Present Time
“I’M SORRY.”
Natigil sa paglalakbay ang isip ni Lea nang marinig ang mga sinabing iyon ni Jake. Hindi niya na ito nilingon. Nanatili lang ang mga mata niya sa anak. Marahang hinawakan niya ang kamay nito. Hindi niya alam kung anong posibleng magawa kapag hindi pa ito nagkamalay sa mga darating na araw. Janna became her salvation for the past ten years. Her daughter’s existence prevented her from giving up on her life.
Janna, ‘wag mong iiwan si Mommy. ‘Wag kang gumaya sa Daddy mo, parang awa mo na.
“I know just how compassionate you are, Diana. I’ve witnessed that many times. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal kita. Dahil ikaw ‘yong uri ng tao na parating makakakita ng mabuti sa kapwa niya sa kabila ng lahat. Kaya natakot ako na baka kapag nalaman mo ‘yong tungkol kay Janna, makipagkalas ka sa akin.” Naalala ni Lea na nakayukong sinabi ni Jake kani-kanina lang kay Diana nang bumisita ang huli sa ospital. Kinausap niya lang sandali ang doktor ng anak at ang eksenang iyon na ang naabutan niya sa kanyang pagbabalik. “Hindi na kita nagawang maipakilala sa kanya dahil-“
“Dahil alam mong hindi rin ‘yon magugustuhan ng bata. The little girl still hopes that she, you and Lea, will still become a family together. At hindi ko siya masisisi. Walang bata na hindi naghahangad mabuo ang kanyang pamilya.” Inabot ni Diana ang mga kamay ng binata. “I’m sorry, too, Jake.”
“So it’s Alexis now, isn’t it?” Malungkot na sinabi ng binata nang mag-angat ng mukha. “Nararamdaman ko noon pa man na may feelings ka para sa tinatawag mong best friend mo. Hanggang sa dumating sa puntong hindi ko na alam kung sino ang mas mahal mo sa aming dalawa. Kung ako ba talaga o siya.”
“I’m so sorry.”
“Alam mo ba kung bakit nagmadali akong maikasal sa ’yo? Dahil natakot akong baka magbago pa ang isip mo tungkol sa atin. Natatakot akong magising ka sa katotohanan na hindi talaga ako ang mahal mo, na nagpapanggap ka lang dahil may gusto kang patunayan sa totoong lalaking nilalaman ng puso mo.” Nasaksihan ni Lea ang pagngiti ni Jake pero hindi iyon tumagos sa mga mata nito. “But I guess, hindi mo talaga pwedeng ipilit ang mga bagay kaya nangyari ang kaguluhan sa kasal.”
“Minahal kita, Jake. Iyong espesyal na uri ng pagmamahal na alam kong mananatili sa puso ko. You’ll always have a special place in my heart. May butas sa pagkatao ko na tinapalan mo nang dumating ka. You’re like my soul mate, Jake. Nagkataon lang na kahit anong tapal pala sa butas, hindi sasapat. Darating at darating ang araw na hihina ang pantapal at muling lilitaw ang butas. Alexis was that hole in my life. Siya ang gumawa ng butas. Siya rin lang ang makakaayos niyon.” Napasigok si Diana. Inabot nito si Jake at mahigpit na niyakap. “I never wanted to hurt you.”
“I know. I never wanted you to see me hurt, too.” Gumanti si Jake ng mas mahigpit na yakap. “Pero ‘wag kang mag-alala. Ngayon na lang ‘to. Wala naman akong dapat pagsisihan, ‘di ba? At least, nagawa kong tapalan ang butas. Hindi man sapat pero nagawa ko. May nagawa ako para sa ’yo.”
“Oo. May nagawa ka. Malaki. You changed my life, Jake. Minahal mo ako. At habang-buhay kong ipagpapasalamat iyon.”
Hindi pa nainggit ni minsan si Lea sa isang tao. Lalo pa sa isang babae. May kompiyansa naman siya kahit paano sa kanyang sarili. Sa kabila rin ng pagkakaroon niya ng anak ay marami pa rin ang nanliligaw sa kanya. Ilang ulit na rin siyang na-feature sa iba’t ibang magazine tungkol sa mga tagumpay niya. Pero dahil sa pinagdaraanan kay Jake ay bumababa araw-araw ang kompiyansang iyon hanggang sa katiting na lang ang matira, katiting na para bang tinangay pa ng hangin nang dumating si Diana sa buhay ni Jake, ang nag-iisang babaeng nakasisiguro siyang buong puso nitong inalok ng kasal, ang nag-iisang babaeng minahal nito na sanhi pa ng pagkakaroon ng takot nito.
Nakakatawa. Ganoon na lang ang takot ni Jake na mabuking ni Diana pero hindi ito natakot na mabuking niya o ng sarili nilang anak. How cruel was that? Ang sabi nito noon sa kanya ay mahal siya nito bilang matalik pa ring kaibigan. Mahal din nito ang kanilang anak. Pero bakit ganoon? Kailangan ba talagang parati na lang tinitimbang ang pagmamahal? Na kung sino ang mas mahal mo, iyon ang mas iingatan mong huwag masaktan?
Mabuti pa si Diana. By the looks of it, Jake had tried so hard to fix the hole in Diana’s life. Samantalang si Lea na kilala nito, na alam nitong nasasaktan at higit na mas malaki ang butas sa pagkatao ay hindi man lang nito tinangkang tapalan ni minsan.
“Hindi ko alam kung ilang beses ko na ‘yang narinig mula sa ‘yo, Jake. Pero sana may magic ang salitang sorry, ‘no? Na kapag narinig mo, magiging okay ka na. Gagaling ka na.” Mapait na sagot ni Lea mayamaya. “God… kahit ngayon lang, sana nga magkaroon ‘yon ng magic. I desperately need it right now.”
Comments
The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home