Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 7

Kabanata 6:

Looking For Job

________

Clarity

" Ate Clary, umaga na. Bangon ka na po. "

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit. Ano bang nangyari? Hays, uminom nga pala ako sa bar kahapon! Jusko! Ilang alak kaya ang nainom ko?

" Sige baby. M-mamaya na ako bababa. "

Umalis na si Blake sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at nilibot ko ang paningin ko. Ba't sumasakit ang paa ko? Jeez! At bakit rin ako naka-suot ng puting bestida at pulang medyas?! Wala akong natatandaang may ganito akong damit at kailan ko naman 'to sinuot?

Ginulo ko ang buhok ko at tumayo na. Tinignan ko ang mesa ko at nakakita na naman ako ng kahon na may ribbon. Hays. Si secret admirer na naman. Si EKS/AK.

Kinuha ko yung kahon at binuksan ko. Nakakita ako ng isang maliit na singsing na may itim na diamond sa gitna. Para saan 'to?

To: My Beautiful Clary

Wear that ring... always.

-EKS

Napalingon ako sa singsing at sa sulat. Inuutusan niya akong isuot ang singsing? Aba!

Pero parang na-hypnotize ng singsing ang mga mata ko dahil nakita ko nalang ang sarili ko na sinusuot ang singsing. Ang weird naman talaga.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at ganun nalang ang paglaki ng mata ko sa nakita ko.

" WAAAHH! BAKIT PULA ANG BUHOK KO?! "

_________

" Blake, ginalaw mo ba ang buhok ko kagabi? "

" Hindi. "

Huh? Kung hindi siya, sino naman ang tangang gagawa ng ganito? May karapatan ba siyang palitan ang kulay ng buhok ko? Kainis namaaannn!

" Ate, wala ka bang trabaho ngayon? "

Napatigil ako sa pagsubo ng kamote ko dahil sa tanong ni Blake. Hays. Naalala ko na naman kahapon.

" W-wala nang trabaho si ate pero pangako ko sayo Blake, maghahanap agad ngayon ng trabaho si ate. Dito ka muna sa bahay, 'wag kang lumabas. "

*

" Ma'am, come with me. "

Dahil sa sinabi ng babae ay inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo ng tuwid. Ngumiti naman siya sa akin at nauna na sa paglakad. Mababait ba talaga ang tao dito?

" So miss Clarity, welcome to Strorch Company. This is the Strorch Group of Companies. The Strorch family owned the RSM Corporation. I guess you're wondering why all the girls here are wearing red clothes and all the boys are wearing black suit and pants. Our president here command all of us to wear that kind of stuff. Who are we to disobey right? So, you must wear red clothes starting tomorrow and by the way, let's meet your boss. The CEO. "

Napahawak ako sa ilong dahil baka may lumabas na dugo. Jusko! Ganito ba talaga dito sa kumpanyang 'to? Always speak in English? Hindi ko yata kakayanin. Sana makaabot man lang ako ng one month.

Pumasok kami sa isang opisina and OMG! Ang ganda sa loob! Puro kulay silver lang ang makikita ko except sa lalaking nakatayo na may kausap sa cellphone. Grabe! Ito ba ang boss ko? Ba't parang ang hot? Gosh! Pengeng kanin may ulam na. Pwera nalang kung panget ang mukha dahil nakatalikod siya sa amin.

Akala ko ang boss ko yung matandang panot na uugod-ugod na. Pero bakit ganito? Yung biceps mga bes, ang laki.

" Ehem. Miss Fuentabella, I will leave now. Enjoy! "

Ngumiti sa akin si wait! Ano bang pangalan niya? Hindi ko man lang naitanong. Malakas niyang sinara ang pinto kaya napatigil sa pagsalita yung lalaki sa harap ko. Grrrr! Katakot.

" I'll call you later, honey. "

Binaba niya ang cellphone niya at parang nag slow motion ang mundo ko nang humarap siya.

High arrogant cheekbone, strong jawline, straight proud nose, pink sexy thin lips, long eyelashes, cold stormy blue eyes, with cool black earrings. O_O ang gwapooooo! Grabiiiii! Pwedeng tumili----

" What are you looking at, dumpy head?! "

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride