Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 13

“WHAT’s for breakfast today, manang?” Naghihikab pang sinabi ni Lea nang makarating na sa kusina. Ilang oras lang ang naitulog niya dahil tinapos niya pa ang design ng bahay ng huling kliyenteng tinanggap niya. Pagkatapos niyon ay gusto niya na muna sanang magbakasyon para mas makapaglaan ng oras sa anak.

Matapos makainom ng tubig ay inaantok pa ring nag-stretching si Lea gaya nang nakasanayan niya. Pero nang manatiling walang sumasagot sa kanya ay napipilitang humarap na siya sa kanilang cook.

Naglaho ang kahuli-hulihang bakas ng antok niya nang hindi si Manang Fe ang nabungaran niya kundi si Jake na kasalukuyang nakatulala pa sa kanya. Namilog ang mga mata niya kasabay niyon ay napapahiyang naibaba niya ang mga braso. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Good morning.” Sa halip ay namamaos na sagot ng binata. “I… ah,” Malakas na tumikhim ito. “Nag-usap na tayo kagabi… nakalimutan mo na ba? Ipinadala ko na lang rito ang mga gamit ko kaninang umaga. Hindi na ako umalis simula kahapon. Pinagbakasyon ko na rin muna sina Manang Fe at ang iba pang kasambahay. Sinabi kong babawi ako. And I meant it. Marunong naman akong magluto kahit paano.” Kinindatan siya nito. “Ako na munang bahala sa lahat dito sa bahay habang nasa opisina ka. Trust me. Walang mababasag rito. And I won’t burn the house. I promise.”

Napatango si Lea nang maalala ang kasunduan nila. Muli siyang kumuha ng maiinom pagkatapos ay humarap kay Jake na nahuli niyang titig na titig sa kanya… higit lalo sa damit niya.

Nagtataka namang napatingin rin si Lea sa kanyang suot. Ganoon na lang ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang maalalang isang manipis na itim na negligee lang ang suot niya. Ni wala siyang suot na bra. Palibhasa ay nasanay siyang puro babae lang sila sa bahay na iyon. Mabilis na nanakbo siya paalis ng kusina.

Kumakabog ang dibdib na isinara ni Lea ang pinto ng kwarto niya nang makapasok na roon. Pero mayamaya lang ay nakarinig siya ng magkakasunod na katok. Hinila niya na muna ang bathrobe sa gilid ng kanyang kama at ipinaibabaw sa suot na negligee bago niya binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Jake.

“Hi!”

Kumunot ang noo ni Lea. “What now?”

Sa pagkagulat niya ay muling lumapit si Jake at ikinulong siya sa mga bisig nito. “This is our first morning as a family. And I just want to start this day by saying thank you for being my daughter’s mother, Lea.”

Natigilan siya. Nanatili lang siyang parang estatwa na nakatayo roon. Pero nang ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa rin siya pinakakawalan ng binata ay tinapik niya na ang likod nito.

“Okay na. You can let me go now.” Naiilang na sinabi niya sa takot na maramdaman ni Jake ang kakaibang bilis na naman ng tibok ng puso niya. Sa kabila ng lahat ay para bang loyal fan na natataranta pa rin ang puso niya at nagkakaganoon sa tuwing malapit ito. Lalo na kung ganoon kalapit.

“I can’t.” Sa halip na bumitaw ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. “I miss embracing you so much. Isang minuto pa, please?”

Pero lumampas pa sa isang minuto ang yakap na iyon ni Jake. Nang sa wakas ay pinakawalan siya nito ay muli itong ngumiti. “Ihahatid ka na namin ni Janna mamaya sa office. Pagkabihis mo, ‘baba ka na agad. Breakfast will be served by then.”

Ilang segundo nang nakakaalis ang binata ay nanatili pa ring nakatayo si Lea sa pinto. Mayamaya ay nakita niya ang nananakbong anak palapit sa kanya. Mayroon itong dilaw na rosas na nakaipit sa kaliwang tainga nito. The kid was glowing.

“Mommy, look! Pinitas ‘to ni daddy sa garden at nilagay sa tainga ko. Wala daw siyang time bumili kaya nakipitas na muna siya.” Humagikgik ito. “He said it looks pretty on me.”

Nakakahawa ang ngiti ng bata kaya bago pa mamalayan ni Lea ay gumuhit na ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. “Your Daddy is right, sweetheart. You looked incredibly pretty today. But next time,” Masuyong hinalikan niya sa noo ang anak. “Tell him to buy, okay? Baka maubos ang rosas kung aaraw-arawin niya. Baka magwala rin si Manang Carol, mahirap na.” Tukoy niya sa kasambahay nilang masipag na nagtanim ng lahat ng mga halaman sa hardin.

Muling humagikgik ang anak. “I will, Mommy.”

Bumuntong-hininga si Lea. Ngayon niya naisip ang impact ng biglaang pagdedesisyon noong nagdaang gabi. Tama nga bang umasa ang anak sa lahat ng iyon? Paano kung panandalian lang pala iyon dala ng usig ng konsensiya ni Jake sa nangyari?

Tama rin bang… magpadala siya sa agos? Pero paano kung mas masaktan hindi lang siya kundi pati ang kanyang anak? Can she handle another pain?

“I’VE heard this song somewhere. Tumatak siya sa akin dahil sa lyrics. It says, ‘para saan pa ang mga galos mo kung titiklop ka lang’?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lea sa narinig. Mula sa pagkain ay nag-angat siya ng mukha paharap kay Timothy. Hindi na siya nagpasundo pa sa kanyang mag-ama dahil bigla na lang nagyaya ang binata na kumain sa labas. At dahil nalilito rin siya sa sarili at kailangan niya ng makakausap ay pumayag siya. Ilang beses na rin itong dumalaw sa bahay niya pero ngayon lang sila nakapag-usap nito nang maayos dahil sa tuwing nag-uusap sila ay parating lumalapit sa kanila sina Janna at Jake.

Nauupo ang mga ito sa tabi pa nila ng kaibigan. Wala namang sinasabi si Jake. Basta gumigitna lang ito sa kanila ni Timothy. At hindi niya na ito naiintindihan. Para bang nag-iiba parati ang timpla nito sa tuwing nakikita si Timothy.

Ayaw namang isipin ni Lea na nagseselos si Jake. Paano mangyayari iyon samantalang mahigit isang buwan pa lang simula nang maudlot ang kasal nito? Isa pa, kung magugustuhan siya nito, hindi ba’t dapat ay noon pa?

Oo nga at nagkasundo sila ni Jake na susubok na maging isang tunay na pamilya para sa kanilang anak. Pero natatakot pa rin siyang umasa. Mahigit sampung taon niya nang ginagawa iyon. She felt like she had been hoping and waiting for Jake to come around all her life. Pero walang kinapuntahan iyon. Kung hindi pa naaksidente ang anak ay duda si Lea kung makikipagkasundo ngayon sa kanya si Jake.

Sa nakalipas na anim na linggo ay nakita niya kung paano sumaya nang sobra-sobra ang kanyang anak. Naka-leave pa rin sa trabaho si Jake kaya ang mag-ama ang halos magkasama buong araw. At dahil natapos na ang dalawang linggong bakasyon ni Lea ay balik-trabaho na rin siya. Nasulit rin ang pahinga niya dahil nag-out of town sila noong nakaraang mga araw. Pansamantala niya na munang ipinagpaliban ang kagustuhang mag-resign sa trabaho para magsolo ng firm.

At si Diana… Aminado si Jake na madalas niya pa rin itong naaalala. Naroon pa rin sa puso niya ang pamilyar na sakit sa tuwing naiisip ito at ang naudlot na kasal nila. Pero sa kung anong dahilan ay para bang hindi naging ganoon kahirap para sa kanya ang pakawalan ito, ang tanggapin na hanggang doon na lang sila lalo na at napunta naman ito sa lalaking nakasisiguro siyang mamahalin rin ito nang buo. Sa aspetong iyon sila nagkasundo ni Alexis: sa pagmamahal kay Diana.

Sa tuwing nakikita rin ni Jake ang anak na masaya at nakangiti sa kanya ay nababawasan ang sakit hanggang sa mawala na iyon at si Diana sa isip niya. At iba na ang pumapalit. Ang anak at si… Lea. Malamig pa rin ang pagtrato sa kanya ni Lea. Pero nalulusaw ang kalamigang iyon sa tuwing nakikita nito ang kanilang anak. And that… warms his heart every time. Matagal niya nang alam na mabuti itong ina. Pero ngayon niya iyon nasasaksihan nang husto lalo pa at sa iisang bubong sila ngayon nakatira.

Walang sandaling hindi siya napapahinto sa tuwing nakikitang magkasama ang mag-ina at naglalambingan. Anuman ang ginagawa ni Jake ay awtomatikong naititigil niya para pagmasdan ang mga ito. It can be Lea’s smile or the sparkle in her eyes. Noong magkaibigan pa sila ay napapansin niya na iyon. Pero parang ngayon niya iyon napahalagahan nang todo… ngayong hindi na ito ngumingiti sa kanya nang ganoon. Ngayong hindi na kumikinang ang mga mata nito sa tuwing tumitingin sa kanya.

Meron pa pala itong ibang nginingitian nang ganoon. Si Timothy.

Timothy can easily make Lea smile. Napakaganda ng ngiti nito sa tuwing kasama ang lalaking iyon, ngiting hindi nito maibigay sa kanya. At nauunawaan naman ni Jake kung bakit. Pero hindi niya pa rin iyon nagugustuhan. Siguro dahil… siya dati iyon. Iyong posisyon ngayon ni Timothy sa buhay ni Lea, sa kanya dati iyon. And God… he missed seeing her smile that way. He missed hearing her laugh.

Ni hindi nga siya makahanap ng kakampi sa tuwing dumadalaw si Timothy sa bahay nina Lea dahil kahit si Janna ay napakalapit rin sa lalaking iyon. May kakaibang koneksiyon ang tatlo na wala sa kanila nina Lea. At… kinaiinggitan ni Jake iyon. Kahit si Timothy ay kinaiinggitan niya. Dahil hindi man sila nito naging malapit sa isa’t isa, bali-baliktarin niya man ay wala naman siyang maipipintas rito. At naaasar siya sa bagay na iyon. Because Timothy was proving to be more deserving to stay in Lea and Janna’s life than him.

Kung hindi sana siya nagpakagago noon, kanya pa rin sana ang pwesto ni Timothy. Siya lang sana ang naging sandalan ni Lea, ang kikilalaning ama ni Janna hindi gaya ngayon na dalawa raw sila ng Ninong Timothy nito na ama nito. “Damn.”

“Jake, hindi kaya…”

Iritado pa ring napasulyap siya kay Ross na bakas ang pagkagulat sa mukha. “Hindi kaya ano?”

“Ilang beses na namin ‘tong nililinaw sa ‘yo. Ang sabi mo naman, hindi ka nagkakaganyan dahil malapit rin si Janna kay Timothy. Kundi dahil sa simpleng rason na malapit si Lea sa lalaking ‘yon. Hindi kaya… mahal mo na si Lea? Paano kung matagal mo na pala siyang mahal pero nabulagan ka lang ng kung ano?”

“Pero kailan lang nang ma-postpone ang kasal mo kay Diana, ah.” Singit naman ni Near. Kumunot rin ang noo nito. “Hindi kaya… dalawa pala silang mahal mo?”

“It’s possible. May mga narinig na akong kwentong ganyan.” Napatango namang sinabi ni Milton. “Pero sinong mas mahal mo?”

Napailing si Klay. Lumipat ito sa tabi ni Jake at nakangising tinapik siya sa balikat. “Ganito lang ‘yan, pare. Lose her. Only then will you know how much she matters.”

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home