Ten years later…
“DO you want me to give you the best advice of all? Then I would. Lea, stop cheating.”
Gulat na napalingon si Lea sa katabing si Timothy matapos marinig ang mga sinabi nito. Sa pagdaan ng panahon ay ang binata na ang nagsilbing pinakamatalik na kaibigan niya. Hindi niya inakalang ang kliyente niya na iniwan niya pa noong unang date nila ay isa palang obstetrician at siya pa palang magpapaanak sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging ninong ni Janna, ang kanyang munting prinsesa.
Nasa kotse na sila ni Timothy nang mga sandaling iyon at nasa tapat na ng bahay niya. Pero hindi niya makuhang bumaba. Hindi dahil sa malakas ang buhos ng ulan sa labas. Kundi dahil sa simpleng katotohanang hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang anak matapos ng mga nalaman.
Ikakasal na si Jake. Kung hindi pa dahil sa tito Raphael nito na aksidenteng nakita niya nang umagang iyon sa isang restaurant kung saan siya nakipag-meet sa isa sa mga kliyente niya ay hindi niya pa matutuklasan ang bagay na iyon. Dahil kahit ang assistant ng binata ay walang sinasabi sa kanya sa tuwing nagkikita sila. Malinaw na umiiwas si Jake na ipaalam ang bagay na iyon sa kanya.
Kulang isang linggo na lang ay ikakasal na ang binata. Dapat ay hindi niya na ikagulat iyon. Nang huli niya itong makita ay mukhang napakasaya nito sa piling ng isang babae. Ihahatid niya sana ang naglalambing na anak sa opisina ng Daddy nito pero namataan niyang may ibang kasama si Jake sa corridor pa lang papunta sa opisina kaya hindi na sila natuloy ng anak. Ni minsan ay hindi niya pa nakitang naging ganoon kasaya ang binata. Puno ng kislap ang mga mata nito noong araw na iyon.
Habang si Lea ay ganoon pa rin. Madalas ay halos isumpa niya na rin ang sarili. Nagagalit na rin siya sa puso niya. Dahil sa kabila ng mga ginagawa ni Jake, ang pangalan pa rin nito ang isinisigaw ng tatanga-tangang puso niya. Nagkaroon siya ng boyfriend, si Alexis, ang may-ari ng architectural firm na pinagtatrabahuhan niya. But they were like the buildings that they design. Pinaghirapan man nilang buuin ang relasyon nila ay hindi pa rin iyon sapat para magtagal dahil napakarami niyong butas.
Dahil… pareho lang sila nito. Mga tangang naghahanap ng mapagbabalingan dahil hindi makuha-kuha ang mismong mga taong totoong minamahal, mga tangang na-in love sa mga best friend nila. Dahil kay Alexis ay nakilala niya si Diana, ang best friend nito na siya ngayong pakakasalan ni Jake.
That was how twisted their fate was. Damn fate.
“For ten years, you’ve been cheating yourself every single day, telling yourself that you’re happy. Be yourself, Lea. Stop cheating. Ngayon ko lang ito sasabihin sa ‘yo. Kung gusto mo pang lumaban, sige, lumaban ka. Pero utang na loob, huling laban mo na sana ‘to. Kung hindi pa rin maganda ang kalabasan nito pagkatapos, tumigil ka na.”
Nangilid ang mga luha ni Lea sa narinig. Nag-iwas siya ng mga mata kay Timothy at humarap sa bintana sa gawi niya. Tinanaw niya ang dalawang palapag na bahay na siya mismo ang nag-design para sa kanila ng anak.
Lea was now on the top. But she felt… so awfully low. Matunog ang pangalan niya sa sirkulong ginagalawan niya. Hindi niya na mabilang ang mga sikat na personalidad na nagkaroon ng mga bahay na siya mismo ang nagdisensyo. Mula sa referral ng mga iyon ay dumami pa nang dumami ang mga naging kliyente niya. Kung tutuusin ay totoo ang parating sinasabi ni Alexis na sa kalaunan ay bumalik sa pagiging kaibigan niya. Tutal ay doon naman sila nagsimula bago pa man sila tumalon sa mas malalim na lebel.
“Kayang-kaya mo nang magsolo, Lea.” Nakangiting sinabi pa ni Alexis. “You’ve proven yourself already. Malulungkot ako kapag nawala ka sa firm ko lalo na at ikaw ang pinaka-in demand pero siyempre ay matutuwa ako para sa ‘yo.”
Malaki na ang ipon ni Lea. Sa bank account niya lahat dumideretso ang mga kinikita niya mula sa pagtatrabaho. Dahil sustentado ni Jake ang kanyang anak. Mula sa mga pangangailangan nito hanggang sa pag-aaral. May dalawang kasambahay na rin sila na si Jake na mismo ang kumuha at isang chef. Hindi niya na iyon natanggihan simula nang manganak siya dahil hirap pa siya noon kung kumilos. Hanggang sa tumagal na ang mga iyon sa kanya lalo na at kailangan niya rin ng mga iyon para may mapagkakatiwalaan siyang susundo at magbabantay sa anak kung sakali mang mahuli siya ng pag-uwi.
Pero si Jake pa rin ang lumalabas na direktang amo ng mga ito. Ang pasweldo at panggastos sa bahay na nang hindi niya tanggapin mula sa assistant ni Jake ay ipinakuha ng binata sa mga kasambahay at chef na dahilan kung bakit hindi sila nauubusan ng stocks.
Kung gugustuhin ni Lea ay makakapagtayo na rin siya ng sarili niyang firm. At iyon na sana ang plano niya. Huling project niya na sana ang gagawin pagkatapos ay magre-resign na siya. Pero matapos nang nabalitaan, nag-aalinlangan na siya kung magagawa niya pa ba nang maayos ang magiging trabaho niya kung sakaling magbubukod siya. Napakalaking hakbang niyon. Dahil parang isang panibagong buhay ang sisimulan niya.
Pero nagdududa na siya ngayon. She was too shattered to even think of a new beginning.
Mabibilang sa daliri kung ilang beses lang tumapak si Jake sa pamamahay niya. Madalas ay parating pa lang si Lea mula sa opisina, ito naman ay pauwi na mula sa pagbisita sa anak. Matapos ng simpleng kumustahan ay aalis na rin ito. Hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-usap ng personal. Ang tungkol kay Janna ay sa assistant na nito inaalam o kaya ay ang anak na nila ang mismong tumatawag rito at ipinapaalam ang tungkol sa grades nito o activities sa school. Tuwing birthday ng anak nila o ni Jake ay nag a-out of town silang tatlo dahil na rin sa request ng anak. But they both never took a moment to talk. Even for a while. Lagi itong umiiwas.
From best friends, they became strangers. Completely.
Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Lea nang maalala ang panganganak niya. Siya lang mag-isa noon. At takot na takot siya. Hindi niya ma-contact si Jake pati na ang assistant nito. Ang mga magulang niya ay iniwasan rin ang mga tawag niya. Ang doktor niya lang ang naging sandalan niya. Si Timothy pa ang sumundo sa kanya matapos niyang tawagan noong nagli-labor na siya. Dumating si Jake kinabukasan na. Noon niya lang nalaman na nasa ibang bansa pala ito para sa kung anong business conference kasama ang assistant nito.
“My baby…” Naglaro sa isip niyang namamaos na sinabi ni Jake nang maabutan siyang karga ang kanyang anak. “C-can I… h-hold her?”
Sa halip na sumagot ay pinakatitigan ni Lea ang binata. “Alam kong hindi mo ako mahal. Pero ‘wag mo naman sanang idamay pati ang anak ko, Jake.” Emosyonal niyang sinabi pagkaraan ng mahabang sandali. Halos masiraan siya ng bait sa panganganak. Wala siyang nakapitan. Wala si Jake. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapatawad ng mga magulang.
Comments
The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home