“THERE are about seven billion people in the world. And yet here you are, crazy over one person who will never ever see you the way you wanted to be seen.” Napu-frustrate na naibulong ni Lea. Wala sa loob na naiuntog niya ang ulo sa manibela. “You are so stupid, Lea.” Halos kalahating oras na mula nang maiparada niya ang kotse sa tapat ng gate ng apartment pero hindi niya pa rin nagagawang bumaba roon para harapin ang naghihintay na kaibigan.
Ilang mararahas na paghinga pa ang pinakawalan niya bago siya tuluyang bumaba ng kotse at tumuloy sa kanyang apartment. Naabutan niya sa sala si Jake. Nakaupo ito sa couch at nakapikit. Mukhang nakatulugan na nito ang paghihintay sa kanya. Dahil sa espesyal na okasyon nang gabing iyon ay matindi ang traffic. Inabot siya ng mahigit dalawang oras bago nakauwi. Napailing siya nang mapansin ang ilang bote ng alak sa center table na lahat ay wala nang laman.
Maingat na naupo si Lea sa tabi ng binata at pinakatitigan ito. Bakas ang kapaguran sa gwapong mukha nito. Alam niyang bago pa ito nagkita at si Lucine sa restaurant ay galing pa ito sa meeting kasama ang isang investor. Iyon ang nakalagay sa maikling note na ipinadala nito sa kanya nang umagang iyon na dahilan kung bakit hindi raw siya nito masasamahang manood ng sine gaya nang ipinangako sa kanya noon pang nakaraang linggo. Kasama ng note na iyon ang isang life-sized teddy bear. Pero mukhang maagang natapos ang meeting dahil nakipagkita pa ito kay Lucine.
“You always run to me at times like this.” Naibulong ni Lea mayamaya. Marahang pinadaanan niya ng daliri ang mukha ni Jake mula sa noo nito, sa malalagong mga kilay, sa talukap ng asul na asul na mga mata nito na madalas ay nakalulunod kung tumitig, sa perpektong ilong nito at sa mamula-mulang mga labi nito. “And I’m overwhelmed, believe me. Masaya ako na ako ang gusto mong makita at makasama sa mga ganitong sandali.”
Naalala ni Lea ang mga pagkakataong nagmamadali siyang mananakbo papunta kay Jake tuwing malapit na ang death anniversary ng pamilya nito. Dahil bigla-bigla na lang itong naglalaho at nagpupunta sa iba’t ibang lugar. Minsan ay sa ibang bansa pa ito nakakarating. Hindi na nito sinasabi sa kanya kung saan. He would always say that he didn’t want to bother her anymore with his issues. Pero nag-aalala pa rin siya. At sa palagay niya ay parati na siyang mag-aalala para rito. Dahil isa ang pag-aalala sa maraming kakambal ng pagmamahal.
During those moments, Lea had to bribe Jake’s secretary just so she would know where to find him. And once she knew where, like a fool, she would come running to him. Tatapusin niya ang trabaho at magmamadaling mag-file ng leave para lang mapuntahan ito. Ganoon ang sistema nila sa nakalipas na mga taon.
May mga pagkakataong siya ang takbuhan ni Jake. Pero may mga pagkakataon ring siya ang tinatakbuhan nito at siya naman ang naghahanap rito. Napapagod ring isinandal ni Lea ang ulo sa balikat ng binata. Nalanghap niya ang swabeng pabango nito na gustong-gusto niyang amuyin parati. Sa kabila ng mga nainom nito ay nangibabaw pa rin iyon.
“Jake, I… I wish that one day, you will realize that I… I have issues, too. And that I also need someone to run to. I also need you.”
Sa loob ng ilang minuto, pinagsawa ni Lea ang sarili sa ganoong posisyon nila ni Jake bago siya tumayo. Marahang tinapik niya ang mga pisngi ng kaibigan para gisingin ito. Para namang naalimpungatang dumilat ito at agad na ngumiti sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. Malakas na napatikhim siya para i-distract ang sarili sa ngiting iyon na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang epekto sa kanya.
“Bangon ka na. Lipat ka na sa guest room para mas makapagpahinga ka nang maayos.”
Umungol lang si Jake bago siya inakbayan. Hirap man ay pilit niya pa ring inakay ang pasuray-suray na binata. Nang makarating sa guest room ay hinihingal nang ibinagsak niya ito sa kama. Tagaktak ang pawis na naupo siya sa tabi nito at inalis ang mga medyas nito. Nang bahagya nang makabawi ng lakas ay iniwan niya ito sandali at pumunta sa banyo. Pagbalik roon ay may dala na siyang planggana at bimpo.
Naupo si Lea sa tabi ni Jake para alisin ang long-sleeved polo nito. Muli niyang naramdaman ang pamumuo ng butil-butil na pawis sa kanyang noo. Kung tutuusin ay hindi na bago sa kanya ang pangyayaring iyon pero hindi pa rin siya sanay na ginagawa iyon.
Bahagyang nanginig ang mga kamay ni Lea na dahilan kung bakit lalo siyang natagalan sa simpleng pag-alis sa ohales ng mga butones ng damit ni Jake. Nang tuluyan na iyong mahubad ay nalantad sa kanya ang mga malalapad na dibdib ng binata at ang para bang nagmamalaking mga pandesal nito sa tiyan. Napalunok siya.
Nagmamadaling pinunasan niya na ang mukha ni Jake pati na ang dibdib nito bago siya parang sinisilihang tumayo na. Hinila niya ang kumot at itinakip iyon hanggang sa leeg ng binata. Patalikod na sana siya nang bigla nitong abutin ang kamay niya. Nang humarap siya rito ay sumalubong sa kanya ang namumungay na mga mata nito.
“Hello there, beautiful.” Namamaos pang sinabi nito.
Nangingiting napailing si Lea. Hindi na rin bago sa kanya ang salitang iyon. Sa tuwing nalalasing ang binata ay saka lang para bang lumilinaw ang mga mata nito pagdating sa kanya. Kung ano-ano na ang mga itinawag nito sa kanya. Minsan ay lovely, gorgeous, honey, sugar, sweetheart, o princess, the things that she will never hear from him when he was sober. Pero panandalian lang iyon. Dahil pagkatapos siya nitong tingnan na para bang siya si Catriona Gray ay bagsak na ito sa kama at dere-deretso nang nakakatulog.
Nagbilang si Lea ng hanggang walong segundo sa isip. Hanggang ganoon lang kadalasan ang itinatagal ni Jake sa ganoong estado. Pero nasorpresa siya nang lumampas na roon ay nanatili pa ring nakatitig sa kanya ang binata.
Mayamaya ay bumangon na ito. Ang kamay nito ay unti-unting umakyat hanggang sa kanyang braso papunta sa kanyang balikat. “Jake?”
“Hmm?” Sagot ng binata bago siya tuluyang hinila palapit rito. Gulat na nag-landing si Lea sa katawan ng binata. Marahang natawa ito habang siya ay nananatiling nakatulala rito. In one swift movement, he was suddenly on top of her. Bago pa man siya makapagsalita ay siniil na nito ng halik ang kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya. That… was her first kiss.
Comments
The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home