Clarity?! You can fool everytime around!?"
"I'm s-sorry---"
"You're fire!"
_______
Hays. Hindi ko alam kung bakit ako inalis sa trabaho. Hindi sapat na dahilan ang hindi ko pagsipot sa dinner na sinasabi niya. May matindi pang dahilan. Pero hindi ko alam kung ano yon.
"Bigyan niyo ako ng pinaka-matapang niyong alak. Bilis!"
At nasabi ko na ba sa inyo na nasa bar ako ngayon? Hindi ko alam kung bakit ako nandito, basta dito lang ako dinala ng mga paa ko.
Ang weird nga ng mga tao dito. Kanina pagpasok ko tinanong nila ang pangalan ko pero nang malaman nila, lahat sila nagbow sa harap ko. Nag-mistulang buddha tuloy ako kanina.
"Our Luna."
"Our Luna."
"Our Luna."
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride